Rita's POV
"Ken Chaaaaaaaaaaaan!!! " malakas na sigaw ko..
"What?? " tanong nito ng sumilip siya sa kusina.
Tiningnan ko ang basa sa sahig.
Lumapit ito at kumuha ng map.
"Pwede ko namang linisin mamaya yan eh. Bakit mo kasi natapon yung tubig?? " tanong nito at nanlaki ang mata ko. Mabilis kong inabot ang buhok niya para sabunutan.
"A-aray. Rita. Masakit. Bakit ba? "
"Hindi yan tubig galing sa baso!!! Panubigan ko yan! Manganganak na ako!!" sigaw ko dito. Tila natuod sa kinatatayuan niya si Ken. Siniko ko ito.
"Ken! Ano ba!! Dalhin mo na ako sa hospital.. "
"Oo. Hospital. Tama. Dadalhin kita sa hospital.. " natatarantang sabi nito.
"Ken, wag mo naman ako uunahang mataranta!! " bulong ko dito.
Syeeet. Nararamdaman ko na ang paghilab ng tiyan ko.
Habang nasa sasakyan kami, nakakapit lang ako sa braso ni Ken. Hindi ko alam kung anong posisyon ng pag upo ang gagawin ko. Sobrang sakit na kasi talaga ng tiyan ko.
"Opo manang! Kayo na pong bahala sa bahay, punta na lang po kayo sa hospital pag lumabas na yung baby.. " dinig kong sabi ni Ken. Si Manang Flor ang kausap nito. Nasa palengke kasi silang dalawa ni MJ kanina nung umalis kami.
"Ken.. " kinakabahan na sabi ko habang nakatingin sa kanya.
"You can do it. Ikaw pa ba." kampanteng sabi nito.
Habang nasa sasakyan kami, naglagay na ako ng false eylashes. Inayos ko na din kilay ko.
Syempre, dapat maganda parin ako habang nanganganak.
"Ken!!! Ang sakit!! " sigaw ko habang nasa delivery room.
Nakahawak si Ken sa kamay ko. Nahawakan ko ang buhok nito ng nagsimula na naman ang paghilab.
"Rita, isa na lang.. Pushhhh" rinig kong sabi ng Doctora.
"Ken, wag mo akong hawakan sa mukha, pag natanggal yung false eyelashes ko, humanda ka talaga sa akin! " sigaw ko dito. Natawa ito at umiling.
Napansin kong natatawa rin yung doctor ko.
Nakavideo ang buong panganganak ko. Ken insisted.
Isang malakas na ire ang ginawa ko at doon ko narinig ang isa sa pinakamagandang iyak na narinig ko sa buong buhay ko..
BINABASA MO ANG
One of the Gays
Fanfiction"I prefer to focus on who I am as a person and what I stand for ♥" -Rita