Ken's PovNangangatog akong binuhat si Rita para isakay sa emergency stretcher.
"Rita.. Andito na tayo.. Magiging ok din ang lahat. " kinakabahan na sabi ko sa kanya habang hawak hawak ko ang kamay niya.
"Ken, yung baby ko. Ken.. " umiiyak na sabi nito at doon na din bumagsak yung luha ko. Hindi na ako pinapasok sa loob ng emergency room..
"Kaano-ano mo po ang pasyente Sir? " tanong ng isang nurse.
Hindi ako makapagsalita.
"Ka-kaibigan.. "
"Ilang months na po pala yung baby Sir kung alam niyo ho? "
"6 or 7 months? Sorry, I'm not sure. "
Madami pa itong tinatanong kaya nagpasya na akong tawagan na lang ang mga magulang ni Rita para ipaalam na rin ang nangyari.
"Sir. A! Andidito po si Rita ngayon sa hospital.. "
"St. Lukes Medical Center Global City"
Wala pang 30 minutes, dumating na ang Mommy at Daddy ni Rita. Tumayo ako sa pagkakaupo sa bench pero nakatanggap ako ng isang suntok mula sa Daddy ni Rita.
"Anong ginawa mo sa anak ko!!! " sigaw nito habang kinukwelyuhan ako..
"Wala ho akong ginawa sa anak niyo--"
Isang suntok muli ang ginawa nito dahilan para matumba ako sa sahig.
"Honey! Tama na!!! " sigaw ng Mommy ni Rita at pumagitna ito sa amin.
"Pag may nangyaring masama lang sa mag-ina mo!!! Mapapatay kitang hayop ka!! " sigaw nito..
"Mag-ina mo.. "
Bigla akong kinabahan sa sinabi ng Dad ni Rita. Patayo na ako ng lumabas ang Doctor mula sa Emergency Room..
"Where's the family of the patient? "
"Anak ko ang pasyente. " sabi ni Mr. A at sumunod ito sa Doctor..
"Tita, ano pong ibig sabihin ni Sir. A? Anak ko yung dinadala ni Rita? " kinakabahan na tanong ko pero hindi ako nakakuha ng sagot mula sa kanya.
"Mabuti pa iho, si Rita na ang kausapin mo tungkol diyan. " sabi nito at sumunod na ito kila Sir. A at sa Doctor..
Naguguluhan ako.
Nagpasya akong umuwi saglit para makapagpalit ng damit dahil puro dugo na ito. Hinawakan ko ang sugat sa gilid ng labi ko dulot ng pagkakasuntok ni Sir. A.
BINABASA MO ANG
One of the Gays
Fanfiction"I prefer to focus on who I am as a person and what I stand for ♥" -Rita