Rita's POV
IT'S BEEN A month mula ng maganap ang fashion show.
Kakauwi ko lang din from New York. Itutuloy ko na talaga ang balak kong magkaroon ng Anak.
"Boss Ritaaaaaa, itong crib, bagay sa bahay. " sabi ni MJ
"Ito mas bagay!! " hirit ni Mea.
Natatawa ako sa mga yaya na kasama ko.
Hindi pa naman ako buntis. OA lang mag isip tong mga to.
"Kalma. Di naman kayo excited niyan? "
Napatingin ako sa phone ko.
Dad is calling..
Pinapapunta ako sa bahay..
Nauna ko ng pinabalik sa unit ko yung dalawang Yaya at dumiretso na ako sa bahay...
"Dad! "
"May mahalaga akong sasabihin. Work related. " pormal na sabi ni Dad. Napatango at inip na naghihintay ng sasabihin nito.
"Yung proposal mo last year regarding sa magazine na ilalabas natin this year, naapproved na. "
"Talaga Dad? Akala ko nireject mo yun? "
"Naalala ko yung proposal mo na yun kasi may isang tao na nagpropose din ng similar idea like yours. So I made a decision na kunin siya as our Graphic artist.. " sabi ni Dad. Kumunot ang noo ko.
"Ken. " rinig kong sabi ni Dad. Pumasok si Ken sa loob ng office ni Dad dito sa bahay.
Bakit siya?
"So Rita, bilang magiging content creation manager ng magazine na yun, here is Ken na makakasama mo to finished the whole magazine."
Napatayo ako..
"Dad.."
"Oh? Saan ka pupunta? May meeting pa tayo!" rinig kong sabi ni Dad.
"Sorry. May mas importante pa akong aasikasuhin. " sabi ko sabay labas ng bahay at mabilis na pinatakbo ang sasakyan.
Ano na namang balak niya? Baka pati kumpanya namin ay balak niyang sirain?
Ken's POV
Pareho kaming nagulat ni Mr. Altamor dahil kay Rita. Unang beses ko siyang nakita na tinalikuran ang Dad niya.
Halata ko sa mga mata niya ang galit ng makita ako.
Nung binigay ni Mr. Altamor sa akin yung Position na yun, nag dalawang isip ako. Alam kong ayaw na akong makita ni Rita... Pero siguro ito na rin yung way ng mundo para makahingi ako ng tawad sa kanya.
Aminado akong nadala ako sa galit. Hindi ko na alam kung sino yung inosente. Tama siguro siya. Kaya ako iniiwan kasi wala akong puso.
"Pasensya na sa inasal ni Rita... So, ituloy natin yung meeting kahit wala siya. "
After 2 hrs, natapos ang meeting ko with Mr. Altamor.
Pag uwi ko ng bahay, sinalubong ako ni Tita..
"Ken? Kamusta yung pagpunta mo sa mga Altamor? "
"Nagmeeting kami ni Mr. Altamor kaso hindi sumama si Rita... Tita, galit parin siya sa akin. "
"Ayan na nga bang sinasabi ko. Nadamay na yung inosente dahil sa kagustuhan mong tulungan ako.. "
BINABASA MO ANG
One of the Gays
Fanfiction"I prefer to focus on who I am as a person and what I stand for ♥" -Rita