🖤1🖤

297 11 0
                                    

Natalie Claire Rivera

"Natalie! Nasaan na yung pinapabili ko sayo na sapatos?!" galit na sabi ng pinsan ko na si Ekay. Lagi niya akong tinuturing na bangko. Hindi na nga ako mayaman pero ganoon pa ang trato sa akin

"Wala kang pera na inabot. Paano ko mabibili yun?"nakayukong sabi ko habang nagwawalis ng sala. Kailangan ko kasing tumulong sa gawaing bahay

"So? Edi yang allowance mo sana ang ginamit mo! Ipang-dadate ko pa ang pera ko kaya bago ka umuwi galing ng school dapat meron na yun kung hindi malilintikan ka sa akin! Tsupi" pagpapalayas niya sa akin. Kaya umalis na ako.

Nag-ayos na ako para makapasok ng school. Ako nga pala si Natalie Claire Rivera. Ulila na, ang kasama ko naman sa bahay ay sina Aunty at Ekay. Hala 6:45 am na! Mala-late na ako! Mabilis na akong gumalaw at mabuti nalang at may tricycle na napadaan kaya nakarating agad ako sa school.

"Hi Nat! I miss you" sabi ng bestfriend kong si Sharina Jane Guzman. Siya ang naging katuwang ko sa mga paghihirap ng kamag-anak ko

"Hello! Tara na sa loob" sabay na kami pumasok sa campus namin. Habang naglalakad kami papuntang classroom nag-kwentuhan muna kami

Pagkaupo namin ni Sharina sa room nagsitilian na ang mga babae sa hallway. Nakikita namin kung sino ang tinitilian nila at sina Franklin at Frankie Francisco. Ang kambal na F. Mga sikat silang modelo sa ibang bansa. Sumunod sa kanila ay si Bloomie Gonzales ang mala-beauty queen ang aura.

At ang panghuli ay ang leader nila na anak ng isang business tycoon. Si Dark Ace Grimoire ang gwapo sana kaso ang cold niya sa mga tao. Nasa higher section sila at kabatch namin. And our eyes just met!

"OMG! Girl tinignan ako ni Prince Dark!" Tili ng babae sa labas. Alam kong ako yung tinignan niya dahil lagi kaming sabay lumabas ng bahay. Tapat lang namin ang mansyon nila

"Okay class let's start" sabi ng teacher namin na kapapasok lang. Kaya nakinig na kaming lahat. Kaso nabored ako sa discussion ni ma'am.

Nasa dulo ako at tabi lang ng bintana. Nakatitig lang ako doon sa malayo at parang may natanaw ako sa labas ng bakod ng school namin ang patayan. Iiwas na sana ako ng biglang nagtama ang tingin namin.

"Ms. Rivera! Are you listening?!" Galit na sabi ng teacher. Hindi ko tuloy alam ang gagawin. Narinig ko na nagbubulungan na rin ang mga classmate ko tungkol sa akin

"I'm sorry ma'am. Hindi na po mauulit" sagot ko. Tumango ito at pinagpatuloy ang discussion niya. Muli akong tumingin sa bakod pero wala na ito pero may bakas lang ng dugo. Nakinig nalang ako sa guro namin at hindi ko namalayan na time na pala

"Bes punta muna ako sa club namin ha? Sorry hindi kita masasamahan mag-lunch" malungkot na sabi niya kaya nginitian ko siya

"Okay lang. Sige mauna na ako ba-bye" pumunta na ako ng canteen at bumili ng makakain saka pumunta ng tambayan

Pagkarating ko doon sinimulan ko na ang kumain. Nasa likod ako ng building namin kaya wala masyadong students pero bigla akong may nasilayan na tao na nakayuko at puno ng dugo ang katawan niya. Akala ko nasugatan lang pero parang familiar siya.

