🖤3🖤

174 3 0
                                    

Natalie Claire Rivera

Huminto kami ni Dark sa isang restaurant para sa stop over. Namili siya ng makakain namin at nag-uusap kami. Habang inaantay ang order namin napansin kong kami lang ang tao dito.

"Here's your order ma'am/sir" sabi ng pamilyar na boses. Pagtingin ko si Ekay pala ito. Hindi ba't patay na siya? Bakit nandirito siya kasama namin ni Dark? Hindi kaya panaginip lang ang ang lahat ng ito?

Tinignan ko ang pagkain namin na inihanda niya. Nagulat ako ng makita kong daliri ang mga ito inuuod na spaghetti. Agad akong napatingin kay Dark at biglang nawala ito sa harap ko. Lumingon ako kay Ekay at nakitang kinakain niya si Dark. Luminga-linga ako at panay dugo ang nakita ko

"Ikaw ang dessert ko" sabay atake ni Ekay dahilan upang magising ako. Napaupo ako ng maayos at nakita kong nasa sasakyan pa ako at nagmamaneho pa rin si Dark

"Having a nightmare?" Tanong ni Dark habang nagmamaneho. Tumango nalang ako dahil natatakot na rin ako sa mga nangyayari

"Nasaan na pala tayo?" Hindi kasi pamilyar sa akin ang mga dinadaanan niya. Hindi kaya naliligaw na kami dahil sa dami ng sasakyan?

"I'm finding a shortcut papunta sa mall. Lahat ng possible way ay hindi na pwedeng daanan dahil puno na ng zombies at dead bodies" ibig sabihin may half hour na akong tulog?

Pinagmasdan ko ang labas at napapansin ko na pamilyar na ang dinadaanan namin. Wala ring gaanong sasakyan at zombies. Ay mali meron palang lumalakad na tao I mean zombies

"I need you to stay inside this car. Papasok na ako sa loob ng mall to save your friend and mine got it?" Tumango ako. Pina-park na niya ang sasakyan saka inayos ang mga gagamitin niya sa pagpasok

"Paano kung may lumapit dito? Anong gagawin ko?" Fresh pa sa akin ang nangyari sa kamag-anak ko at nangyari sa school. Hindi pa ako nakaka-recover sa mga nangyayari dito sa lugar namin

"Put this in your ear and use it to communicate with me. Call me immediately if you think there's something wrong. Ilo-lock ko ang car. Don't worry tutunog ito kapag may gustong pumasok" tumango nalang ako kahit na may halong kaba

Ang cool naman ng binigay niya sa akin kaya sinuot ko na ito sa tenga ko. Parang earphones lang ito kaya hindi ako nahirapan na suotin pa ito.

"Franklin get ready. I'm on my way" pagkasabi niyang yun lumabas na si Dark at nilock nga ang sasakyan gaya ng sabi niya. Maya't-maya nakarinig na ako ng putok ng baril. Tinakpan ko ang tenga ko dahil nakakaramdam pa rin ako ng takot

Nagulat ako sa tunog dahil malapit lang ito sa akin. Kinabahan ako at ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam ano ang gagawin ko. Kaka-alis lang ni Dark. Nakakahiya naman kung tatawagan ko siya agad

"Tulong! Help me please! Ayaw ko pang mamatay!" Pinapalo niya ang bintana ko at puro dugo ito. Gusto ko man buksan ang sasakyan kaso naka-lock ito. Patuloy pa rin itong humihingi ng tulong sa akin pero wala akong magawa kundi iyakan nalang siya

Nakita ko na pababa na siya. Siguro wala na siyang buhay pa. Nakokonsensya ako dahil sa hindi pagtulong ko pagtulong sa kanya. Akala ko wala na siyang buhay pero bigla itong lumitaw muli at wala na ang kalahati ng kanyang mukha. May hawak na itong bato at sinisira na niya ang bintana

"Dark! Help please. Masisira na ang bintana. Hindi ko alam anong gagawin ko!" Masisiraan na yata ako ng ulo dahil sa sobrang takot. Ayaw ko pang mamatay

"Calm down okay?! Kung hindi ka tatahimik diyan mas lalapitan ka pa nila!" Nagulat naman ako sa sinabi niya dahil marami na ang lumalapit papunta sa sasakyan. Lord ayaw ko pa pong mamatay. Marami pa po akong pangarap sa buhay

Nang makarinig ako ng mga putok ng baril parang bigla akong nakaramdam ng ginhawa dahil nandito na ang magliligtas sa akin. It's my savior. Dark Ace

"Are you okay? Why does the bad luck attaches to you so much?" Naiinis na sabi niya sa akin. Imbes na mainis ako sa sinabi niya ay nginitian ko nalang siya dahil ilang beses na niya akong niligtas

"Nat! You're safe! Nag-aalala ako sayo. Akala ko mawawala ka na sa akin" nagulat ako sa biglang paglitaw niya sa likod kaya agad akong tumungo doon at niyakap siya. Sabay naman kaming napaluha

"Save the drama later. We have zombies waiting for us you know kaya give space na" maarteng sabi ni Bloomie. Hindi nalang namin siya pinansin at pinasakay na ang iba. Bumalik ako sa pwesto ko kanina at buong byahe tahimik dahil nagpapahinga na sila

"Dark thank you pala sa pagtulong mo sa amin ng bestfriend ko" nakangiting sabi ko sa kanya pero hindi ako sinagot. Napaka-suplado naman nito! Kaso okay lang. Utang ko ang buhay ko para sa kanya sa pagliligtas sa amin ng kaibigan ko

Since hindi naman niya ako pinapansin ay tinalikuran ko na siya. Tinignan ko ang labas at puro sirang sasakyan na ang nakikita ko at may mga tao pang sugatan pero panigurado makakain rin sila. Nagulat nalang ako ng huminto kami sa isang gas station

"Sharina banyo muna tayo" aya ko sakanya at lumabas na ng sasakyan. Nakabantay naman ang mga lalaki habang nagre-refill si Dark ng fuel sa armored car kaya alam kong safe naman sa lugar na ito

"Alam mo beshy napaka-gentleman nung kambal pero ang swerte mo dahil kasama mo ang leader nilang si Dark. Kwento mo naman sa akin ang moments niyong dalawa" iniisip ko palang ang mga panahong kasama ko si Dark ay puro nakakatakot kaya inirapan ko nalang siya

"Ito talaga nagtatanong lang. Makairap sa akin ha!" Sabay roll niya ng mata sa akin. Pagkalabas namin ng banyo nakakita kami ng babae na wasak ang tyan at putol ang kamay. Ang masaklap may baby siyang hawak at puro dugo ito

"Beshy hindi ba't si Mrs. Cruz yan na teacher natin sa history class? Buntis rin siya diba?" Nang hawakan niya ang kamay ko ay ramdam ko ang panlalamig nito kasabay ang panginginig

"Sharina? Natalie? Kayo ba yan? Pinuntahan niyo ba kami ng baby ko? Have a look at my baby. Ang ganda niya diba?" Sabay pakita nito sa amin. Bigla akong nakaramdam ng awa para sa baby dahil patay na ito

"Natalie alis na tayo. Natatakot na ako. Patay na siya" bulong niya sa akin. Takot na rin ako at hindi ko alam ang gagawin. Malayo pa naman ng konti si Dark. Hindi ko na rin nakikita ang kambal

"Ma'am aalis na po kami ni Sharina. Hinahanap na po kami ng kasamahan namin. Kita-kits nalang po ulit" rason ko para makaalis na kami pero hindi ko inaasahan ang mga sumunod na pangyayari

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

Love SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon