Rita's POV
Last day na namin dito sa Resort. Hindi naman obvious na ang aga-aga ko nagising , mag isa lang akong naghihintay ng pagkain dito sa buffet room.
Lumapit ako sa isang malaking salamin sa gilid ng CR.
Napangiti ako ng makita ko ang kabuoan ko.
@.StyledByRitaAlt. : 21 weeks and growing! The beginning of my pregnancy was quite challenging 💪 But now that I'm in my second trimester, I feel so much better. I have more energy and a better appetite, but the best part is I can feel the baby moving now ❤Nakangiti ako habang pinopost ito sa aking Instagram Account.
I click the notification, panay comment agad yung mga bakla. Hay naku, miss na agad ako nitong mga to.
@.MilanDiii : Bakit ang sexy?
@.TIMMYMUA : Buntis yan?
@.BabbiiiQQ : Ang pangit mo na nu? Ayaw pakita mukha. HAHAHAHA.
RT talaga to lagi si Babbi. hahahaha.
Hinawakan ko ang tummy ko at napangiti ng maramdaman ko muli ang pagsipa niya.
Bigla akong napatingin sa likod mula sa repleksyon ng salamin ng bumukas ang pinto ng CR at bumulaga si Ken na kakalabas lang dito.
Halata din ang gulat niya ng makita ako. Inayos ko yung damit ko at humarap sa kanya.
"I thought ako yung mas maagang nagising. Meron pa palang iba. " sabi ko sa kanya.
Napatingin siya sa paa ko.
F*ck. Nakamedyas lang pala ako. Hinubad ko kasi yung suot kong sapatos sa gilid ng table kanina.
"Nakamedyas lang talaga? " tanong nito. Umiling ako sabay lapit sa table kung saan ko iniwan yung sapatos ko.
Habang sinusuot ko yung sapatos habang nakatayo ako, lumapit ito sa akin.
Bakit hindi ko na masuot yung sapatos ko ? Nasusuot ko pa to kahit nakatayo lang without using my hand. Inaral ko talaga mag suot ng shoes na paa lang ang gamit kasi alam kong mag sstruggle ako dito lalo na't papalaki na ang tummy ko.
Nagulat ako ng lalong lumapit si Ken sa akin na tila inuusisa yung ginagawa ko.
"Upo. " seryosong utos nito sa akin. Kumunot ang noo kong napatingin sa kanya.
"Huh? "
"Umupo ka. Ako na magsusuot sayo. " sabi nito na ikinagulat ko.
Gagi tong puso ko. Aatakihin na ba ako? Ang bilis bilis.
"No. Kaya ko na to. Mag hintay ka na lang ng breakfa--"
"Upo. " may awtoridad na sabi nito.
"Fine!! " maarteng sabi ko sabay upo sa upuan.
BINABASA MO ANG
One of the Gays
Fanfiction"I prefer to focus on who I am as a person and what I stand for ♥" -Rita