Natalie Claire Rivera
Two years passed...
Sa loob ng dalawang taon ay maraming nangyari. Malapit ng matapos ang safezone at nakagawa na rin ng iba't-ibang gusali tulad ng school, bahay, hospital, simbahan at kainan. Kumbaga new city na ang safezone. Ngayon ay umiikot na kami sa loob ng safe zone
"Ate Nat. Look oh. Gusto ko yung candy na binebenta ng kuya," kasama ko ngayon si Lippe. Si Luis kasi ay busy ngayon sa pag-aaral at siya ay college na rin. Si Yesha naman ay tinuturuan ng mama niya sa pagpapatakbo ng business habang si Ace naman ay busy sa pag-handle ng mafia
"Sige bibili tayo," lumapit kami sa vendor at bumili na ng candy na gusto ni Lippe. Umikot pa kami at napangiti ako na hindi na bakas sa kanila ang mga sinapit noong panahong nililigtas namin sila sa biit ng kamatayan. "Ms. Nat!" kumakaway sa akin ang mag-asawang natulungan namin kasabay ni Dra. Love
"Kamusta na po?" sabi ko nang makalapit na ako sa kanila. "Eto busy alagaan ang unang anak namin," napangiti naman ako nang makita ang panganay nila. Two years old na rin ito. Buntis ang kanyang asawa noong panahon na niligtas namin sila "Napaka-gwapo namang bata," sabay kurot ko ng pisngi niya pero ngumuso lang ito
"Eto candy. Share tayo," inabot naman ni Lippe ang candy sa anak nila. Matapos ang kaunting kwentuhan ay umalis na rin kami at naglibot pa. "Ms. Nat!" nilingon ko naman si Clarisse kasama ang kanyang nobyo. Masaya naman na siya ngayon hindi tulad ng dati
"Pinapatawag ka ni Primo. Kami na muna magbabantay kay Lippe," tinanguan ko naman siya at tinignan ko si Lippe. "Punta ka na ate, okay lang ako na kasama si Ate Clarisse." ginulo ko ang buhok ni Lippe saka ko siya hinalikan sa pisngi at iniwan kina Clarisse.
Naglakad naman na ako pabalik ng hq. Maraming bumabati na sa akin ngayon hindi tulad ng noon na ang sasama ng tingin sa akin. "Nat! Pupunta ka kay Primo?" tanong sa akin ni Bloomie. "Oo, samahan mo na ako." tinanguan naman niya ako at sinamahan na ako papunta sa opisina ni Ace.
"Malapit ka ng manganak ah?" ngumiti sa akin si Bloomie habang hinihimas-hima ang malaking tyan niya. "Dalawang buwan nalang. Nai-stress na nga si Franklin sa akin dahil sa mood swings ko." oo naging sila din ni Franklin at nagbunga na ang pagmamahalan nila. Nauna nga lang ang bata bago kasal pero napag-usapan nila na mag-papakasal sila pag nag-isang taon na ang anak nila
"Andito na tayo. Mauuna na ako?" nginitian ko nalang siya saka ito umalis. Kumatok naman na ako bago pumasok sa opisina niya. Nadatnan ko naman doon si Rei kasama si Ace at pareho silang tumatawa. Nanikip ang dibdib ko sa nakita. Hindi rin mawala sa isip ko kung bakit andito pa rin si Rei sa tabi niya
"Claire kanina ka pa dyan?" umiling naman ako saka pinilit na ngumiti. Napatingin naman ako sa gawi ni Rei at ang sama ng tingin niya sa akin. "Excuse us first," tumango naman si Rei bago ito tumayo at tumungo papunta sa may pinto pero bago ito makaalis ay may binulong pa ito sa akin "Bitch,"
"Bakit mo pala ako pinatawag?" sabay lapit ko sakanya nang hindi ko pinapansin ang sinabi sa akin ni Rei. "I just missed you," hinila niya ako papaupo sa mga hita niya. "Bitawan mo nga ako Ace. Baka may makakita sa atin." very cautious na ako sa relasyon namin ngayon dahil maraming umaangal sa aming dalawa pero okay lang naman sa daddy ni Ace
"I don't care about them." malamig niyang sabi "But I do," bumuntong hininga siya. "Fine. I'll be out tonight. Huwag mo na akong hintayin pa mauna ka ng matulog okay?" tinanguan ko naman siya "Sinong kasama mo?" matagal kami nagkatitigan "Si Rei," umiling nalang ako saka tumayo sa kinauupuan ko "Okay." tipid na ngiti ko saka siya iniwan sa opisina niya na hindi ko siya nilingon
