🖤13🖤

94 2 0
                                    

Natalie Claire Rivera

"Y-You love me?" tinaasan ako ng kilay ni Ace dahil sa sinabi ko "Yes. I love you. Is it bad to say I love you to my girlfriend?" mas lalo akong naguluhan. "Girlfriend?" napansin ko ang pagsalubong ng kilay niya "What's with the questions? You're mine Claire." he then kissed me

Naghiwalay lang kami para maghabol ng hininga namin. "Wait. Naguguluhan pa ako Ace." lumayo ito sa akin at bumalik sa upuan niya. Tinuro din niya sa akin ang upuan sa tapat niya. "Paano naging tayo? I mean biglaan naman yata?" tinaasan naman niya ako ng kilay at ginawa ko din yun. He sighed

"The day I kissed you. I marked you as mine already." nagulat naman ako "You mean we've been in a relationship all this time?" tinanguan niya naman ako at may ngiting nakakaloko. He pulled me and gave me another kiss. Hindi ako nakapalag dahil doon

"Oh please this is not your love nest. Get a room child." pareho kaming napalingon sa may pinto kung saan niluwa nito ang ama ni Ace. Mabilis ko siyang naitulak at tinakpan ang mukha ko. Pakiramdam kong pulang-pula na ako ngayon sa hiya "What is it, Dad?" nakarinig ako ng konting footsteps kaya unti-unti ko rin tinatanggal ang pagkatakip ng mukha ko

"You need to rest child. Andito lang ako para personal na sabihin sayong magpahinga ka dahil andami mo nang naitulong." kamukha talaga ni Ace ang daddy niya kapag nakangiti sila. Napatingin sa gawi ko ang ama niya kaya mabilis akong yumuko "Lift your face child." alam kong ako na ang tinutukoy niya

"Have confidence. See you, Ace." umalis naman na ito at naiwan kaming muli dalawa sa loob. "Mauuna na ako sa kwarto namin Ace." tumayo naman na ako at lumabas. Nakaramdam ako na sumusunod siya sa akin kaya mabilis ko itong nilingon pero naglaho siya.

Umiling nalang ako saka pinagpatuloy ang paglalakad. Akala ko si Ace pa rin ang sumusunod pero iba ang presensya nito. Binilisan ko ang paglalakad at saktong nagsilabasan ang ibang mga tao kaya dumami kami. Nakuha ko ang pagkakataon na yun para makita kung sino ito. Isang babaeng blonde na buhok ang nahuli kong nakatingin ng masama sa akin

Binilisan ko ang paglakad ko nang mapansin kong lumalapit na ito sa akin. Bumilis din ang pintig ng puso ko dahil sa kaba na mangyayari hindi ko na nga rin napansin na nahila na ako ng hindi ko kilala. Pinipilit ko pa nga pumalag sa lakas ng kapit sa akin "Don't move, Claire." doon ko nalang napagtantong si Ace ang humila sa akin

Napansin ko nalang na nag-passby na din ang babae saka ako binitawan ni Ace. "She wants to kill you." seryosong sabi niya sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay na nagpapahiwatig na 'paano niya nasabi?' he then sighed

"I can sense her killing intent." nagulat ako sa sinabi niya. She wants to kill me for what reason? "Come lets get you to your room," sabay hila sa akin. Ang kaba na nararamdaman ko kanina ay napalitan na ng kaginhawaan dahil alam kong safe ako sa kamay ng 'boyfriend' ko

Oh-em-gee! Sinabi ko talaga ang word na boyfriend! "May sakit ka ba?" napakurap nalang ako nang makitang konti nalang ang agwat ng labi namin ni Ace dahil ang noo niya ay nakadikit sa may noo ko. Mabilis ko siyang naitulak dahil doon "W-Wala! Okay lang ako. Ang lapit mo naman masyado." sabay iwas ng tingin sa kanya

"Kanina pa kasi kita kinakausap. We're here. Go inside. I'll just bring food here later. Don't go out," mahinang tumango ako bago tuluyang pumasok sa loob ng kwarto. Naglalaro pa rin talaga sa utak ko kung bakit gusto niya akong patayin.

