Ken's POV
Monday Morning, maaga akong pumasok sa office ng mga Altamor..
Dahil sa success ng pag present ko ng draft for magazine kay Mr. Altamor, medyo nabawasan yung problema ko.. Mas maasikaso ko na yung mga photoshoot na nakaline up sa Chan Images..Maingat kong inilapag yung dalawang camera ko sa upuan. Wala naman si Rita kaya kinuha ko na yung isang upuan sa gilid ng desk niya para mailagay ko yung mga camera.
Matapos kong ilapag ang isang tasa ng kape sa desk ko, nagulat ako ng bumukas ang pinto ng office at iniluwa noon si Rita kasunod si Bern.
Wtf? Bakit siya nandidito?
"Madami kang ichichika sa akin Bern hah! Tsaka yung mga pending ko, pakisend naman sa akin para maayos ko yung schedules. Siguro maximum of 3 meetings a day na lang ako... " rinig kong sabi ni Rita habang papasok ito ng office.. Mabilis niyang inilapag ang bag niya sa desk at tila ba may hinahanap sa paligid.
"Pasensya na Madaaam!!? Hindi ka naman kasi nagpasabi na papasok ka na ngayon!! Hindi ko kasi naayos tong table mo!! " sabi ni Bern habang inaayos yung nakatumbang libro sa bandang dulo ng table.
"Ok lang. Wala naman gagalaw ng mga gamit ko dito diba? Oooh, well. Nasaan yung isang upuan dito sa gilid? " sabi ni Rita.
Nabalik ako sa wisyo ng marinig kong hinahanap niya yung upuan sa gilid niya.
Mabilis kong tinanggal yung mga camera ko at ibinalik ang upuan sa tabi niya.
"Sorry. Ito pala yung upuan.. Hiniram ko lang kasi para pagpatungan ng mga camera. Wala akong idea na ngayon ka na papasok. " diretsong sabi ko.
"No problem. Baka kailangan mo pa nitong upuan? Sayo muna?" malamig na tonong sabi nito
"Hindi. Ok lang. "
"Bern, pasabi kay Dad na nandito na ako. Tsaka ito pala yung supply ko ng gatas. So alam mo na? No coffee muna ako! " sabi nito sabay labas ng malaking box ng gatas para sa mga buntis. Iyon pala yung laman ng dala dala niyang supot kanina pagpasok.
Napatingin ako sa tiyan niya. Halata na ito. Kung di ako nagkakamali, 4-5 months na.
Nag angat ako ng tingin ng tawagin niya ang pangalan ko.
"Ken, mamaya, gusto kong ipresent mo sa akin yung same drafts na prinesent mo kay Dad last week. Mataas ang expectations ko sa 2nd magazine mo dito sa company... Alam mo naman na sobrang ganda nung una. " sabi nito. Bigla akong kinabahan. Medyo napressure ako sa sinabi nito.
"Ok. Mga anong oras? "
"12 nn. "
Nagkatinginan kami ni Bern
"Madaam, lunch break kasi yun----"
Sabi ni Bern ng magsalita si Rita."Alam ko! Bakit? Pwede ka naman kumain before 12 or after your presentation. May problema ba dun Ken? " tanong nito at umiling ako.
Sabay sabay kaming tatlo na napatingin sa pinto ng office ng sumilip ang Dad ni Rita.
"Rita? Excuse lang. Pwede ka? Meeting today sa conference room. " sabi ng Dad niya at ngumiti si Rita.
BINABASA MO ANG
One of the Gays
Fanfiction"I prefer to focus on who I am as a person and what I stand for ♥" -Rita