Ken's POV
"Ken! Isa pa kasi!! Dali na!! " parang batang nagmamaktol na sabi ni Rita.
"Tama na! Matatanggal talaga tong taenga ko!! " kanina pa kasi niya trip pisilin yung taenga ko. Nagulat ako nung kinagat pa niya!
"Isa na lang dali!!! Tapos papauwiin na kita. " sabi nito.
"Papauwiin mo talaga ako? Di ba ako welcome dito? "
"Di-dito ka matutulog?"
"Bawal ba? "
"Hmmm. Hindi naman, kaso baka dumating sila Dad.. Magagalit yun pag naabutan ka dito. "
Napangiti ako.
"Hindi yun magagalit. Nag usap na kami ni Frank Altamor. " sabi ko dito at nagsalubong ang mga kilay nito.
"Wow. Maka Frank ka naman kay Dad. Tropa??? Eh halos patayin ka na nga kahapon sa suntok! "
"Nag usap na kami ng Dad mo. " pag amin ko sa kanya.
Inayos ko ang balikat ko ng humigpit ang pagkakayakap ni Rita sa akin.. Nakahiga kasi kaming dalawa dito sa kama niya.
"Kailan kayo nag-usap ni Dad? "
"Kanina. "
"Tungkol saan? "
"Humingi ako ng paumanhin sa nagawa ko. Sa mga pagkukulang ko. I explained my side. "
Napatingin si Rita sa akin.
"Anong sabi ni Dad? "
Ngumiti ako.
"Naging ok naman yung pag uusap namin. Ok na kami. Nagkasundo. Kung ano pa man yung pinag usapan namin, sa amin na lang muna yun ni Tito Frank."
"Wow. Tito Frank? Naks. Di naman obvious na close kayo noh? Paano mo binola si Dad hah? Paano mo nakuha agad agad yung tiwala niya?"
"Paano ko ba ulet nakuha yung tiwala mo? " pagbalik ko ng tanong sa kanya at ngumiti ito.
"My Gosh. Ken Chan! Don't tell me, hinalikan mo din si Dad?! "
"At iyon talaga yung naisip mo eh no.."
"Kasi naman, noon pa lang, pabor na pabor na sayo si Dad.. Bakit ba?"
"Mabuting tao kasi ako. " pagmamayabang ko.
"Gusto ko yun! Yung nagbuhat ka ng sarili mong bangko HAHAHAHAHA. "
"So dito na ako matutulog? " tanong ko muli dito.
"Pag iisipan ko muna. " sagot nito.
"Ay. Grabe. "
"At nakapag isip na ako. Sige, dito ka na matulog.."
"Actually, ako talaga yung mag work from home. " pag amin ko kay Rita.
"Bakit? Di ka na papasok sa Altamor? "
BINABASA MO ANG
One of the Gays
Fanfiction"I prefer to focus on who I am as a person and what I stand for ♥" -Rita