Mabilis akong tumayo sa pagkakaupo nang marinig kong may kumatok ng pinto. Ang bilis naman ni Ace na kumuha ng pagkain. Pagbukas ko ng pinto hindi Ace ang bumungad sa akin kundi yung blonde girl. Napaatras naman ako nang may lumitaw na knife sa gilid niya

"Anong kailangan mo sa akin? Bakit mo ako sinusundan?" tanong ko pero isang ngisi lang ang ibinigay niya sa akin bago niya ako sinugod. Mabilis akong nakailag pero hindi lahat ay maiwasan ko kaya ang ending punit ang ibang parte ng damit ko "What the fuck?!" sigaw ni Ace. Naalarma ito at biglang lumabas ng bintana

Mabilis namin itong sinundan pero nawala din siya. Akmang hahabulin ni Ace nang pigilan ko siya. Tinignan niya ako sabay umiling. Nagulat pa nga ako ng hubarin niya ang jacket niya at ipinatong sa akin. Napansin ko rin ang pag-iwas niya ng tingin at pamumula ng tenga niya kaya naisipan kong tignan ang sarili ko. Shit! Halos kita na pala ang katawan ko kaya mabilis kong sinuot ng mabuti ang jacket

"What happened?" nagtatakang tanong ni Bloomie. Lumapit si Ace sakanya at may sinabi ito na halatang ikinagulat pa niya. Lumapit naman ako sa kanilang dalawa "Check all people here Bloomie. I want that girl alive." madiin niyang sabi.

"What does she want from me anyway?" tanong ko sakanilang dalawa pero tahimik lang sila. "I will find her as soon as possible for now stay with her." sabi ni Bloomie bago umalis ng kwarto namin at hindi man lang sinagot ang tanong ko. Tumalikod na rin ako kay Ace dahil wala akong maaasahang sagot sakanya

Pagpasok ko sa loob ay ni-lock ko ang pinto dahil mahirap na kung pumasok siya habang ako ay nagpapalit ng damit "Claire? I'll just prepare our food downstairs." pag-paalam nito sa akin. Pagkatapos kong magpalit ay inihiga ko ang pagod kong katawan sa kama ko.

Nakakapagod ang araw na ito. Information overload ang brain ko. No matter where I go I'm not safe. Why would they kill me anyway? Anong mapapala nila kung pinatay nila ako? Sa dami ng iniisip ko ay bumaba nalang ako at pinuntahan si Ace sa may mini kitchen namin ni Bloomie

"Mabuti naman at naisipan mo pang bumaba," malamig na sabi ni Ace. Anyare? Nagpalit lang ako ng damit ko cold na siya agad? "Ano bang problema mo?" naiinis kong sabi. "Gutom na ako." nanlaki ang mata ko nang makita ko siyang ngumuso. Gustong kong matawa sa itsura niya pero nakakatakot siya kapag nagalit kaya wag na

"Kain na din tayo," sabi ko habang pinipigilan ko ang mapangiti. "Ayaw ko ng pagkain." napatingin naman ako sakanya. "Akala ko ba gutom ka?" tumango naman ito "Gutom ako ng halik mo." nagulat ako sa sinabi niya nang hindi ko na rin napansing nasa harap ko na siya at nagdikit na ang mga labi namin

"Ehem. This is a kitchen not a room." natulak ko bigla si Ace nang marinig ko ang boses ni Bloomie. Namumula na ako sa hiya dahil may nakakita "No trace of the blonde girl, Primo." umiling si Ace

Nag-usap pa sila ni Bloomie pero nauna na akong kumain kasi bigla din lang sila umalis. Naghugas ako ng pinagkainan ko saka ako pumunta sa veranda ng kwarto namin. Napatingin ako sa ulap at nakikita ko ang mga bituin.

Noong bata ako naniniwala ako na ang mga stars ay ang mga taong yumao na. I sighed. When will this end? Will humanity survive or we shall cease to exist in the near future? Ayaw ko na.

Bumalik na ako sa sarili kong kwarto at nag-shower. While the water is flowing nag-iisip ako sa mga what if's ng buhay ko. What if Ace was never there? Will I live? What if I die during the mission? What if kung may reset button? But all those what if's ay sa utak ko lang.

I sighed and quickly finished my shower before lying to my bed. "Ah! I want to live." sabi ko bago ako nakatulog

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Love SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon