Rita's POV
Matapos naming mag usap ni Ken, nauna na itong umuwi sa Uncle niya.
Nararamadaman kong ang cold ni Ken sa akin. Halata naman sa pakikipag-usap niya. Ewan ko kung galit ba siya or gusto niyang magalit ako sa kanya.
"Ingat sa pag drive! " i texted him. After niyan, nilagay ko na yung phone sa table at tinakpan ko ng unan yung ulo ko. Nandidito ako sa kwarto nila Mommy and Daddy. Nagsusukat kasi si Mommy ng outfit na dala ko.
"Bagay ba? "
"Oo naman Mommy!!! Ako gumawa niyan eh! "
9:30 ng umaga, busy ako sa mga paperworks na napending sa akin.. Panay ang tingin ko sa phone ko.
Literal na hindi na nagtetext or tumatawag si Ken unlike dati.
Hindi dapat ako mainis sa pandededma niya pero naiirita na ako. Masyado niya yata akong sinanay sa mga sweet text messages at late night calls. Yes, tumatawag pa siya sa akin bago matulog.. Pero ngayon? Sobrang weird. Mag iisang linggo na siyang ganyan. Yes, nagrereply siya kapag work related yung text ko. Pero sa simpleng "Kamusta?" ko sa kanya, wala akong nakuhang reply.
Diba dapat hindi ganito? Dapat ok lang sa akin kasi sa simula pa lang, inis na inis na ako sa kanya at hinihintay ko na nga lang yung date ng mismong event para matapos na tong partnership namin eh.. Pero Puchaaaaa, bakit feeling ko may kumukurot sa dibdib sa mga cold replies? Haaaays.
Napatingin ako sa pinto ng pumasok ang tatlong bakla.
"Oh? Madeeer!!! Ang aga aga nakasimangot ka diyan!!" sabi ni Timmy at inirapan ko siya.
"Goodluck sa atin para bukas!!! " tili ni Milan at napangiti ako.
"Kinakabahan ako. "
Mabilis silang lumapit at niyakap ako.. Bigla nalang akong naging emosyonal.. Nataranta ang tatlo..
"Oy, bakit??? "
Halo-halo na sigurong emosyon tong nararamdaman ko kaya naiyak na ako.
"Pasensya na. Wala to. "
"Ano bang problema? Makikinig kami. " seryosong sabi ni Babbi.
Napayuko ako.
"First, kinakabahan ako baka hindi sumipot si Ken bukas. "
"Bakit naman? Eh aligaga nga yun para maayos yung mga photos at videos para bukas. Nakikipagcoordinate naman siya sa akin para sa gagawin kong set design. " sabi ni Milan.
Ngayon ko lang to nalaman. He contacted Milan for the event. Bakit sa akin hindi??
"Mabuti pa kayo, kinocontact niya, eh ako? Wala. "
"Talaga? Bakit daw? "
"Hindi ko alam. Naguguluhan ako. "
"Kasi matatapos na yung event. Matatapos na rin yung obligation niyo sa isa't-isa. Kaya hindi na nagpaparamadam! " sabi ni Timmy.
Sakit.
Napayuko ako. Tumulo na naman yung luha ko.
"Attached kana no? " tanong ni Milan.
BINABASA MO ANG
One of the Gays
Fanfiction"I prefer to focus on who I am as a person and what I stand for ♥" -Rita