Rita's POV
30 MINUTES na lang at aakyat na kami sa airplane pero wala parin si Ken.
"Baka hindi na dadating? Inindian yung contract niyo Madeeeer. " sabi ni Babbi.
"Haaays. Bahala siya!! Kakasuhan ko talaga siya!"
"Baka naman natraffic lang. OA niyo! " sabi ni Milan.
"Teka nga, hindi ba talaga makakasama si Timmy?? Paano yung mga models? "
"Diba nga, nauna na sila sa Baler! "
"Kasama si Timmy? Bakit siya nauna dun?? Hindi manlang nagpalaam! "
"Ayaw ka na daw kasi niyang katabi! " sabi ni Milan at inirapan ko naman sila.
"Ako, gusto kitang katabi. "
Napalingon kami sa likuran ko.
Ken.
"Oh? Akala ko mang iindian ka.. " masungit na sabi ko dito.
"Naisip ko din yan. Kaso wag na lang, baka umiyak ka. Ayokong umiyak ka. " sabi nito. Maagang panlalandi na nanaman nitong si Ken. Haaaays.
Papasok na kami sa eroplano ng mag unahan si Milan at Babbi sa upuan. Magkatabi sila.
"So. Hi Seatmate! " nakangiting sabi ni Ken sabay lahad ng kamay para paunahin akong umupo sa may tabi ng bintana. Wala na akong nagawa...
Hindi ako nakaidlip sa eroplano dahil katabi ko tong ungas na to..
Palabas na kami ng airport at naghihintay ng Van na sasakyan namin papuntang Beach resort..
"Ako na magdala nito. " sabi ni Ken sabay kuha ng malaking bag na pinaglalagyan ng ilang damit.
Wala na akong nagawa kundi ibigay sa kanya..
"Masyado namang mabait. Sana araw-araw. " sabi ko dito.
"Oy, gusto niya akong makasama araw-araw! " pang aasar niya at inirapan ko ito.
"Couple, tama na harutan, andito na yung Van. " sabi ni Babbi.
"Couple ka diyan??? Gagu to!" sabi ko.
"Couple. " nakangiting sabi ni Ken sabay tingin sa akin. Mabilis akong umiwas ng tingin at nagmadaling pumasok sa Van.
Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ganito. Kinakabahan ako. Kumunot ang noo ko ng tumabi si Ken sa akin.
"Let's go!! Sa beach!! " sabi nito.
Hindi ako nagsasalita sa buong biyahe.
Pagdating namin sa resort, mabilis akong pumunta sa magiging room ko.
Hinagis ko ang mga bag ko sa kama at magaan kong sinabunutan ang buhok ko.
"Ano yung kanina? Bakit ko to nararamdaman. Hindi to pwede. "
Napapikit ako at inihiga ang sarili sa kama.
"Rita. Simple act of kindness lang yun. Wag kang paapekto. " bulong ko sa sarili.
BINABASA MO ANG
One of the Gays
Fanfiction"I prefer to focus on who I am as a person and what I stand for ♥" -Rita