Bigla niyang inangat ang ulo niya at nagulat ako sa nakita ko dahil siya yung nakita ko sa labas ng bakod. Bigla siyang tumakbo papunta sa gawi ko kaya napatakbo ako sa takot kaso nadapa ako. Pa-suspense pa itong lumapit sa akin

"Lumayo ka sa akin!" Pero hindi ito nakinig. Tinignan ko ito ng mabuti at bukas ang sikmura niya at tumutulo pa ang dugo niya sa katawan. Kita na rin ang utak noya na parang inu-uod na

"Patay ka na! Jusko tulong! Tulungan niyo ako! Ayaw ko pang mamatay!" Naiiyak kong sigaw. Ayaw kong mamatay ng ganito ang sitwasyon!

Habang nagdadasal ako nagulat ako ng biglang sumabog ang ulo nito dahilan upang matalsikan ako ng dugo nito. Shocks kadiri naman

"Are you okay?" Cold na sabi nito. Si Dark Ace pala ang nagligtas sa akin. Paano siya nagkaroon ng baril at naipasok niya pa dito sa school? "Hey"

"Okay lang ako. Ano pala yung kanina? Hindi ba't patay na yun?" Natatakot ako sa nakita ko. I almost died from a dead person too

"I don't know but I think it's not safe here anymore. Let me take you home" pag-aya niya sa akin pero pinigilan ko siya dahil may klase pa

"May pasok pa ako" akmang aalis na ako at tatahakin ang daan papunta sa classroom ng hilain niya ako at hinarap sa kanya

"Walang pasok. This incident here is unnatural" cold niyang sabi sa akin. Magsasalita pa sana ako ng tumunog ang speakers!

"Good noon to everyone! What happened today is not a drill! Please go straight home and prepare to evacuate! Thank you!" Sabay off nito. Tinignan ko si Dark at nakatingin ito sa akin

"Okay pero may bibilhin muna ako bago umuwi sa amin" tumango naman ito at nauna ng maglakad sa akin kaya sinundan ko nalang siya

Pumunta na kami sa isang malapit na shoe shop sa school at naghanap ng sapatos na gusto ni Ekay. Mahal ito at hindi pa ako nakakasuot ng ganito kamahal. Lahat kasi ng gamit ko ay mga patapon na gamit ni Ekay kaya bihira lang ako magkaroon ng gamit na bago

"Aren't you going to use that?" Sabi ni Dark habang hawak niya ang isang pares ng bibilhin kong sapatos. Parang nahihiya tuloy ako

"Nope. Sa pinsan ko ito. Isa pa hindi ako mahilig sa heels" tumango lang ito. Pagkatapos kong bayaran ito hinatid na niya ako saka ito tumawid pauwi sa kanila. Hindi ko pa siya napapa-salamatan. Siguro bukas nalang

Kakatok na sana ako sa pinto ng makita ko itong bukas. Siguro nakalimutan nanaman ni Ekay isara. Pagkabukas ko lalo ng pinto nakita kong magulo ang sala at may bakas pa ng dugo papunta sa kusina. Si Aunty wala ng kamay at kalahatin nalang ang mukha

Lalabas na sana ako ng bahay ng biglang lumitaw si Ekay sa harap ko at punong-puno ito ng dugo. Hinabol niya ako agad pero nakatakbo ako paakyat ng kwarto at ni-lock ito. Pumunta ako sa bintana at sumigaw

"Dark Ace! Tulungan mo ako!" Umiiyak na ako sa sobrang takot. Masisira na ang pinto ng kwarto ko dahil gawa lang naman ito sa plywood. Napaupo ako ng nakalapit na sa akin si Ekay. Nasira niya ang pinto. Pilit kong iniilagan ang mukha niya na kakagat sa akin pero na-slip ako kaya kakagatin na niya ako nang bigla nalang humiwalay ang ulo niya sa katawan niya

"Are you okay?" Hinihingal niyang sabi. Napatayo ako at niyakap siya habang umiiyak. Niyakap rin niya ako pabalik

"Stop crying. It's going to be fine. I'm here beside you" nang sabihin niya yun sa akin bigla akong nakaramdam na ligtas ako sa bisig niya

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

Love SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon