Rita's POV
"Hindi pwede to. Paano na?? " namomroblemang sabi ko sa mga bakla.
"Bakit kasi hindi ka pumayag sa 500,000 ? Kung tutuusin, kayang kaya mong magbayad ng ganun kalaking halaga!! " sabi ni Milan.
"Kung pwede lang talagang maglabas ako ng budget sa sarili kong account eh. Pero hindi diba? Gusto kong patunayan kay Dad na kaya kong gawing successful ang fashion show without using my own money! Na kaya kong maghanap ng mga sponsors! Guys, ayokong mapahiya kay Dad! Nung nalaman nga niya na inatrasan tayo ng photographer nung una, grabe yung hiya ko. Ang sabi ko kaya ko tong maayos. Pero bakit ganun, parang imposible na? "
Lumapit ang tatlong bakla. At niyakap ako.
"Wag ka mag alala, may naisip kaming paraan. " sabi ni Timmy
"Ano? "
Nakatayo ako sa labas ng building ng "Chan Images"
Hindi ko na alam kung tama pa tong gagawin ko pero para sa mga bata sa orphanage, gagawin ko.
Yes, pwede pa kaming makahanap ng ibang photographer pero iba kasi ang magagawa ng Chan Images sa event ko. Sa dami pala ng followers nito sa Instagram, sa dami ng subscriber sa youtube at sa bigat ng pangalan nila sa mundo ng photography, sobrang makakakatulong sila sa akin para makabenta ng mga damit ... Malaki ang impluwensya nila sa mga tao... Pag nagawa kong makipag partner sa kanila, for sure... Dad will be proud of me..
Bakit ko to ginagawa kahit na alam kong malawak ang impluwensya namin sa fashion industry? No. Hindi yun sapat. Mas dodoble pa ito pag makikipapartner kami with them.
Pagpasok mo ng building nila, unang bubungad sayo ang showroom nila.. Sobrang ganda. Ang daming mga pictures sa paligid. Ang ganda ganda ng mga kuha! No doubt kung bakit ang dami nilang tagahanga. Mga mabibigat na events na din pala ang napuntahan nila, from birthdays of famous celebrities to politicians. . Grabeeeee. Indemand nga talaga sila.
"Good Morning po Ma'am? Mag iinquire po ba kayo? " tanong ng isang tisay na babae.
"Ay. Yes! Hmmm.. Nandiyan ba si Mr. Ken Chan? " tanong ko dito.. Tila nagulat ang reaksyon ng babae. May mali ba akong nasabi?
"Ah. Sorry Ma'am pero may appointment po ba kayo with sir Ken? "
"Wala eh. Biglaan lang din yung pagpunta ko dito!"
"Kailangan pa po kasi ng appointment bago niyo siya makakausap.. And base sa schedule niya, sa September pa po yung free schedule niya for appointments. Sobrang dami na po kasi nag paschedule sa kanya for appointments.. Last year pa. "
Pucha? September? January pa lang ngayon!! Ano na?
"September? Ganun katagal? "
"Yes Ma'am! " nahihiyang sabi nito..
Napatingin ako sa dalawang paparating na tao... Masyado kasing malakas ang pag uusap nila at naririnig ko iyon.
BINABASA MO ANG
One of the Gays
Fanfiction"I prefer to focus on who I am as a person and what I stand for ♥" -Rita