Nasaan

584 22 5
                                    

Rita's POV





Nakaharap ako sa salamin at inayos ko ang dress na suot ko. Hapit na hapit ang suot ko.. Pinatungan ko na lang ng denim jacket at white rubber shoes.





Napapikit ako bago pumasok sa building ng kumpanya.






"Good Morning Madaaam Rita! " bati ni Bern at nginitian ko siya.






Kumunot ang noo ko ng wala akong makitang Ken Chan sa loob ng office ko.





"Late? " tanong ko kay Bern sabay turo sa mesa ni Ken.






"Ay, hindi po siya papasok. " sagot ni Bern.




"Bakit? " tanong ko.





Wait. Bakit ko ba inaalam ang dahilan? Diba dapat masaya ako dahil wala ito.




"Ang alam ko po Madam,  trice a week lang ang pasok ni Sir Ken dito. "





"So papasok pa siya bukas? Akala ko pa naman hindi na. "





"Nagpaschedule po pala siya ng meeting with you tomorrow morning. "





"Aba. Tungkol saan naman? "




"Sa Magazine daw po. "




Hanggang ngayon, hindi ko pa natatapos yung final draft ng mga designs sa new collections ko na ifefeature sa magazine. Biglaan kasi yung pagtuloy ng project ni Dad!? Na pepressure ako !





Paglapag ko ng phone ko, I received a message from Ken na pala..





"Miss me? Don't worry, papasok ako bukas. See you sa conference room. 8am. "






Walang gana kong nilapag ang phone sa mesa at nagstart ng magtrabaho..




"Yung pinaschedule bang meeting ni Ken bukas, sino-sino yung kasama? "






"Dalawa lang daw po kayo. "






"Bern, labas ka na muna.. May gagawin lang ako. " sabi ko kay Bern at tuluyan na itong lumabas.




Dali-dali kong tinawagan si Milan.




"Baklaaaaaa!!! May problema ako. " naiiyak na sabi ko.






"Ano yun Madeeer??? Juskooo.. "






"Kasi Yung Ken Chan nagpaschedule ng meeting with me tomorrow by 8am sa conference room. "





"Oh! Anong problema? Don't tell me wala kayong conference room? " biro nito at natawa ako. Gago talaga 😂






"Gaga!! Syempre!!! Baka anong gawin nun sa akin bukas!!"






"Oy, natatakot siya. Magaling naman siguro siya. Sulit naman siguro.. " sabi nito sa kabilang linya..






"Hoy Milan!! Puro kababuyan laman ng utak mo! Ang aga aga!! "





"Hoy Rita!! Wala akong kababuyang sinabi!!! Ikaw hah!! Ang green ng utak pagdating kay Ken!!! Ayiiie. "






Napairap ako.







"Hindi ka nakatulong. " seryosong sabi ko.






"Oy, ito naman!!! Chill ka nga lang!! Wag ka ma stress kay Ken. Kami reresbak pag sinaktan ka ulet niyan! "




One of the GaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon