Detox

659 25 12
                                    

Rita's POV





Mabilis kong kong kinuha ang phone ko ng magreply si Bern. Nakikibalita kasi ako kung ano na yung naging decision ng board regarding sa possible na pag pull out ni Ken sa investment nito sa company.







Malaki na ang naitaya ng company. Ayokong malagay sila sa alanganin ng dahil sa akin kaya nakipag usap ako kay Dad at binalaan sila. I told everything to Dad. As in Lahat.








"Aba. Gago pala si Mr.Chan !!! Iniwan ka niya dahil sa pagbubuntis mo? Wag lang siyang makalapit sa akin pag nalaman kong siya ang ama niyan... Ipapa-pullout ko lahat ng investment nila sa company!!! "








"Dad. No. Alam kong malaki na ang naisugal ng kumpanya para sa Chan Images. Ayokong ako yung maging dahilan ng pagkalugi ng kumpanya. Dad, i'll be ok. Kung ano man yung problema namin ni Ken, labas ang kumpanya dun. "






"Ano sa tingin mo? Hahayaan ko na lang yung ginawa ni Ken sayo? Dapat ka nga niyang pakasalan eh! Ginawa niyo yung isang bagay na mali sa mata ng-----"







"Dad. Kasalanan ko naman lahat ng ito eh. "








"Don't blame yourself. Rita, madami ka ng napag daanan. Ito, malalagpasan mo din to. Alam ko. Kasama mo ako. Kami ng Mommy mo. "











Lalo akong umiyak ng yakapin niya ako.














"So Madaam Rita. Ito na nga ang Chika. Handa naman si Dad mo sa posibleng pag pullout ng investment. May mga kinausap na din siyang lawyer. Against sa contract yun if ever gawin ni Sir Ken. "









"Knowing him. Alam ko, magagawa niya yun. " sabi ko sabay flip ng magazine page.











"Eh diba siya na nga nagsabi sayo na hindi niya idadamay ang kumpanya sa problema niyo? "







"Bern. Sa laki ng galit niya sa akin, imposibleng hindi niya yun gawin. "










"Basta Madaam, uupdate na lang kita if consistent parin ang pagpasok ni sir Ken dito sa company. "












Nawalan tuloy ako ng ganang pumili ng designs para sa baby room na pinapagawa ko sa kabilang kwarto. Inayos ko yung pagkakalagay ng mga magazine bago ko nilibot ng tingin ang kabuuan ng kwarto.









11 weeks. Masyado pang maaga para malaman ko ang gender nito kaya naghanap ako ng dalawang option para sa theme ng baby room.











Yung feeling na naeexcite ako.










Napangiti ako.















"Madeeeeeeerrrr... "














Napatingin ako sa tatlong baklang bumulaga sa akin paglabas ko ng babyroom.










"Talagang may dala kayong alak no? Nang aasar? "











"Hahaha. Baka naman pwedeng makahingi ng pulutan? " sabi ni Babbi.










"Anu ba!  Ang yaman yaman, walang pambili ng pulutan. " sabi ko kay Babbi. Hello, nadagdagan na kasi yung isang branch niya ng salon.












One of the GaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon