Natalie Claire Rivera
Peaceful ang naging byahe namin pagka-alis namin ng sentro. May tatlong oras na rin kami at si Frankie na ang nagmamaneho ngayon. Kumain na rin kami at mag-hahapon na. Kailangan naming huminto sa isang lugar kung saan pwede kaming magpahinga
"Pull over Frankie. I think I saw a supermarket" ginawa naman ni Frankie ang sinabi ni Dark at iginilid nga ang sasakyan sa may parking. Lahat naman kami ay bumaba at pumasok sa loob. Bakas dito na may mga nag-panic buying at naabutan na rin ng zombies pero walang bakas na meron nga
"Gather all foods and necessities you can gather" may nakita akong ecobag at kinuha yun. Nauna akong pumunta sa essentials ng pang-babae dahil hindi namin alam kung kailan kami dadatnan at baka yun pa ang maging dahilan ng paghabol ng zombies sa amin. Sunod akong pumunta sa may medicines. Kinuha ko naman ang mga kailangan ko doon
"Next, hmm. Foods or snackbars yung madali lang bitbitin" mahinang sambit ko. Nang marating ko ang lugar na yun ay may nakita akong bata at nagtatago ito. "Hi? Mag-isa ka rito?" mahina naman itong tumango kaya nilapitan ko ito pero nagulat ako ng bigla itong umatras
"I'm not gonna hurt you" inabot ko naman ang kamay ko sakanya at kinuha naman niya ito "Asan ang mga kasama mo?" umiling lang ito bilang sagot sa akin "Anong pangalan mo?" sasagot na sana siya nang biglang nanlaki ang mata niya kaya bago ko nilingon ang tao ay napalo na ako sa ulo
Nagising nalang ako na nasa isang storage room na ako at wala na ang armas at bag ko. Anong nangyari? "Buti gising ka na" tinignan ko ng mabuti ang tao at survivor ba ito? "Nasaan ako? Anong kailangan mo sa akin?" sinubukan kong tumayo pero nakatali pala ako sa isang pader
"We need some sacrifice para makaalis kami ng anak ko. Ang tagal-tagal na namin dito. Gusto na naming makauwi sa pamilya namin" nakikita ko sa mga mata niya ang pagod at hirap para sa kanila ng anak niya. "Set me free at tutulungan ko po kayong makaalis ng lugar na ito" pansin kong hindi siya naniniwala sa akin kaya yumuko pa ako
"I promise to help you. Hindi ko pa oras para mamatay. I still need to fulfill my best friend's wish" naluluha na ako habang inaalala ang mga sinabi ni Sharina sa akin. Naramdaman ko nalang na wala na ang nakatali sa akin "Okay. Just help us" tumango ako at nakita ko namang inabot niya sa akin ang bag ko kasama ng armas ko
Ano nalang kaya ang sasabihin ni Dark kapag nalaman niyang iniwan ko na sila para tulungan ang mag-inang ito? Will he get mad at me? Mag-aalala kaya siya? "Tara na!" bumuntong hininga nalang ako saka sinundan ang mag-ina. Pagbukas niya ng pinto ay tumambad na sa amin ang madaming zombies
"Shit! Kakayanin ko ba lahat ito?!" naiinis ako. Feeling hero ang peg ko? Pinilit ko nalang na tanggalin ang mga ulo nila sa mga katawan nila at nasa likod ko lang ang mag-ina. Napansin ko na rin na pinalilibutan na kami ng mga zombies dahil mag-isa lang naman akong gumagalaw "You promise to help us now do your part!" sigaw ng babae kaya kahit imposible ay ginawa ko nalang hanggang sa nakarinig ako ng mga tunog ng baril
"Where the hell did you go?! Are you playing the hero now?!" napapikit nalang ako sa bulyaw ni Dark sa akin. Hindi ko inaasahan na dadating nanaman siya para tulungan kami "Ace? Anak?" pareho kaming napalingon sa babae at naiiyak na ito ng makita niya si Dark
"Stop calling me anak, Paula. You're not my mom. Come here, Yesha" mabilis lumapit ang bata kay Dark at nagulat ako nang umiyak ito sa kanya "I'm sorry" sagot ni Ms. Paula
"Balik na tayo sa van" cold niyang sabi kaya sinundan na namin si Dark. Tumabi naman sa akin si Franklin "Kanina ka pa niya hinahanap halos baliktarin na niya ang supermarket mahanap ka lang tapos malalaman niyang umalis ka kasama ang stepmother at sister niya" nanlaki ang mga mata ko sa rebelasyon niya
"Nat! May dugo ka sa ulo anong nangyari sayo?" nagulat naman ako sa sinabi ni Frankie kaya kinapa ko naman ang tinuro niya at meron nga. Nilabas ko ang tissue na nakuha ko kanina at nilagay ko sa may ulo ko "Frankie, carry Yesha" nilingon namin si Dark at madilim ang tingin nito sa akin sabay hinila ako sa isang gilid at tinignan ang ulo ko
"What happened?" napalunok naman ako sa tanong niya. "N-Nauntog ako kanina" tinignan ko naman siya at hindi siya satisfied sa sinagot ko. Mag-sasalita na sana ako ng may sumingit "Pinalo ko ang ulo niya at gagawin ko sana siyang sacrifice para makaalis kami ng kapatid mo" tinapunan niya ng matalim na tingin ang stepmother niya kaya napaatras ito
"Would you mind to be the sacrifice then Paula?" namutla siya sa sinabi ni Dark at bigla itong lumuhod "I'm sorry Miss!" lumuhod naman ako sa tabi niya at hinawakan ang balikat niya para itayo na siya "Okay lang po ako. Wag ka pong mag-alala" ngumiti lang ako sakanya pero nagulat ako sa inasal ni Dark. Bigla nalang niya akong hinila at pinasok sa van
"Sit behind" tumango lang si Paula sa sinabi ni Dark. Wala itong nagawa sa sinabi niya. Bakit kaya galit na galit si Dark sa stepmother niya? "Don't do that again, Claire" inihiga ni Dark ang ulo niya sa may balikat ko at ipinikit ang mata
Bumilis ang tibok ng puso ko nung sabihin niya ang second name ko. Kung iisipin ko nang mabuti meron din akong kaibigan na Claire din ang tawag sa akin noong bata kami. Hindi kaya siya yung Ace na yun? Kasi kung siya nga, siya yung long lost na first love ko?
"Natalie right?" nilingon ko ang mommy ni Dark at seryoso itong nakatingin ito sa akin "Sa next destination I want you to leave Dark. Go on by your next journey" pabulong niya lang sinabi sa akin. Binigyan ko siya ng kaunting tingin ng pagtataka. Natatakot ako kay Dark kapag nalaman niyang wala na ako
"I don't want you in his life, Natalie. You were the reason why he is suffering from his father. Leave him" nagtataka ako sa sinabi niya. No Nat! Isipin mo muna ang mga kasama mo ngayon. Niligtas ka nila ng ilang beses tapos aalis ka nanaman then what? Ililigtas ka nanaman nila? "Hindi po ako aalis sa tabi ni Dark. Hindi ko rin po alam kung ano po ang sinasabi niyo pero sa ngayon po kailangan po nating magsama-sama,"
I sighed deeply before giving this answer "Pero if you insist na aalis ako sa tabi ni Dark. Kausapin niyo po muna ang buong grupo" nagsalubong ang kilay niya ibig sabihin hindi niya nagustuhan ang sinabi ko
"If you won't leave then I will do everything for you to leave. Mark my words" hindi ko nalang siya pinansin. Hindi na ako gagawa ng ipagaalala ni Dark. Hindi ko na rin namalayang nakatulog rin ako at nakapatong ang ulo ko sa ulo niya then I felt his hands against mine. I just smiled
~•~•~•~•~•~•~~•~•~
BINABASA MO ANG
Love Survival
HorrorZombie Apocalypse. Natalie Claire Rivera is a young maiden with a miserable life saved by him. Dark Ace Grimoire a mafia with a kind heart and saved Natalie. Can they save each other during the river of blood thirsty zombies?