🖤20🖤

76 4 0
                                    

Natalie Claire Rivera

Ngayong araw ay gagawa kami ng panibagong mission wherein part two nung project namin but this time kasama ko na si Ace. Gusto niya kasama ko lang siya at ayaw na niyang maulit muli ang nangyari sa amin na nagkahiwalay kami

"Alagaan niyo ng mabuti ang sarili niyo ha?" paalala ko sa dalawang kapatid ko. "We are the ones who should be saying that, Ate Nat. Take care okay?" nagyakapan naman kaming tatlo pagkatapos noon ay sumakay na kami ng truck.

Hindi pa pwedeng sumama si Luis dahil bata pa siya at on-training palang. Kumaway si Lippe sa akin habang tumutulo ang luha niya kaya kumaway na din ako pero pinigilan ko ang mga luha ko. "Magkikita pa naman kayo. Don't worry," sabay yakap ni Ace sa akin

This mission will last two weeks dahil malayo ang destination namin. Naumpisahan na rin ang construction ng safe zone. "Stay close to me all the time okay?" hawak ni Ace ngayon ang kamay ko. Nginitian ko naman siya at pinatong ang ulo ko sa may balikat niya.

"I wonder kung paano nagsimula ang lahat ng apocalypse na ito? Where and how?" pinatong ni Ace ang ulo niya sa may ulo ko. "I don't know. We might find it sooner or later anyway." I sighed at that thought. Kailan kaya ito matatapos?

Pagkatapos ng limang oras na byahe ay nakarating na rin kami. Pagbaba ko palang ng truck ay napatakip na ako ng ilong. Sobrang lansa ng lugar at halos kalat-kalat ang mga katawan ng tao at halos na-aagnas na ang iba.

Napatingin kami sa ibang kasamahan namin dahil nagsusuka na sila. Doon ko naalala si Nathan. Baka may possibility na mahawaan kami kapag nalanghap namin ang amoy ng mga ito. "Takpan niyo ang mga ilong niyo. Huwag kayong lalanghap ng amoy. Baka may possibility na maging zombie kayo." pagkasabi kong iyon ay ginawa naman na nila

"Split up. Search for survivors." sabi naman ni Ace. Nag-umpisa naman na kami naghanap. Kapag wala sa lugar na ito. Lilipat kami ng barangay. "Stay close, Claire." tinanguan ko lang siya. Habang naglalakad kami ay may napansin akong bata sa isang bahay. "Dito lang ako Ace." tinanguan naman niya ako

Humiwalay naman na ako sakanya at pumasok sa loob ng bahay. Pagbukas ko ng pinto ay nandoon ang bata pagkatapos noon ay tumakbo siya. Sinundan ko naman siya agad hanggang sa makarating kami sa kusina. Tinuro niya sa akin ang pinto at tinignan ko naman kaso pagbalik ko ng tingin sakanya ay wala na siya

Nilapitan ko ang pinto na kanina ay tinuturo niya saka ito binuksan. Papuntang basement ang pinto kaya bumaba ako. "Fuck!" I cursed. Puno ng zombies ang basement at may tao sa isang kulungan. "Help me!" hindi ko alam kung paano siya tutulungan dahil una sa lahat ay maraming zombies.

Sinenyasan ko siya ng saglit lang. Mabilis akong bumalik ng kusina saka tinungo ang labas. Hinanap ko si Ace at madali ko lang din siya nahanap "May tao sa bahay na pinuntahan ko but I can't save her. Puno ng zombies ang basement." umiling ito. "We can't save her then." saka ako tinalikuran

"Paano kung ako yung nasa sitwasyon na yun? Iiwan mo nalang din ba ako?" sa sinabi kong yun ay parang natakot na rin ako sa isasagot niya. "Yes. Kung hindi kita kilala at hindi ka parte ng buhay ko but if you were in that position hell no! I'll do anything to save you." hindi ko in-expect ang sagot niya kaya hindi ko alam kung kikiligin ako or maiinis

"Then lets save her," tinanguan niya lang ako at sabay na kaming bumalik doon. We silently went in and he started to count the zombies. "I'll shoot fifteen heads and yours ten." bulong niya. Tinanguan ko naman siya at isa-isa namin silang binaril. Kung ako lang gagawa mag-isa malamang isa na rin ako sakanila. Ang bilis nilang gumalaw

