🖤22🖤

69 2 0
                                    

Natalie Claire Rivera

Tatlong araw na ang nakalipas simula nang insidenteng iyon sa laboratory ni Dra. Love at ipinagpatuloy na namin ang mission namin. Nahirapan kami nang kaunti dahil paubos na ang mga bala namin at kaya kailangan naming mag-ingat na sa mga susunod pa na araw.

"Anong balita sa hq?" tanong ko kay Ace dahil siya lang ang may access sa network ng pamilya niya. "Naumpisahan na ang construction ng safe zone at nakapaglagay na rin sila ng mga bakod." tinanguan ko naman siya. Magandang balita yun dahil maaari nang mamuhay muli ang mga tao

"Si Luis at Lippe?" miss ko na ang dalawang batang iyun. "Si Luis ay nag-eexcel sa martial arts niya and long distance shooting. While Lippe is studying with Yesha," natuwa ako dahil nag-aaral na si Lippe sa Ate Yesha niya. "That's good to hear."

Napatingin kami ni Ace sa isang tent nang marinig namin ang tunog na parang may nahulog kaya mabilis namin itong nilapitan at nakita si Dra. Love na nakikipag-halikan sa isang kasama namin. Namula ako sa nakita pero mabilis nandilim ang paningin ko dahil tinakpan pala ni Ace at hinila ako palabas ng tent

Pinaypayan ko ang sarili ko dahil ang init ng pisngi ko. "Matutulog na ako," sabay iwan ko kay Ace. Nagtungo ako sa tent namin at mabilis na humiga sa kama at ipinikit ang mga mata. Naramdaman ko namang may pumasok sa tent namin at alam kong si Ace yun base nalang sa aura niya

"Claire," tawag niya sa akin pero hindi ko siya nilingon. "Kung hindi ka didilat dyan hahalikan kita." sa banta niyang yun ay dumilat na ako. "Ace hindi pa ako ready sa next level na yan." pagmamakaawa ko. Ayaw kong may mangyari sa amin sa gitna ng mission at gusto ko kasal muna.

"What are you talking about? Pinapaayos lang kita ng higa because you occupied it all." tinignan ko naman ang higaan at tama nga siya. Shocks nakakahiya! Mabilis akong umayos ng higa at nagtalukbong ng kumot dahil tumatawa na si Ace ngayon

"I love you Claire, good night." hinalikan niya ang ulunan ko bago ito tumabi sa akin at natulog. Tinanggal ko naman ang kumot na bumabalot sa akin at yumakap sakanya. Doon natatapos ang eksena namin tuwing gabi. Noong una nahihiya ako hanggang sa nasanay ako at hindi ko alam kung kaya ko pang matulog nang hindi siya katabi

Kinaumagahan ay nagising ako na wala na si Ace sa tabi ko. Lumabas ako ng tent at nakitang nag-aayos na sila. Nakita ko na rin si Ace at kausap niya si Dra. Love at pumasok sila sa loob ng tent nito. Hindi ko nalang iyon pinansin kaya ginawa ko nalang ang morning routines ko. "Ms. Nat, ready na po kayong umuwi?" nagtaka ako sa sinabi ni Clarisse

"Uuwi na tayo?" tumango naman ito. "Oo, dahil gusto ng council na kausapin si Dra. Love tungkol sa apocalypse na nangyayari." tinanguan ko lang si Clarisse saka siya iniwan. Nag-ayos na rin ako ng gamit namin ni Ace at tumulong na sa iba. Napansin ko naman na hindi ko pa nakikita si Ace. "Si Primo?" tanong ko. Tinuro lang nila ang tent ni Dra. Love

Tinignan ko lang ito at lumabas naman na si Ace sa tent nito at inayos ang damit pati buhok. Gusot-gusot naman na ngayon ang damit ni Dra. Love kaya naningkit ang mata ko sakanila. Napansin yata ni Ace na may nakatingin sakanya kaya hinanap niya ito. Inalis ko agad ang tingin dahil baka isipin niyang ako iyon at mag-explain pa sa akin.

May tiwala naman ako sakanya kay Dra. Love lang wala. Hihintayin ko nalang si Ace na magkwento kung ano ang ginawa nila ni Dra. Love sa loob ng tent niya at ang tagal pa bago sila lumabas. "Claire," niyakap niya ako patalikod at naamoy ko ang amoy ni Dra. Love sakanya. Huminga ako ng malalim bago siya binigyan ng ngiti nang bitawan niya ako

"Tumulong ka na para makauwi na tayo." saka ko siya iniwan. Hindi na kami nag-usap pa hanggang sa umalis kami. Tabi nanaman sila ni Dra. Love at may pinag-uusapan sila. Tumingin nalang ako sa labas ng bintana kahit na puro katawan ng tao ang nakikita ko.

"Nagseselos si Ms. Nat ah?" sinamaan ko naman ng tingin si Clarisse. "Oo na shut up na ako." sabay nguso niya. I sighed bago ko hinarap si Clarisse. "Nagkaroon ka na ba ng boyfriend?" tanong ko sakanya. Tumango naman ito sa akin at bakas sa mukha nito ang lungkot

"I had one, once." sagot niya. "Masaya kaming dalawa pero akala ko lang dahil pagtalikod ko masaya siya sa iba." parang nakuha ko na ang ibig niyang sabihin. "Sorry Ms. Nat parang iba yata ang punta ng kwento." umiling naman ako. "Tell me more," nagkwento ito sa akin ng malungkot na love story niya hanggang sa dalawa na kami ang naging emotional

Nakipag-kwentuhan na rin ang mga kasama namin at yun lang ang ginawa namin hanggang sa narating namin ang hq. Hindi na nga namin namalayan dahil nakakatuwa malaman ang kwento nila. "Claire, mauna na kayo magpahinga. May pupuntahan lang kami ni Dra. Love," tinanguan ko lang siya

Pinuntahan ko sa training room si Luis at nadatnan ko nga siya doon at nandoon din si Lippe. "Ate Nat!" sigaw ni Lippe at tumakbo papunta sa akin. Sinalubong ko naman siya ng mahigpit na yakap. "Ate Nat!" sigaw din ni Luis at tumakbo din papunta sa akin at niyakap ako.

Nagkwentuhan naman kaming tatlo tungkol sa naging mission ko. Syempre I skipped the parts na nakakadiri dahil hindi pa pwedeng pakinggan ni Lippe. "Ate Nat, sino po yung babaeng yun?" tinignan ko naman ang tinuro ni Luis at nakita kong may mga kasama si Dra. Love na ibang scientist ng hq pero wala na si Ace doon.

"Maiwan ko na muna kayo ah?" hindi ko na hinintay pa ang sagot ng dalawa. Sinundan ko sila Dra. Love dahil nacu-curious ako kung saan sila pupunta kaso bago ko pa sila masundan ay may pumugil na sa akin. "Don't." sabay iling niya. Tinignan ko lang siya pero hindi ako sumagot

"They will interrogate her and authorized personnel are the only one allowed to go." ibig sabihin pati siya pupunta? "I won't go. I'd rather stay with you." sabay yakap niya sa akin. "I know you saw me going inside her tent." nagulat ako sa sinabi niya. Ibig sabihin nakita niya ako ng mga oras na yun?

"Susunugin niya sana ang mga documents pero naunahan ko siya kaya nalang naging ganoon ang mga damit namin." hindi ko alam sa pag-explain niyang yun ay naluha ako. Siguro natakot ako na may mang-agaw kay Ace sa akin. "You're mine only." sabay higpit ko ng yakap sakanya

"Yes, I'm yours my Claire."

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Love SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon