Natalie Claire Rivera
Nagising akong pawisan at una kong nakita ay si Ace. What is he doing in here? "Are you okay?" umiling lang ako dahil totoo naman. Who would be okay when you got some dream like that?
"Rest then. You don't have to go for training," ma-awtoridad niyang sabi. Nagulat ako dahil may training pa pala "No. I need to. Isa pa kaya ko naman na," bumuntong hininga naman siya then he nodded "Be done in 5minutes. I'll be waiting downstairs." tinanguan ko lang siya saka tumayo
"Before I forgot. May pair of uniform sa aparador mo. Wear that." sinunod ko naman ang sinabi niya. Naligo muna ako bago ito sinuot. Pagkatapos kong maiayos ang sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto at nadatnan ko si Kai na nakapikit sa may upuan. "Staring is rude but if you kiss me I might consider it." nakangising sabi niya
Inirapan ko lang siya. Aalis na sana ako ng hilain niya ako dahilan para mapaupo ako sa may kandungan niya. "Ace let go please," imbes na pakawalan niya ako ay hinigpitan pa niya ang yakap niya sa akin. When did we became like this?
"Stop flirting please? Let's eat I'm starving," napahiwalay naman kami nang marinig namin ang boses ni Bloomie. Ah! My savior! Sabay kaming tatlo na pumunta sa cafeteria nila. Napansin ko na nagbubulungan sila nang makita ang dalawang katabi ko pero hindi ko na lamang ito pinansin
"I'll just go and get us some food." tinanguan ko nalang si Ace at naghanap ako ng maupuan namin. Nang makahanap na ako ay may mga biglang umupo doon. Bumuntong hininga ako at naghanap nalang muli kaso ganoon ang naging senaryo namin sa mga sumunod na lamesa
"Damn it!" pabulong kong sabi. Pilit pa rin akong naghahanap pero ganun pa rin hanggang sa dumating silang dalawa "I can guess bakit wala pa tayong upuan," sabi ni Bloomie sa akin habang inirapan niya ako
This time si Bloomie na ang naghanap ng upuan namin habang kinuha ko na ang tray ko sa kabilang kamay ni Ace. "Ganito ang buhay namin nung first day namin dito." pagkwento ni Bloomie. Tahimik lang naman si Ace habang kumakain
"Ibig sabihin attitude na nila yan?" tumango naman si Bloomie "That only stopped when we achieved a higher rank." sinilip ko naman ang paligid ko at napansin ko ang mga pamatay na tingin na tinatapon nila sa akin "Eat." malamig na sabi ni Ace kaya nagsibalikan sila. Ginawa ko nalang din ang kumain
Tahimik lang ang buong cafeteria hanggang sa dumating ang kambal kaya sa table lang namin ang maingay. "Hey Nat. Sama ka sa amin later ha? May training sessions kami for newbies." sabi ni Frankie habang kinakain niya ang sandwich niya. Napatingin naman ako kay Ace
"He can't come. May meeting sila kasama si Bloomie since sila ang head ng isang group." sagot ni Franklin dahil doon. Napansin kasi niya na tumingin ako kay Ace "You're in a safe hands. Don't worry," nakangiting sabi ni Ace na ikinahinto ng kambal
"Did primo just smiled?" sabay nilang sabi at dahil doon nawala ang ngiti niya at napalitan ng cold expression. Natawa nalang ako dahil doon. Nang matapos ang breakfast namin ay nauna na kami ng kambal papunta sa training room "Kuha ka nalang ng weapon mo dyan, Nat. Doon lang kami."
Pagkatapos sabihin ni Franklin yun ay iniwan na niya ako kasama ng ibang baguhan tulad ko. Nginitian ko ang ilan pero inirapan lang nila ako kaya hindi ko nalang sila pinansin pa. Kumuha ako ng bow and arrow, my usual.
"Siya yung baguhan na dinala ni Primo," bulong ng isang babae "Baguhan?! Tapos kung makadikit sa mga elite akala mo kung sino? My gahd!" sabi ng katabi din niya babae. "Sipsip."
Yan ang mga isa sa mga nasagap ng tainga ko na tsismis nila. Hindi ko nalang yun papansinin pa. Focus Nat! Naki-linya ako sa iba dito dahil nasa harap na namin ang kambal at wala na sa mukha nila ang pagiging maloko
"Attention every body! This is not the normal era anymore. We train to survive!" pauna ni Frankie. Nagbulungan nanaman ang iba "Keep in mind that every promotion you must keep your attitude to yourself. Treat one another as equal!" parang double meaning ang sinabi doon ni Franklin ah
"I'll be teaching the long-range while Franklin will be teaching short-range. Group yourself now!" mabilis na nahati sa dalawang grupo ang mga tao. Ganito din ba sila Ace noon?
"Natalie! Position!" nagulat ako sa pagsigaw ni Frankie kaya nadisbalanse ako. Akala ko mahuhulog na ako sa sahig pero may sumalo sa akin. "Ace!" na-realize ko ang sinabi ko kaya napatakip ako ng labi. "Primo!" nang banggitin nila yun ay yumuko sila. Itinayo ko na ang sarili ko at yumuko
"Continue," iniwan naman niya kami pagkatapos. Sinimulan na namin ang training namin. Mabuti nalang at may karanasan na ako sa training kaya hindi na rin ako nahirapan. "Stop." pigil ni Frankie sa akin. Ako lang talaga trip nitong lalaki na ito ah!
"Where did you learn Archery?" binaba ko ang pana ko huminga ng malalim "When I was at high school but I stopped when... nung nahuli ako ng tita ko." tumango lang ito. Akala ko doon nalang magtatapos pero nagulat ako ng abutan niya ako ng bamboo sword. Kinuha ko naman ito saka siya tinignan ng may pagtataka
"You're too perfect in giving shots. Try practicing this. Incase for the scenarios na ubos na ang pana mo." iniwan naman na niya ako doon pagkatapos. I just kept looking at this dahil ano ba dapat ang gawin ko dito? All I know is to swing?
"I'll be your opponent," nagulat ako nang biglang tumilapon ang espada. Mabilis ko itong kinuha at itinutok kay Bloomie. Damn yah! "Grip the handle." matigas niyang sabi. Ginawa ko naman ito mabilis nanaman itong sumugod. This time hindi ito tumilapon pero nakaramdam naman ako ng bigat doon dala ng atake niya
"Zombies don't attack with that brute strength!" reklamo ko na siyang ikina-taas ng kilay niya "I'm sorry." sagot ko. Tinuruan ako ni Bloomie kumbaga one on one kami sa training. Syempre okay na ito sa akin hanggang sa makarinig nanaman ako ng tsismis tungkol sa favoritism
"Don't mind them Nat. They're just jealous." sabi ni Bloomie sabay abot sa akin ng tubig. "Ganito din ba kayo nung baguhan lang kayo?" hindi ito umimik pero umiling ito "Nope. I was the bully. Si Primo lang naman ang nakaranas ng ganito dahil walang nakakaalam noon na siya ang anak ng boss namin." bigla akong nakaramdam ng awa
"But he overcame it right?" ngumiti si Bloomie habang nakatingin sa mga nagtre-training pa "He did because all he think was protecting the girl he left. It annoys me dahil napaka-unreasonable but now I see why," sabay tingin sa akin. Nakaka-insulto siya ha! Ganoon na ba ako kahina?
"I hate it you know?" napatingin ako sakanya doon "I hate when he protects you from the shadows." hindi ko yun narinig sa kanya. Bakit kaya ikinukwento ni Bloomie ito? Don't tell me? "You love Ace?" napansin ko ang pagkapula niya dahil sa sinabi ko. Hala? Tama ako?
"I do. Before. Ngayon kasi nasa ibang tao na ang puso ko." mas kapansin-pansin na ngayon ang pagkapula niya nang tumingin ito kay Franklin. Napatingin naman siya dito saka kumaway pero si Bloomie ay umiwas ng tingin kaya ako na ang kumaway "Stop that!" naiinis na sabi niya "He's mine! May boyfriend ka na!" naiinis niyang sabi
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya "Diba kayo na ni Primo?" nagulat ako sa sinabi niya. "Walang kami ni Ace," nahihiyang sabi ko sakanya. Bakas din sakanya ang pagkagulat "What? Napaka-lovey dovey niyo tapos wala kayong label?" natawa ako ng peke dahil doon
"Sorry wala kaming label,"
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
BINABASA MO ANG
Love Survival
HorrorZombie Apocalypse. Natalie Claire Rivera is a young maiden with a miserable life saved by him. Dark Ace Grimoire a mafia with a kind heart and saved Natalie. Can they save each other during the river of blood thirsty zombies?