Ken's POV
As usual, delayed ang flight ko. 3pm pa dapat ang dating ko dito sa hotel pero naging 8pm. Hindi na tuloy ako nagkaroon ng time para maglibot. Sa sobrang aga ko sa airport kanina para hindi ma-late tapos delayed flight lang ang aabutin ko. Kung minamalas ka nga naman.
Pagpasok ko sa room na nakabooked para sa akin, nagtaka ako dahil sobrang laki ng kwarto. Meron itong dalawang kama.
So they still expecting na dalawa ang magiging representatives ng Altamor sa Seminar.
Ibinaba ko yung bag na dala ko sa kama at mabilis na inihiga ang sarili... Grabe.. Napakalapit lang naman ng Pilipinas sa Hongkong pero bakit ganito yung pagod na nararamdaman ko..
Napabalikwas sa kama ng may magdoorbell... Agad akong napatingin sa dala kong bag..
Wala naman akong naiwang bagahe
Wala din akong inorder.
Kunot noo kong binuksan ang pinto..
Rita?
---
Rita's POV
Nakailang doorbell na ako pero wala paring nagbubukas ng pinto.
Ano ba! Tama ba yung room number na nakabooked sa amin? Ang pagkakaalam ko, naka-in na si Ken sa loob, bakit ang tagal niyang buksan. Asaaaar.
Isa pa sanang pindot sa doorbell ang gagawin ko pero biglang bumukas ang pinto.
Rita?
"Grabe hah! Nakailang pindot na kaya ako!! Ang tagal mo namang buksan yung pinto. Tsss. "
"Anong ginagawa mo dito? " medyo may inis sa tonong tanong nito.
"Duuuh. Obvious ba? I'm here to join you!! Hindi ka ba masaya??? Oh well, for sure hindi nga. Wag ka mag alala. Labas naman ang trabado sa sinasabi mong "ako na mismo ang lalayo".. Medyo maarteng sabi ko sabay upo sa isang kama.
"Pero ang sabi mo, ako lang ang pupunta sa seminar! Para sa deal! Teka, pinaglalaruan mo ba ako?" galit na tanong nito.
"Pwede ba!? Hindi ka ba kampante na may kasama ka sa pag close ng deal? At una sa lahat, company ko ang Altamor!"
"Wag mo akong minamaliit Rita. "
Napatayo ako sa sinabi nito.
"Hindi kita minamaliit Ken! Kaya nga ikaw ang inatasan ko sa deal na to kasi alam kong kaya mo! " sabi ko at napahawak ako sa tiyan ko ng maramdaman kong sumipa ang baby..
BINABASA MO ANG
One of the Gays
Fanfiction"I prefer to focus on who I am as a person and what I stand for ♥" -Rita