"Thank you for saving me," pagkabukas namin ng pinto niya ay bigla na lamang itong nahimatay mabuti nalang at nasalo ni Ace. Lumabas na rin kami ng bahay pero nauna sila. Nilinga ko ang second floor at nakita ko ang bata kumakaway sa akin hanggang sa maglaho siya. "A ghost?" hindi ko nalang pinansin yun at lumabas na rin

Dinala ni Ace ang babae sa truck at mabilis na dinaluhan ng medics. Bumalik naman na kami agad ni Ace sa paghahanap hanggang sa abutin kami ng gabi. Tatlong tao lang ang nasagip namin. Isang mag-asawa at yung babae lang. Nag-setup naman na kami ng camp site namin para bukas ay lilipat na kami ng lugar

"Gising na yung babaeng tinulungan natin." bungad ni Ace sa akin saka tumabi sa upuan. "Ano ang sabi?" sabay tingin sakanya. "She said she was a scientist." tinaasan ko naman siya ng kilay but then he just shrugged. "Anyway, ibang barangay na tayo bukas. Kamusta na kaya yung dalawa? I miss them na." then I sighed

"Ako ba namiss mo?" nag-init ang pisngi ko sa tanong niya. "Oo naman. Namiss kita." sabay lingon sa iba. "Talaga ba?" panunukso niya. "Oo nga. Namiss kita! Okay na?" napanguso tuloy ako dahil sa panunukso niya sa akin pero dahil doon ay ninakawan niya ako ng halik

"Primo. Gusto daw po kayong kausapin ng doctora." pagsasabi ng isang tao ni Ace. Tumayo naman na kami pareho at pinuntahan ang scientist na ito. "I demand to go to my lab!" sigaw nito na abot hanggang sa labas ng tent. Pagpasok namin ay namumula na ito sa galit. Tahimik lang si Ace at alam kong makikinig muna ito bago magsalita

"Ano po bang meron doon?" tanong ko. Tinignan niya lang ako ng masama. "I have some important documents there!" tinaasan ko naman siya ng kilay. "Then go." sabay turo ko palabas ng tent. Ma-attitude siya "Good. Lahat kayong may weapons. Come and protect me." utos niya sa mga kasama namin

"They won't come with you." malamig na sabi ni Ace. "And why? This is a government militaries right?" sagot nito "Nope they aren't. They are mafia." sagot ng mag-asawa. Napansin ko ang pagkaputla ng scientist. "Whatever!" lumabas naman na agad ito ng tent but in the end bumalik rin siya

"Please. Can I borrow one of your men?" umiling naman si Ace. "Just one?" tinignan lang ni Ace ang babae hanggang sa ngumisi ito "Sure. In one condition." nagkagat labi naman ang babae. Aba ang landi ha?! "Okay. I'm good in bed sweetie?" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya at unti-unti siyang lumalapit kay Ace dahil doon ay naitutuok ko sakanya ang katana ko

"Take one more step or i'll kill you." malamig kong sabi. Akin lang si Ace and no one can take him from me. "I'm sorry pero but my condition is tell me your secret and we'll help you." napansin ko ang disappointment ng babae "Tsk. I won't unless I touch you." sabay ngisi niya

"Sinabihan na kita. Lumapit ka lang sa boyfriend ko and i'll kill you right here right now!" naasar na ako sakanya at kaunti nalang at isasaksak ko na sakanya ito. Hinawakan ni Ace ang mukha ko at binigyan ako ng isang matamis na halik kaya naibaba ko ang katana ko "Then I won't help you. My girlfriend can only touch me." namumula na sa inis ang babae

"Fine! That documents contains the solutions in creating this fucking apocalypse." doon na kami naalarma dahil isa siya sa mga gumawa ng dahilan kung bakit naging ganito ang mundo. "Sino ang mga kasama mo?" malamig na tanong ni Ace kaya mabilis na namutla ang babae

"Lahat sila ay patay na. I'm the only one who survived." napahawak ako sa sentido ko. "Is there an antidote for this?" umiling naman ito. "There is none. Experiment lang naman ito. It all began when the rabbit escaped its cage. Ang unang biktima niya ay nanggaling sa isang school at doon na kumalat."

Naalala ko na isa ako dapat sa mga biktimang iyon kundi dahil kay Ace ay malamang zombie na rin ako. Napatingin naman ako kay Ace at alam kong desidido na siyang tignan ang mga iyon

"Pack up. We'll be going for this documents."

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

This chapter is dedicated to Miss KanaNaomi . Arigatou-gozaimas

Love SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon