Pader

886 22 0
                                    

Rita's POV


Malalim na ang gabi pero nandidito kami sa tapat ng pinto ng unit ni Charms.. Tumawag kasi ito at umiiyak..






"Madeeer, sirain na kaya natin yung pinto?? " sabi ni Timmy






"Juskoo,  baka nagpakamatay na yun!! " OA na sabi ni Milan.




"Guys... Huminahon nga kayo!!! Haaays, baka tumalon na yun sa building ng condominium na to!!" sabi ni Babbi..




Inirapan ko na lang sila..



Nakailang kalabog na kasi kami ng pinto niya, wala paring nagbubukas.



After 30 minutes, dahan dahan na nagbukas ang pinto at bumungad sa amin si Charms.. Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. Naka ayos ito. Grabe yung make up. Akala mo may event na pupuntahan..



"Pucha! Ano yan?? Kanina pa kami dito sa labas!! " sabi ko sabay kaladkad sa kanya papasok ng unit niya..




"Syempre pinaghandaan ko ang pagpunta niyo! Tinapos ko lang ikabit tong false eyelashes bago ko buksan. Kanina ko pa kayo naririnig " sabi nito.





"Sasakalin talaga kitang babae ka! " gigil na sabi ni Milan.





"Ano bang problema? Meron ba? Parang wala naman. " sabi ko dito sabay upo sa couch niya.





Napatingin ako kay Charms na seryosong umupo sa tabi ko..








"Si Viko, nagsisimula ng tanungin yung about sa Tatay niya. " seryosong sabi nito..










Charms is a single mom. Si Viko is 5 years old na... Viko is a miracle baby..  A living proof that miracles still exist.






"Anong sabi mo? "






"Hi-hindi ko sinagot.. Dumiretso ako ng banyo at doon umiyak. Dumating na yung isa sa kinatatakutan ko Rita.. "






Niyakap ko siya..







"Sana sinabi mo na lang na..







"Heaven!
Nasa heaven na siya... Chuva choo choo Chuva choo choo "sabi ko sabay sayaw at kanta... Nagpalakpakan ang mga bakla..









"Kaya love kita Rita eh!!!! Salamat Sissy! Isasayaw ko yan sa harap ni Viko! " sabi ni Charms at tumawa ako.






"Gusto mo bang backupan ka na namin? " alok ni Timmy .






"Wag na.. Papatulugin ko na lang pala si Viko... "







Buong gabi kami nag usap ng kung ano ano.. Kahit na maaga pa yung pasok naming lahat bukas, ok lang na magpuyat. Sanay na kami.





4am na akong bumalik ng bahay ko..





Nagset ako ng alarm ng 6am...








Nagising ako ng maramdaman ko ang sikat ng araw na tumatama sa akin..






Pagbangon ko, nagmadali ako ng makita kong 7am na.. 



"Syeeeet. 8am ang meeting ko with sir Tomen..

Nagmadali akong maligo... Bahala na kung anong isusuot ko ngayon, ang Mahalaga,  mameet ko si Mr. Tomen. Isang napakahalagang kleyente..



One of the GaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon