Party

623 19 0
                                    

Rita's POV

"Rita, pupunta tayo sa Anniversary Party ng company ni Mr. Tomen bukas.. "

"Po? Pero Dad, may gagawin po kasi ako bukas. "

"Hindi ka ba ininvite ng manliligaw mo? Si Ken! Dapat ininvite ka niya hah! "

"Ah. Kasi Dad, alam niyang maraming akong gagawin this weekend kaya hindi na niya ako ininvite. Yung outfit na ginawa ko kay Mr. Tomen, last week ko pa nabigay.. "

"Pupunta tayo bukas. " pinal na sabi ni Dad. Wala na akong magawa.




Ito ako ngayon, nakaharap sa salamin... Ok kaya yung outfit ko?



Yung totoo, iniiwasan kong pumunta sa event ni Mr. Tomen dahil alam kong andoon si Ken..




Ano ba kasi tong pinasok ko. Nakokonsensya na ako kay Dad. Ang alam kasi nito, totoong nililigawan ako ni Ken.




Pagpasok namin sa Hotel, diretso kami ni Dad sa table kung nasaan si Mr. Tomen.

"Hi Mr. Tomen! " bati ni Dad dito..

"Good Evening po Mr. Tomen! " nakangiti kong bati... Ngumiti naman si Mr. Tomen..  Nagulat ako ng bineso niya ako. Feeling close huhu

"Good Evening Mr. Altamor. Good Evening Rita! " bati ni Ken kay Dad sabay lapit sa akin..


Nagulat ako ng bitawan ni Dad ang kamay kong nakaangkla sa kanya at iniangkla kay Ken.


"Much better. " sabi ni Dad at nagkatinginan sila ni Mr. Tomen.. Tinap ni Dad ang balikat ni Ken..


"Ok. Ako ng bahala kay Rita. " sabi ni Ken at naglakad na kami sa ibang direksyon.


"Bitaw. " seryoso kong sabi pero hindi parin niya binibitawan yung kamay ko.

"No. Yari ako sa Dad mo pag binitawan ko.


"Dito tayo banda.. Yung wala masyadong tao."


"Bakit dito??? "



"Yung totoo, umiiwas ako sa mga babaeng kanina pa tingin ng tingin sa akin. " sabi nito..

"Wow? Ikaw na famous. "

"Hindi ko nga alam bakit nakapasok yung mga babaeng ganyan eh. Anong invitation kaya ang ginamit nila. Tsk. Desperate. "



"Hoy? Ang hangin hah! Feeling ka! OA yang utak mo. Porket tinitingnan ka, may gusto na agad sayo? Wow. "



"Pag lumapit ako sa table ng mga yan, papapicture yan for sure. "


"Malabo na mata nila." sabi ko at natawa si Ken




"Hindi ka ba nagagwapuhan sa akin?" may halong pang aakit na tanong ni Ken.


"Hindi eh. "




Nag smirk ito at tinitigan ako.. Hindi ako sa kanya nakatingin pero ramdam kong nakatitig siya sa akin. Aaarghhh.. Sampalin ko to eh!!





"Waiter. 2 glasses nga.. " sabi ni Ken sa waiter na may dalang mga baso ng alak.





"One for you. " sabi nito sabay bigay ng baso na may lamang alak.



Mabilis kong kinuha ang baso at mabilis na inubos.

Napansin kong nagulat si Ken.




One of the GaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon