Rita's POV
"Madeeeer, hindi mo naman nai-chika sa amin na nagpakulay ng buhok si Ken. Ang gwapooooo niya hah! Haaaays. " sabi ni Babbi.
Sinubo ko muna yung kinakain kong dumpling bago siya sagutin.
"Mukha siyang walis. " inis na sabi ko.
"Kung walis siya, dumi ako. Magpapawalis talaga ako hskxkxkskxkxkxk aray naman Milan! Bibig ko naman! "
"Wag na nating pag usapan si Ken. Lalo na sa harap ni Rita. Kumikirot bigla kasi puso niyan eh. " pang iinis ni Milan at sinamaan ko siya ng tingin.
"Bayaran niyo talaga tong kinakain niyo! "
"Jokee lang!! hahaha. Pero iwas na iwas ka makasama si Ken sa lunch ah? Pero sa office bet parin kasama"
"Duuuh!! "
"Di mo na lang sinama dito! "
"Yung pintura ng baby's room ang pag uusapan natin tapos isasama ko siya? Ok lang kayo? "
"Why not? Malay mo may mga naiisip din siyang ideas sa design. Duh! Siya kaya yung tatay! " sabi ni Timmy.
"Bibig niyo nga! Kilala siya ng mga crew dito. Umayos kayo! "
"Di mo na lang kasi aminin. "
"No. Para saan pa? Altamor ang ibibigay kong last name sa baby ko. "
Nagkatingan sila.
"Sabi ko nga! Hehe. Ito kasing si Babbi, nanghihingi pa ng gatas kay Ken kanina, eh marami namang gagatasin tong si Rita. Sa laki ba naman niyang hinaharap niya! " biglang sabi ni Milan.
Bigla kong tinakpan yung dibdib ko.
"Shut up! "
"Laaaaah. Arte. "
"Ikaw Babbi, kaunting preno naman pag kaharap mo si Ken.."
"Bakit parang kasalanan ko?? " nagdadramang sabi ni Babbi at natawa kami.
"Nasaan na yung kulay ng pintura hah? "
Nilabas ni Timmy yung magazine.
"Oo nga. Ang ganda!! " naeexcite na sabi ko.
"Yung cabinets, papalagyan ko na din ng labels as what your suggesting... "
"Haaays. Salamat talaga!!! "
"Ako na bahala sa canvas painting ni Ken na ididikit ko sa pader. " hirit ni Babbi at hinatak ko ang buhok nito.
"Kanina ka pa Bakla kaaaa! "
"Pasalamat kayo nasa tagong part tayo ng restaurant! " sabi ni Milan.
"May meeting kami kanina regarding sa new magazine ng Altamor. " biglang sabi ko
BINABASA MO ANG
One of the Gays
Fanfiction"I prefer to focus on who I am as a person and what I stand for ♥" -Rita