Lumabas na ako ng hq at hinanap si Lippe. Natagalan ako ng kaunti na hanapin siya pero natagpuan ko sila sa Park kasama na niya ngayon si Luis. "Ate Nat!" nilapitan ko sila agad at dinaluhan sa ginagawa nila "Overnight tayo sa kwarto namin?" pag-aya ko. Nagkatinginan silang magkapatid "May gagawin kami ni Lippe mamaya ate, sorry." nalungkot naman ako dahil pati sila busy
"Okay lang. Tara mag-ikot na muna tayo," nag-ikot lang kami at in-enjoy ang araw. Sabay na rin lang kami kumain kasama ang mga friends ko. "Ihatid ko na kayo," nag-usap pa kami ng kaunti ni Luis habang bitbit niya si Lippe na tulog na sa likod niya "Sparr tayo sa susunod ng archery," ngumiti si Luis "Talo ka na sa susunod na round," nakangisi niyang sabi
"In your dreams sir," ginulo ko naman ang buhok niya "Good night," sabi ko bago ko sila iniwan sa kanilang kwarto. Naglakad naman na akong muli papunta sa kwarto namin ni Ace. Habang naglalakad ay nakita ko sila Ace at Rei pumasok sa isang kwarto na tumatawa. Sinundan ko naman sila kahit na sinasabi ng puso ko na huwag
"Sigurado ka bang hindi malalaman ni Nat ito?" boses ni Rei yun. "Oo hindi niya malalaman ito. Lets start," hindi ko masilip ang ginagawa nila pero naririnig ko naman ang mga sinasabi nila "Ang sikip naman Rei," dinig ko. "Kasya yan ipilit mo kasing ipasok," then I heard him cursed. Nag-init ang pisngi ko saka nilisan ang lugar. Tuloy-tuloy ang luha ko sa pagdaloy at hindi ito humihinto hanggang sa may nakabanggan ako
"Are you okay?" tanong nito sa akin at umiling ako. "I'm not," hinila naman niya ako bigla at tinabi dahil may paparating pala na mga tao. "Here," inabutan naman niya ako ng panyo at ginamit ko ito pinangpunas ng luha ko "Stop crying Ms. Nat," tinignan ko naman ang taong tumulong sa akin "Leo?" ngumiti ito nang banggitin ko ang pangalan niya. Siya yung manliligaw ko noon
"In the flesh." natawa nalang ako dahil ngayon ko lang siya nakita after two years "Kailan ka pa nandito?" tanong ko "Last month. Nasa hospital ako ng tatlong linggo at ngayon lang ako na-discharge," naglakad-lakad naman kami at nag-usap. "Si Sharina pala?" napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang pangalan niya. Walang araw na hindi ko siya malimutan noon pero I need to let her go and accept na wala na siya. "She died... in my hands," napansin ko ang pag-iba ng itsura niya. He looked sad
"I'm sorry for your loss," sabay yakap niya sa akin. Hinayaan ko naman siya na yakapin ako. "This safe zone was also Sharina's idea right?" tanong niya sa akin saka naman kami naghiwalay. "How did you know?" tanong ko then he smiled "Just a hunch," ngiti niya sa akin. I smiled too ofcourse
"Uhm, Nat." tinignan ko lang siya waiting for his next sentence. "Di ba manliligaw mo naman ako noon. Okay lang ba na ituloy ko ngayon? I mean ikaw pa rin ang laman nito and ofcourse tatanungin na rin kita kung pwedeng maging girlfriend kita?" nakikita ko ang hope sa mga mata niya. "I'm sorry, Leo. May boyfriend na kasi ako at ayaw ko siyang saktan." mabilis napalitan ang expression ng kanyang mga mata. Naging malungkot ito
"Kahit isang yakap lang?" nginitian ko nalang siya at niyakap ito. Nagtagal ng kaunti ito bago ko siya tinulak. "Pwede ko bang malaman kung sino ang boyfriend mo?" magsasalita na sana ako para sabihin kung sino kaso naunahan na ako ng iba
"My name is Dark Ace Grimoire. Claire's boyfriend."
~•~•~•~•~•~•~•~•~
BINABASA MO ANG
Love Survival
HorrorZombie Apocalypse. Natalie Claire Rivera is a young maiden with a miserable life saved by him. Dark Ace Grimoire a mafia with a kind heart and saved Natalie. Can they save each other during the river of blood thirsty zombies?