Ken's POV
Ilang araw na akong pabalik-balik sa office ni Rita pero hindi parin ito pumapasok. Ilang beses ko na ding kinokontak yung mga Gay friends niya pero wala silang reply.
Dalawang linggo na lang at magaganap na ang Big Event ni Rita. Kailangan ko na siyang makausap tungkol sa event. Hindi pa kasi kami nag final meeting regarding doon.
"Sir Ken? Tumawag po si Mr. Zalas, hindi daw po natuloy meeting niyo kahapon? Nag hintay daw po siya sa meeting place ng 3 hrs. Nagagalit na po sa kabilang linya. " rinig kong sabi ni Lala. Napasabunot ako sa buhok ko. Hindi ko na nasisipot yung mga kliyente ko dahil kay Rita. I wasted my time for Rita. Rita. Rita. Tangina. Puro Rita na lang ako this past few days. Ano ba.
Hanggang ngayon, wala parin akong napapala kay Rita. Wala parin akong nahanap na matibay na ebidensya na kabit nga siya ni Uncle Tomen... Maraming oras na ang nasasayang. Punyeta.
Nasa tapat ako ng boutique ni Milan dito sa Taguig. Bakit ko nalaman to? I did my research.
"Ken? "
"Good Morning Milan. "
"Bakit ka nandito? "
"Ilang araw ko na kasing hindi ma-contact si Rita. Nasaan ba siya? Okay lang ba siya? Kamusta siya? "
"Sorry Ken pero wala kang mapapala sa pagpunta mo dito."
"Kahit ba kayo hindi alam kung anong nangyari sa kaibigan niyo? "
"Alam namin. Pero kung nasaan at ano mang nangyayari sa kanya... Sa amin na lang yun. Ok lang siya. Wag ka na mag alala. "
"Pero bakit hindi ko siya ma-contact? Galit ba siya? "
"Bakit? May nagawa ka bang mali para magalit siya sayo? "
"Wala. " mabilis na sagot ko.
"Oh, wala naman pala eh. Maghintay ka lang. Babalik din yun. "
"Siguro nga. Hihintayin ko na lang siya. "
"Oy, miss na niya. " pang aasar nito at natawa ako.
Miss ko siya? Parang di naman. Hindi nga ba?
Hindi.
Hindi dapat.
Rita's POV
AFTER 4 days, nakabalik na ulet ako ng Manila. May mahalagang inasikaso lang ako sa New York.. Sobrang mahalaga..
"Magandang umaga po Maam Rita!" bati ni Arjie..
"Magandang umaga sa napakaganda naming Boss!!!!! " tili ni Yaya Mea at MJ.
Napangiti ako. Bumalik na sila dito sa bahay ko at may kasama na naman ako..
Arjie is a Lesbian. Siya ang Tagalaba/Linis Sa unit ko. Si MJ naman ang taga luto. Si Mae naman yung nag fofollow up ng schedule ko everyday and sometimes, doing my hair and makeup. I enrolled her pa para matututong mag make up at mag ayos ng buhok! Si Mae naman, Pinasok ko rin sa cooking school! Ganyan ako ka OC. Namiss ko sila. Isang taon din yun. Nakaya kong mag isa. Akala ko hindi ko kakayanin. Now, pinabalik ko na sila. Kailangan eh. Kailangan.
Oh diba. Ang dami namin sa bahay. Pag may magpapakasal sa akin, dapat tanggapin din niya yung mga Yaya ko. Kasi pinangako ko sa kanila na dadalhin ko sila saan man ako tumira. Isa lang inasawa, pero bitbit ko buong team diba? Hahahaah.. Pero pag dumating naman yung time na sila Yaya na ang lalagay sa tahimik, willing naman akong i-let go sila. Mahirap pero dapat. Pero hindi pa ngayon! Wala pang pinapakilalang mga manliligaw yan!!!
BINABASA MO ANG
One of the Gays
Fanfiction"I prefer to focus on who I am as a person and what I stand for ♥" -Rita