Flowers

674 17 10
                                    

Rita's POV

"Congrats Madeeeeer!!!! CEO kanaaaaa!!! Bigtime na bigtime na talaga Beshy namin!! " maingay na sabi ni Babbi



"Salamat hah. Hindi nga ako makapaniwala sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Para akong nanaginip. "


"Alam na ba nila Tito yung condition mo? "




Napatango ako. Inamin ko sa kanila yung condition ko last night while having our family dinner. That was our first family dinner together!!! As in tatlo kami. Nakakamiss. I wish, Ate was here.



"Tinanong nila kung sino ang ama? "




Umiling ako. Ang alam nila talaga is nag success yung IVF procedure sa akin. Nagtaka pa nga si Dad bakit di daw namin pinaalam sa kanya. Pero natapos yung dinner namin na medyo gumaan yung puso ko. Dad is so excited for my baby. 💖 His apo.


"Basta guys, I need to focus on my baby and my career.. "


"Paano si Ken? Kailan mo balak sabihin? "




"Hindi ko alam. Yung totoo, hindi ko talaga alam kung paano sisimulan.."




"Basta girl, andito lang kaming tatlo hah. Di ka namin papabayaan.. Basta may stock lang lagi ng icecream sa ref mo, ok na yun.. " sabi ni Timmy at natawa ako.




Nagulat kami ng bumukas ang pinto ng office ko at bumungad si Ken na nakangiting pumasok.. Bitbit ang isang bouquet ng bulaklak..



"Good Morning everyone! Good Morning love! " sabi nito sabay bigay ng bulaklak at hinalikan ako sa ulo




"Oh? Bakit parang nakakita kayo ng multo? Anong meron? " tanong nito..




"Wala naman. Nagcecelebrate kasi kami. May good news kasi si Rita. " sabi ni Babbi at pinanlakihan ko to ng mata. Bigla akong kinabahan..


"Really? What is it? "




"CEO na si Madeeeeerr. " tili ni Timmy at nakahinga ako ng maluwag.



"Well. Deserve naman talaga ni Rita yun. In fact, mas nauna ko pang nalaman yun.. Your Dad told me na ipapasa na niya sayo ang position.. Congratulations Ta! I'm so proud of you! " sabi nito at bigla na lang akong naluha.. Pregnancy hormones..



"Hey. Are you ok? " nagtatakang sabi ni Ken.

"Oo. Ok lang ako. Para ka kasing sira! May pa I'm so proud of you ka pang nalalaman. Tama na nga speech!!" naiiyak na sabi ko.. Panay parin akong punas ng luha sa mata ko.



"I mean it love!! Wag ka na umiyak.. Magcecelebrate pa tayo!! " sabi ni Ken.


"Kasama ba kami sa celebration? " tanong ni Babbi at natawa si Ken.



"Oo naman! Tara, lunch tayo! Sagot ko! " sabi ni Ken at nagsigawan ang mga bakla.


Seryoso. Pag nakikita ko si Ken, lalo akong nakukonsyensya.. Paano ko ba masasabi iyon sa kanya..





After namin mag lunch, tumawag si Dad para kunin yung contract ng isa naming investor..


"Ok Dad, papunta na ako diyan. " sabi ko mula sa kabilang linya.




Napahawak ako sa noo ko ng maalala kong hindi ko pala dala yung original contract .. Naiwan ko sa bahay!!

Mabilis kong tinawagan si Ken na nakasunod sa kotse ko.. Papunta sana kami ng bahay niya sa Taguig ..



One of the GaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon