Rita's POV
"Rita, andito na si Lexi. " tawag ni Ken sa akin.
Bakit kinakabahan akong makausap ito. Nahihiya ako.
"Hi Rita. I'm Lexi. " nakangiting sabi nito sabay lahad ng kamay to shakehand. Nakipag kamay ako at nginitian siya.
Nakaupo kami ngayon sa sofa. Tinabihan ako ni Ken at kaharap namin si Lexi.
"Ta? Rinig kong sabi ni Ken at napalunok ako bago magsalita.
"Ahmm. Lexi, gusto ko lang sana mag Sorry.. " sabi ko dito at nagulat si Lexi. Napatingin ito kay Ken.
"Sorry kasi sa lahat ng nangyari, nagalit ako sayo. Sinisi kita. Ang buong akala ko kasi, girlfriend ka ni Ken. Sorry talaga. Hindi ko naman kasi alam na pinsan mo si Ken. " hingi ko ng paumanhin.
"No. Don't apologize. Rita, feeling ko din ako yung sumira ng lahat ng plano nitong si Ken. Kasalan ko din kasi hindi ako nagpakilala sayo. Pero kalimutan na lang natin yun.." sabi nito.
Napangiti ako.
"Pinagselosan pa nga kita eh" nahihiyang sabi ko at natawa si Lexi.
"Naku. Kung alam mo lang kung paano magselos yang asawa mo.. " napatingin ako kay Ken.
"Lexi, wala namang laglagan. " nahihiyang sabi ni Ken at pinisil ko yung hita niya.
"Pero God knows how he loves you Rita. " sabi nito at napangiti ako.
"Hoy, pinapunta kita dito Lexi para magtrabaho, hindi para magdrama. " sabi ni Ken.
"Trabaho? Ano bang gagawin ko dito? " tanong ni Lexi.
"Kukunin ka naming wedding organizer for our wedding. " sabi ni Ken at hinawakan nito ang kamay ko.
"OMG? Did you propose? When? Where's the ring? "
"Last night. Walang singsing. " sabi nito at nagulat si Lexi.
"Wala eh. Kasi pag alam mo yun, pag andiyan na sa harap mo yung moment, parang ayaw mo ng pakawalan pa.. Kahit ano yung suot, lugar or time, basta alam mo sarili mo na kailangan mo ng gawin, mas matindi pa yun sa engrandeng proposal.. " sabi ni Ken.
"Guys, I'm so happy to the both of you! You know guys, tagal ko tong hinintay!! " naiiyak na sabi nito.
"Hala, oy, umiiyak siya Ken! " sabi ko kay Ken at mabilis na binato ni Ken ng unan si Lexi.
Natatawa ako sa kanila. Siguro, mas ok din kung mas makikilala ko pa lalo si Lexi.
"Ilang years ka ng wedding organizer?" tanong ko dito.
"7 years. "
"Wow."
"I saw you before sa isang wedding na inorganize ko. Kasama mo sila Milan yata yun. " sabi nito at pinilit kong inalala kung saan ito.
Syeeet. Yung wedding na raket nila Milan dati. Yung wedding na pinuntahan namin. Doon ko unang nakita si Lexi, after ko makita yung imstagram post na kasama niya sa picture si Ken!! Naalala ko, umuwi ako agd agd nun. Feeling ko kasi makakagawa ako ng gulo pag nag stay ako dun. Grabe selos ko nun.
"Ok. Natatandaan ko na." nahihiyang sabi ko dito.
"Teka, kailan niyo ba balak magpakasal? "
Napatingin ako kay Ken.
"Paglabas na sana ni Baby." sabi ko.
"Anong wedding venue? Beach? Church? "
"Beach! " sabay naming sabi ni Ken at nagtawanan kami.
"Ok. I have plans. For sure, magugustuhan niyo yun! " sabi ni Lexi
"Gagawin mo to for free diba?" tanong ni Ken kay Lexi at pinandilatan siya ng mata ni Lexi.
"Naku Ken! Nakakahiya sa pinsan mo hoy!!! " sabi ko dito.
"Joke lang! Basta 50% off. " sabi ni Ken.
"Deal." sabi ni Lexi.
"Oh diba!! Wala ng bawian!!" sabi ni Ken.
"Talaga? Salamat hah! " di makapaniwalang sabi ko kay Lexi.
After makauwi ni Lexi, nagkaroon kami ng one on one talk ni Ken.
"Handa ka na bang bumuo ng pamilya kasama ako Ken? "
Hinalikan niya ako sa ulo.
"Oo naman. I'm sure, you will be a great wife and a great mother. " sabi nito.
Niyakap ko siya.
😊
Sabaw.Finale Is waving 😭✋
BINABASA MO ANG
One of the Gays
Fanfiction"I prefer to focus on who I am as a person and what I stand for ♥" -Rita