No

665 21 4
                                    

Rita's POV

HINAYAAN akong bumalik ng tatlong bakla. Hindi ko kayang makita or makasama yung Lexi na yun sa isang event.. Yes, hindi pa kami sigurado kung ano nga ba si Lexi ni Ken pero hanggat kaya ko, iiwas na lang muna ako...



Sinubukan kong tawagan si Ken..




Syeeeet. Nagriring na!! May signal na sa site!

"My gosh Ken Chan! Finally! " sabi ko sa kabilang linya.

"Oh? Bakit ka tumawag? "


Ang lamig..

"Wag ka na magtampo!!! Pwede ka na pumunta ng bahay. Hehe. "


"Akala ko ba ayaw mo akong makita? "

"To naman!!! Miss na kaya kita!!! "

"Miss na din kita.. Yari ka sa akin pagbalik ko ng Manila. "


"Nasaan ka ngayon? " tanong ko dito.



"Cavite. Dito yung site ng photoshoot. Napakaarte ng groom, gusto gayahin yung 4 season motif ng prenup tapos sa Pilipinas gagawin. Pucha, nagyeyelo ba dito??? " medyo inis na sabi nito at natawa ako.


"Alam mo Ken, naiimagine ko paano umusok ilong mo sa inis. Chill lang Love! "

"Kamusta ka diyan? Balita sa akin ng mga yaya mo, masama daw pakiradam mo? "


WTF. Bakit nagbibigay ng mga infos sila MJ kay Ken. Aba.

"Kailan pa sila naging tagapagbalita sayo aber? "


"Wag mo nang pagalitan. Nakiusap lang ako. Syempre dapat alam ko kung ok ka lalo na't malayo ako. "


"Wow. Akala mo naman Antartika yung Cavite. Ang layo nga. " mataray na sabi ko at narinig ko itong tumawa.



"Sige na Love, magpahinga ka na! "











Hindi ko siya tinanong tungkol sa picture na nakita ko kanina. Ayokong malaman yung sagot. Natatakot ako..












Mag-isa lang ako dito sa bahay. Binigyan ko ng 3 days off yung tatlong Yaya kasi nahihiya na ako na lagi silang expose sa akin lalo na't medyo masama ang pakiramdam ko lately.. Ayaw sana nila mag day-off kasi wala daw ako kasama dito pero pinilit ko sila.





Naalala ko parin yung mukha ni Lexi...


Yes. Maganda Siya. Pang super model ang katawan.






Bagay sila ni Ken 💔






"Puchaaa.. Ano ba tong naiisip ko!! "





Napatayo ako sa kama ng makaramdam ako ng kung anong paghalukay sa tiyan ko. Mabilis akong pumunta sa CR at doon sumuka.












Bigla akong kinabahan.











Bakit parang mas gusto ko pang isiping na  na food poison ako?







Napahawak ako sa ulo ko. Mabilis kong nilinis yung kalat ko..








Nagtungo ako sa pinakamalapit na pharmacy..























One of the GaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon