🖤12🖤

107 3 0
                                        

Natalie Claire Rivera

Isang linggo na rin ang nakalipas simula ng usapan naming iyon ni Bloomie. We became more close friends dahil same daw kami ng situation. Si Ace naman ay busy kasama ang daddy niya while the twins are busy training the new ones. While me? Improved na ang sword skills ko thanks to Bloomie

"Iiwan muna kita ngayon Nat. I'm really sorry dahil need ako ngayon for the preparation ng meeting natin." pamamaalam niya sa akin habang nag-aayos ito sa may kwarto niya. Andito kasi ako hinihintay siya naging routine na namin "Its fine, Blooms. Good luck." nakangiting sabi ko pero inirapan lang ako

"I am lady luck duh! Mauna ka na nga sa training room at ako'y aalis na rin. Tsupe!" pagtataboy niya. Natawa nalang ako dahil doon. Bitbit ko ang bamboo sword ko papunta ng training room nang biglang may humila sa akin

Mabilis kong itinutok sa kanya ang espada nang makawala ako sa grip niya. "We had enough! Baguhan ka lang yet sobra ang dikit mo sa mga elites! Tell us! Kinama ka ba nila?" naiinis na sabi ng isang babae.

Nakaramdam ako ng init ng ulo dahil sa sinabi niya na kinama ba nila ako "Bakit ko naman hahayaan na ikama nila ako? Ang babaw ko naman kung ganoon?" relax lang Nat. Having a fight is the least you want to involve. Tatalikuran ko na sana sila nang hilain nila ang buhok ko

"Leave the elites alone bitch!" napahiga ako dahil sa lakas nang babae. Ang laki ba naman niya kumpara sa akin? Nakaramdam nalang ako ng sakit sa iba't-ibang parte ng katawan ko. Gusto ko na nga sanang sumuko nang maalala ko si Ace. May kung anong sumapi sa akin na bigla akong nakaramdam ng adrenaline sa katawan kaya ang ending sila na ang nakahiga na ngayon gamit ang bamboo sword ko

Napalingon nalang ako nang makarinig ako ng palakpak. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang daddy ni Ace at si Ace mismo na seryoso ang tingin sa akin "You're good Miss?" tanong niya sa akin "Natalie po," sabay bow ko sakanya "Primo bring her for today's meeting." nagbow din naman ito sa ama niya

"Maiiwan ko muna kayo. Don't be late!" paalala nito. Mabilis na lumapit si Ace sa akin at tinignan ako ng mabuti "Get these three newbies here and detain them." ma-awtoridad niyang sabi. Samantalang ako ay hinila niya papunta sa? Kwarto niya! Pinigilan ko siya nang makarating na kami sa tapat nito

"Sa infirmary nalang ako Ace," naalala ko din kasi bigla yung sinabi sa akin nang babae. "No." matigas niyang sabi. Dahil masakit ang katawan ko ay hinayaan ko nalang siya na ipasok ako sa loob. Pinaupo niya ako sa sofa habang pumunta siya sa may kusina niya at kinuha ang first aid

"You fought well," sabi niya habang ginagamot ang braso ko na may kalmot ng mga babae. "Thanks." ngiting sabi ko. Bigla kong naalala yung sinabi ni Bloomie. Ano nga ba ang label namin ni Ace? All I know is childhood friend ko siya.

"Please be careful next time okay?" mahinahon niyang sabi nang yakapin niya ako. "Ouch!" mabilis din siyang napabitaw dahil doon "Sorry," napangiwi nalang ako dahil doon. Nagkaroon ng katahimikan nang bumalik siya sa pag-gagamot ng sugat ko. Na-tetense ako!

"Okay na yan. Tara na sa meeting," pag-uumpisa ko. I heard him sighed dahil doon. "Wait a second then." malamig niyang sabi. Wait? He wants more time with me isn't he? Ay Nat! Wag mo ngang isipin yan! "Let's go," sumunod naman na ako sakanya tutal siya ang nauna

Dahil hindi ko tinitignan ang dinadaanan ko ay nauntog ako sa pader or so I thought. Dibdib ni Ace! "Tara na? Bakit huminto ka pa?" then I saw smile in his lips. He leaned down and gave me a soft kiss. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na ako palabas ng kwarto niya.

Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sa ginawa niya! I was caught off-guard, again! "Andito na tayo. Ready to see the higher ups?" tinanguan ko siya kahit bigla akong kinabahan! Iba kasi iniisip mo Nat eh!

"Good morning," bati ni Ace. Nagulat ako dahil nasa loob na ito at iniwan ako. Mabilis akong sumunod sakanya at nag-bow sa mga tao dito. Sinenyasan naman ako ni Ace na sumunod at ginawa ko naman. Nagulat pa nga si Bloomie nang makita ako sa loob pero mabilis din itong napalitan ng poker face

"Shall we start the meeting?" tanong ni Bloomie. Tinanguan naman nila ito. Nakatayo ako sa likod ni Ace parang body guard nga ang peg ko. Yung tungkol sa meeting naman ay para sa mga survivors. They want to implement a project saving survivals. Naalala ko bigla ang panaginip ko kay Rina.

"We are currently finding some place where we can place those survivors." sabi ni Bloomie "Sa mga inhabitant islands. You can build new place there," pabulong kong sabi pero hindi ko in-expect na titingin sila sa gawi ko kaya ikinalaki ng mata ko. Ganun na ba katalas ang pandinig nila?

"Who brought you here?" pagalit na sabi ng isang babae. "I am," napatingin ako kay Ace pero hindi siya ang nagsalita kundi ang daddy niya "I asked Primo to bring this girl to this meeting." napaupo bigla ang babae at tinikom ang bibig. Jusko! Pakiramdam ko marami akong makaka-away

"Your idea young lady is good but how about the safety?" napatingin ako sa plano ni Bloomie "We can build higher walls. Guards standing above them as the lookout," sabi ni Bloomie sabay kindat sa akin. I smiled at her then mouthed 'thank you'

"So, where can we find this inhabitant island you're saying?" sabi ng supladang babae na sinigawan ako. "We have plenty of islands, sir. We can give some in order to protect humanity," napatingin naman ako sa isang lalaking sumagot. Napatango naman ang iba

"I can provide the materials sir," napatingin naman kami sa may gilid. "Bloomie note that." sabi ni Ace. Nag-tuloy-tuloy ang meeting para sa safe zone. Napangiti nalang ako dahil doon. We can save the peoples of this country from extinction "Let's proceed," sagot ni Bloomie

Nagpatuloy ang meeting at medyo ngawit na ang mga paa ko kakatayo. Napansin yata ni Ace yun at in-offeran niya ako na umupo sa kandungan niya kaya umiling ako at itinuon ang atensyon kay Bloomie. "The rescuers will be group into five teams with different areas," siguro sila Ace ang team leaders dyan

"My proposed team Leaders will be the twins, Primo, Natalie and I." nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko na ang elite ang gagaw— wait! What?! "Ako?!" lahat sila napatingin sa akin at tinanguan naman ako ni Bloomie "She's still a newbie. What are you thinking?" galit na sabi ni Ace

"Bloomie gave us a report that she excels the most than the rest," napatingin kami kay Instructor Lei. Minsan ko lang siya nakita pero naalala ko siya sa pangalan "Isa pa we saw her perform, Primo." malamig na sabi ng ama niya. He sighed angrily and gave a glare to Bloomie. Kita ko naman ang pagkaputla niya. Kawawa naman siya

Nagtuloy na muli ang meeting nang wala ng interruptions. Hindi ko na rin kinaya ang informations na pumapasok sa akin. Umiikot pa rin kasi na kasali ako sa mga rescuers. I was rescued by Ace and yet magiging isa ako. Kaya ko ba? Kinakabahan ako.

"Claire!" napatingin ako sa taong sumigaw sa harap ko. Nilibot ko ang paningin sa kwarto at tanging kami nalang ni Ace ang naiwan. "Are you okay? I can pull you out if you want." kaya niya? Natetempt ako sa sinabi niya pero may part sa akin na gusto kong i-try.

"Pag-iisipan ko. Thank you sa offer," maikling ngiti din ang binigay ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito. "I'll be always here for you Claire,"

"I love you,"

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Love SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon