🖤24🖤

76 2 0
                                    

Natalie Claire Rivera

Pareho kaming napalingon kay Ace. Hindi ako natakot sakanya kundi para kay Leo dahil ramdam ko ang dilim ng aura niya. "Primo," yun lang ang tanging nasambit ni Leo. Lumapit naman sa amin si Ace kaya medyo umatras si Leo. Tinignan naman ako ng masama ni Ace kaya bigla akong nainis

"Mauuna na ako, Nat." dali-dali namang umalis si Leo kaya naiwan kaming dalawa ni Ace. "Sino yung kasama mo at may payakap-yakap pa kayo?" tinaasan ko naman siya ng kilay "Eh ikaw? Anong ginawa niyo ni Rei sa loob ng kwartong yun? Nagjack-en-poy?" biglang namula ang tenga ni Ace at ito ang basehan ko kung may nagawa ba siyang mali o wala

"So yun nga?" hindi pa rin ito umimik kaya tuluyan nanamang tumulo ang luha ko. Napansin yun ni Ace at akmang hahawakan niya ako ng tinabig ko ang kamay niya. "Aalis na ako. Magsama kayong dalawa!" mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto namin at nilock yun. Naririnig ko ang pagkatok niya pero hindi ko na yun pinansin. Tinulak ko ang sofa papunta sa pinto para kung sakaling sipain niya ito mahihirapan siya

Nakatulog akong umiiyak kaya pagpasok ko ng banyo ay nakita kong mugto ang mga mata ko. "Tang ina Nat!" sabay suntok ko sa salamin. Ginawa ko na after ang morning routine ko pagkatapos ay binuksan ko ang cellphone ko at puro tawag ni Ace ang nandito. Umiling ako saka ko binuksan ang pinto pagkatapos kong hilain pabalik ang sofa. Nagulat ako ng makita ko si Ace sa gilid ng pinto. Bigla akong naawa sakanya kaya nilapitan ko siya

"Ace gising. Pumasok ka na sa loob." sabi ko. Inangat naman niya ang tingin sa akin at bakas ang lungkot dito. Tinulungan ko siyang tumayo at dinala sa kwarto. Kinapa ko ang noo niya at inaapoy siya ng lagnat. Kumuha ako ng bimpo at binasa ito saka ko nilagay sa may noo niya "Tatawagin ko lang yung girlfriend mo," sabay alis ko sa tabi niya pero nahila niya ako pabalik sa tabi niya "Don't leave me Claire. Ikaw lang naman ang mahal ko"

Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa sinabi niya "I just wanted to surprise you. Hindi ko naman inakala na makikita mo kami ni Rei. What you probably heard is this," may dinukot siya sa bulsa niya at nilabas ang isang box. Inabot ko naman yun at binuksan. Isang couple ring ang nasa loob. Umupo siya at kinuha ang maliit na singsing at inabot ang kamay ko sabay suot nito sa akin at hinalikan ang daliri ko

"I promise to only love and protect you with all my heart," ngiti nito sa akin. Hinawakan ko naman ang mukha niya. Kukunin ko na din sana ang singsing para sakanya kaso pinigilan niya ako. "I'll wear it as a necklace. Hindi ko kasya, Rei got my ring size wrong," huminga ako ng malalim saka ako tumayo "Saan ka pupunta?" tanong ni Ace

"Tatawag lang ako ng doctor. I'll be back," tumango ito saka humiga muli sa kama. Lumabas naman na ako sa kwarto namin at hinanap ang family doctor. Nang matagpuan ko ito ay madali kaming bumalik ng kwarto para tignan si Ace. Tinignan niya lang ng saglit ito at binigyan kami ng gamot. Inutusan ko naman na si Luis na kumuha ng makakain sa cafeteria dahil wala na rin akong oras para magluto

"Ate Nat?" tumayo naman na ako at pinagbuksan ng pinto si Luis and to my surprise ay nandito din si Rei at ang sama ng tingin sa akin. "Maiiwan ko na kayo." hindi ko na nasagot pa si Luis dahil pagkatapos niyang iabot ang supot sa akin ay iniwan na niya kami ni Rei dito. "Pasok ka." nilibot naman niya ang paningin niya dito. Nilapag ko naman sa counter ang pagkain na dinala ni Luis

"If Primo was mine he won't suffer like this," napaangat ako ng tingin sa kanya and if looks can kill kanina pa ako nakahiga sa sahig at naliligo sa sarili kong dugo. "But he's mine, Rei. Pwede bang iwan mo na siya?" sabi ko pero mabilis itong lumapit sa akin at tinutukan niya ako ng baril "No. Ace is mine. Dapat noon palang tinuluyan na kita para hindi ka na bumalik dito ng buhay." nanggigil na sabi niya sa akin

Nakapa ko naman sa likod ko ang knife at naibwelta ko sakanya ang knife at nahulog ang baril niya saka ko ito sinipa papalayo. "You think a mere knife can kill me? Think again!" doon ko na-realize na may isa pa siyang baril sa likod at may silencer ito "Die Natalie!" napapikit nalang ako at narinig ko ang tunog ng pagputok ng baril pero hindi ko ito naramdaman

"Are you okay?" napamulat nalang ako ng makita si Ace sa tabi ko. Hinanap ko naman si Rei at nakita ko siyang nakaupo sa sahig hawak ang dumudugo niyang kamay. Doon ko nalang din nakita na may hawak na baril din si Ace "Oo okay lang ako." niyakap naman ako ni Ace saka ako hinalikan sa noo

"Primo," naiiyak na sabi ni Rei. Pareho namin siyang nilingon at parang nakaramdam ako ng awa kahit na ginawan niya ako ng masama. "I told you not to touch her. You'll be punished." nagulat nalang ako ng biglang lumitaw ang kambal sa harap namin at binitbit palabas si Rei. Sumunod naman na pumasok si Bloomie at nag-aalang tinignan ako

"Okay ka lang, Nat?" tinanguan ko naman siya. Tinulungan ko namang makabalik si Ace sa kwarto at pinakain siya saka pinainom ng gamot. "Lalabas muna ako saglit para samahan si Bloomie." tinanguan naman niya ako at ipinikit na niya ang mata niya. Paglabas ko ay wala na si Bloomie at isang regalo nalang ang naiwan. May isang note naman ang naka-attach doon kaya kinuha ko at binasa

Happy Birthday Nat! Enjoy your day :)
From: Friends

Binuksan ko ang box at isang baril ang regalo nila sa akin. Ito yung baril ko na kinuha ni Rei noon pero hindi lang iyon. Isa itong litrato kung saan picture namin ito ng parents ko noong bata pa ako. Paano nila nahanap ito? Binitbit ko ang picture at dinala ko ito sa kwarto namin ni Ace. Mahimbing itong natutulog ngayon kaya hindi ko na siya inistorbo pa

"Rina, ma, pa. Andito na po ako sa safezone. Kasama ko ang mga bagong kaibigan ko at mahal sa buhay. Continue to guide us, I love you." hinalikan ko ang picture saka ko nilagay ito sa bed side table namin ni Ace katabi ng picture namin ni Sharina. Tumayo ako at tinignan ang labas. I hope this will last forever.

"Claire, join me in bed." napangiti nalang ako kay Ace kaya tumabi na rin ako sakanya. "I love you, Ace." at hinalikan ko siya sa noo. Nakatulog din ako sa tabi ni Ace nang hindi ko namamalayan kaya pag-gising ko ay wala na siya sa tabi ko. Hinanap ko siya sa buong unit at sa veranda ko lang siya nakita.

Inakbayan niya ako at hinalikan sa gilid ng ulo ko. "I love you Natalie Claire Rivera. Happy birthday," nginitian ko naman siya "Thank you and I love you too, Dark Ace Grimoire." natapos ang gabi ng birthday ko sa isang halik na matamis.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Love SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon