Natalie Claire Rivera
"Wake up girls!" nagising ako agad dahil sa may tapat ba naman ng tenga ko niya sinigaw at napaupo ako dahil ang lapit rin ng mukha ni Franklin "Look Frankie she woke up" tawang-tawa naman ang kambal sa ginawa nila sa amin. Tumayo naman na ako at tinapik si Sharina para magising. Napansin ko naman ang bagong dating na si Bloomie sa may tapat ng pinto
"Dalian niyong gumalaw! Naiinip na si Supremo sa tagal niyo" pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na ito "See yah girls" kumakaway ang kambal palabas ng kwarto namin. Tinignan ko naman si Sharina at nakatulala ito kaya tinabihan ko ito at hinawakan ang kamay "Okay ka lang Rina? May problema ka ba?" kunurap ito ng ilang beses bago ito tumingin sa akin at ngumiti ng maliit
"Okay lang ako Nat. Mauuna na ako maligo ha?" tinanguan ko nalang siya at nauna nang pumasok ng banyo. Nauna naman na akong bumaba para hanapin si Dark. Mamaya nalang ako maliligo baka kasi may sasabihin lang siya kaya ako nalang bahala magsabi kay Rina. Ang laki ng bahay ni Dark hindi ko rin mahanap kung nasaan sila hanggang sa marating ko ang library nila
"I hate your guts for calling supremo's name you know that?" nagulat ako ng lumitaw si Bloomie sa tabi ko kaya napaupo ako sa sahig "S-Sorry! Bawal b-ba dapat siyang tawagin sa pangalan niya?" ayaw ko sanang ipakitang nasisindak niya ako pero nautal ako. Pansin ko na magsasalita pa sana siya ng makita kong may pumasok pa sa library "She can call me anything she wants" nakatinging sagot niya kay Bloomie bago bumaling ang tingin sa akin "As for you kanina ka pa hinahanap ng kaibigan mo"
Tumayo na ako at tinungo ang pintuan pero bago ako makalabas ay nilingon ko muna sila at nag-uusap sila. Hindi na ako nagtagal at umalis rin baka isipin nilang nakikinig ako sa usapan nila. Habang hinahanap ko ang pabalik ay nahanap na ako ni Rina "Nat! Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap. May breakfast na tayo sa kwarto. Halika na" hinila nalang ako ni Rina. Parang mas alam pa niya ang daan papunta
Nang makabalik na kami sa kwarto ay kumain na kami "Nat napanaginipan ko sila Mommy at Daddy" napahinto ako sa pag-kain at tinignan si Rina na nakatingin na sa akin ngayon "Buhay sila Nat at hinihintay nila ako. Nat gusto ko silang puntahan. Hindi ko alam paano ang kaligtasan nila" naiiyak na si Rina kaya tinabihan ko siya at hinagod ang likod "Tignan natin kung may mahihingi tayong tulong kay Dark. Sa ngayon kailangan nating magpalakas" tumango ito saka pinagpatuloy ang pag-kain.
Matapos naming kumain ay nagpahinga kami ng kaunti bago kami bumalik sa training room. Nakita ko rin na nag-passby si Dark kaya binaba ko ang bow ko "Saan ka pupunta Nat?" nilingon ko si Rina "May pupuntahan lang ako saglit babalik din ako" tumango lang ito saka ko hinabol si Dark. Napansin kong huminto rin ito kaya mabilis ko na itong nalapitan "Dark p-pwede humingi ng favor?" nilingon niya lang ako saka ngumiti. Nagulat ako sa binigay niyang ngiti
"Gwapo ka kapag ngumiti" bumalik ito sa pagka-cold na expression. Ano ba yan Nat! "Anong favor?" binalik ko ang tingin ko sakanya "Pwede ba nating hanapin ang parents ni Rina? Sabi kasi niya na napanaginipan niya ang parents niya na buhay" tumango ito. Aalis na sana ako ng pigilan niya ako "Tawagin mo ang kaibigan mo at pumunta kayo ng library" tinanguan ko naman siya at tinahak ko pabalik ang training room
"Rina sabi ni Dark pumunta tayo sa library" tumango naman ito saka binaba ang espada. Hawak ko ang kamay ni Rina papuntang library dahil pareho kaming kinakabahan. Pagdating namin doon ay nandito silang lahat "Buhay ang parents mo Sharina" nakangiting balita ni Franklin. Ngumiti na rin sa wakas si Rina. Ako kasi wala ng magulang at ibang kamag-anak kaya wala na akong pro-problemahin pa
"Na-trackdown namin ang parents mo pero..." nawala ang ngiti nito saka lumapit sa kambal "Wala na silang chance na mabuhay pa. Ang bahay niyo ay napapalibutan na ng zombies. Sooner or later mamamatay na rin sila" malungkot na balita ni Frankie. Tinignan ko naman si Dark pero nakapikit lamang ito at mukhang alam na niya ito ang mangyayari
"Hindi ba natin sila maililigtas? I mean could we rescue them?" ayaw kong maramdaman ni Rina ang naramdaman ko noong nawala ang parents ko. Hinawakan naman ako ni Rina at kinabahan ako dahil parang nararamdaman namin ang aura ni Dark "We can, unless we are not yet dead before we set foot in that house. Frankie already told you that the house is already surrounded!" ngayon ko palang nakita na nagalit si Dark kaya hindi na ako nagsalita pa
"Please. Kahit ako na ang gagawa ng iba. Please save my parents. Alam kong napaka-selfish nito dahil tinulungan niyo na ako iligtas but please ito lang ang request ko. I promise we will not be a burden" nagmamakaawang sabi ni Sharina sa kanila habang nakaluhod siya kaya lumuhod na rin ako. Nagulat kami pareho ng bigla kaming tutukan ng baril ni Bloomie pero mas ikinagulat namin ng iputok niya ito sa floor kaya napaatras kami ni Rina "Kung sa putok palang ng baril takot na kayo paano kapag nasa labas na kayo? Tell us"
Hindi na kami umimik ni Rina. Tumayo ito "Babalik na ako ng training room" umalis na siya samantalang ako ay naiwan. Tatayo na sana ako para sundan siya pero napatingin ako kay Dark at nakatingin din ito sa akin. Ngumiti lang ako ng kaunti saka tinuloy ang pag-tayo. Pumunta ako ng training room at pagdating ko doon ay wala si Sharina. Ang sabi niya dito siya pupunta. Bigla akong nakaramdam ng kaba kaya tumakbo ako papuntang kwarto namin pero wala din siya
Nagulo ko nalang ang buhok ko saka tumakbo pabalik ng library doon nakita kong medyo nagkakagulo sila "Damn it!" galit na sabi ni Dark. "Anong nangyari?" tanong ko. Lumapit naman sa akin si Bloomie "That friend of yours just took my motorcycle and left to save her parents" nanlaki ang mga mata ko saka tumakbo papunta sa entrance ng bahay pero wala na akong nadatnan na Sharina
"We will try to save your friend and her parents. Please don't cry" kinapa ko ang pisngi ko at doon ko napansin na umiiyak na pala ako. Niyakap ako ni Dark at doon ko na ibinuhos ang lahat
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
BINABASA MO ANG
Love Survival
HorrorZombie Apocalypse. Natalie Claire Rivera is a young maiden with a miserable life saved by him. Dark Ace Grimoire a mafia with a kind heart and saved Natalie. Can they save each other during the river of blood thirsty zombies?