Fault

687 22 7
                                    

Rita's POV

Saturday afternoon, nagpasya akong surpresahin si Ken sa office nila.. Full schedule kas siya today due to lineup of meetings. Eh sobrang miss ko na siya kaya ako na lang ang pupunta sa kanya..







Hininto ko ang kotse ko sa isang store para bumili ng cake.







Matagal kong pinag isipan kung anong flavor ang dadalhin ko kay Ken. Pagbalik ko sa kotse, kumuha ako ng sticky note para sulatan..






30 minutes lang, nakarating na ako sa Chan Images.. Bago ako bumaba ng kotse, napansin kong may unread messages pa pala ako galing kay Milan.



"Madeeer, baka naan pwede mong irequest na sa bahay niyo ka na lang mag work.. Alam mo naman na maselan yang pagbubuntis mo.. "






"Salamat sa concern Beks hah! Pero ok lang. Kaya ko pa naman. 10 weeks pa lang naman si baby.." reply ko sa kanya.





Sa totoo lang, alam ko sa sarili ko na maselan nga ang pagbubuntis ko. Kanina, ilang beses akong pabalik balik sa CR para sumuka.






Napahawak ako sa sentido ko ng makaramdam ako ng pagkahilo.. Sumandal lang ako saglit sa inuupuan ko. Nung medyo ok na yung pakiramdam ko, lumabas na ko sa kotse at kinuha ang cake..












Ken's POV





"Doon tayo sa office mag usap" sabi ko kay Lexi ng makita ko ito sa entrance ng company.






"So pinacancel mo lahat ng meetings mo para makausap ako? Di parin ba tapos problema mo? " natatawang sabi ni Lexi







"I decided to cancel all the plans! Wala naman ng dahilan para ituloy ko pa iyon."





"Teka. Sigurado ka? Ang laki na ng gastos mo. "







"Wala akong pakialam sa mga nagastos ko. Wala naman ng halaga yun. "





"Ken, kung may magagawa lang ako para gumaan yung bigat na nararamdaman mo ngayon... "






"Ok na yung nandidito ka.. Hindi ka parin nagbabago Lexi. "








"Para saan pa't naging mag pinsan tayo diba? "








Sabay kaming lumaki ni Lexi. Nung napunta ako sa puder nila Tito at Tita, every Sunday bumibisita sila Lexi at Mama niya sa bahay nila Tito.. Hindi ko naramdamang mag isa ako dahil kay Lexi. Tinuring ko siyang kapatid. Lahat ng mga napagdadaanan ko, siya ang nakakaalam. Sa kanya ko na ikinikwento. Sobrang saya ko lang na naging maayos na ang buhay niya ngayon kasama ang asawa niya at isang anak.






Napayuko ako..







"Naku, mukhang kailangan ni Ken ng yakap ah? " sabi ni Lexi at natawa ako.








"Can I? "








Mabilis niya akong niyakap...












"Rita? "







Mabilis akong napalingon sa likod ko..









It was Rita holding a cake. Mabilis na kumawala si Lexi sa pagkakayakap sa akin ng maglakad paalis si Rita.










One of the GaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon