Natalie Claire Rivera
Ten more years passed since that day, the start of the apocalypse. Ibig sabihin seventeen years ago humanity was almost wiped out by dead people or we called Zombies. Maraming namatay, sacrifices of people who died and ofcourse killed each other to survive.
Ngayong taon ang unang taon na masasabi naming zombie-free na ang Pinas. Nakaka-gala na ang mga tao pero syempre cautious pa rin sa labas pasok na shipments sa ibang lugar. This apocalypse has given us plenty of memories that we will never forget.
"Mommy? Kailan po tayo pupunta sa cemetery?" tanong ng bunso ko. Claire Antoine Grimoire. "Later baby. Go tell your ate to fix your dress." tinanguan naman ako ng anak ko at pumunta na sa Ate Lyra niya. Pinuntahan ko naman si Ace sa kwarto namin dahil ang tagal niyang gumalaw
"I'm okay now. Lets go?" tanong niya bago ako makapasok ng kwarto. Napairap nalang ako. Kasal na din kami ni Ace last year lang. Na-delay ng sobrang tagal ang kasal namin dahil lagi nalang kami naco-conflict sa schedule at sa inis niya simple wedding nalang ang naibigay niya sa akin which is request ko na rin
We settled down sa bahay niya kung saan kapitbahay niya kami noon. Today, we are visiting the grave of Luis. My brother. Hindi rin nagtagal ang buhay ni Luis though I can say na inabot pa niya na maisilang ko si Claire but after that he just went down. He had smiles in his sleep when we found him
Its hard to accept that we lose him pero life must go on. Lippe had her own family. Too young to be exact pero I can't dictate her that much since I was one too. "Mommy meron din po si Alex doon?" tinaasan ko naman siya ng kilay nang marinig ko ang pangalan ng anak ni Bloomie at Franklin.
"Lyra. Stop flirting with the man." napansin ko ang pagkapula ni Lyra kaya napangisi naman ako. "You know, maybe I should talk to Bloomie." napatingin naman si Ace sa akin while driving. "Maybe we should set up Lyra and Alex to wed after their eighteenth birthday since I haven't given you a boy to be heir." bigla nalang napa-preno si Ace at masama akong tinignan
"Lets pretend this conversation did not happened," natawa nalang ako sa reaksyon ni Ace. Napaka-protective niya sa panganay niya. Tinignan ko naman sa side mirror si Lyra at namumula naman ito habang si Claire ay walang idea sa pinag-usapan namin
Matapos ang ilang oras na byahe ay narating na naming ang sementeryo kung saan doon din nilibing ang parents nila. Isa kasi yun sa mga hiling niya noon noong nabubuhay siya. Ang maibalik siya sa birthplace nila. Nakita na namin doon si Lippe at ang asawa niya na hindi pa nakikilatis ni Ace dahil very wrong timing tuwing nagkikita sila
"Ate Nat!" yumakap naman agad sa akin si Lippe at ganoon din ang dalawang anak ko. Hinimas pa nga ni Claire ang tyan ni Lippe dahil malaki na rin ito at malapit nang lumabas. Nag-kwentuhan pa kami ng kaunti nang maya't-maya dumating na din ang iba.
Si Bloomie at Franklin kasama ang nag-iisang anak nila na si Alex. Kasama na rin ni Frankie ang girlfriend niya na soon ay pakakasalan na din niya. Syempre hindi na rin mawawala ang naging bagong girlfriend ni Luis which is nurse niya noong nabubuhay siya.
Tinirikan namin ng kandila ang puntod niya at nilagyan ito ng bulaklak. Nagdasal naman kami ng kaunti saka kami nag-kwentuhan doon. Minsan lang kami magawi sa lugar dahil nga malayo at nagkawatak-watak na rin kami. Nang malapit ng lumubog ang araw ay doon palang namin naisipang umuwi.
Habang nasa byahe kami ay nakatulog na ang dalawa sa likod. Hawak ni Ace ang isa kong kamay habang ang isa niyang kamay ay hawak ang manibela. "I talked to Franklin. He agreed about your idea." napatingin naman ako bigla sakanya. "I was just joking. Ace naman niloloko ko lang ang anak natin." natatawa kong sabi kaya napakurap siya ng ilang beses
"But that joke just gave me an idea. Kung ayaw ni Lyra then we can just call off the engagement." sabi niya. "Please daddy don't. I like Alex." napahinto bigla si Ace ng sasakyan dahil sa gulat niya sa anak. Pati rin ako nagulat sakanya dahil akala ko tulog na siya
"Don't do that again." the Ace started cursing when he continued to drive. Umayos naman ako ng upo at hinarap si Lyra. "Lyra, its just a plan okay? Kung hindi kayo mag-click ni Alex atleast we can call it off. Think baby okay?" tinanguan naman ako ng anak namin at umayos ng tabi sa ading niya
Nakarating na kami ng bahay namin at nauna nang lumabas ang dalawang bata. Nanatili kaming dalawa sa loob ng sasakyan. "What happened if we didn't meet seventeen years ago?" tanong ko kay Ace. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito
"I will search for you kahit na ilang zombies ang makaharap ko." tinignan ko naman si Ace at seryoso ito sa mga sinasabi niya "I have this feeling," sabi ko. Tinignan lang niya ako ng taimtim. "This isn't the end yet." lumabas ako ng sasakyan namin. Pumasok ako sa loob ng bahay at sa kwarto na hindi namin pinapapasok ang mga bata
Hinawakan ko ang katana na bigay niya sa akin. "Zombie apocalypse is way over, baby." tama siya. Sinigurado na nila noon na wala nang matitirang zombies sa Pinas. Kaso meron sa pakiramdam ko na meron pa talaga sila. "We just have to be ready Ace." niyakap naman niya ako ng mahigpit.
"Okay, as you wish my love."
Natulog na kami pagkatapos ng eksenang yun. Nagkaroon ako ng panaginip at alam kong nasa loob ako ngayon ng panaginip ko. Nakikita ko si Sharina sa may puntod niya. Tinabihan ko naman siya doon at nagsalita ito ng hindi nakatingin sa akin
"May pamilya ka na Nat. I hope you will protect them." tinignan ko siya ng mabuti "Tama ang hinala mo. This isn't over yet. Brace yourselves Nat. Hanapin mo ang iba!" paglingon niya sa akin ay kalahati ng mukha niya ang naaagnas na. Nagising ako na pawis ang katawan ko at si Ace na kanina pa nag-aalala sa akin
"Ace its not yet over! Hanapin natin sila!" sa taranta ko ay halos matumba na ako. Mabuti nalang at nasalo ako ni Ace or so I thought. "Claire. I'm sorry. I was bitten." tinignan ko ang paligid namin at puro dugo ang nakikita ko. Pinilit kong tumayo at tinignan ang kwarto ng dalawang anak namin. They are all dead!
"Kasalanan mo ito Nat! Sabi ko sayo hindi pa tapos! Nasa ilalim lang sila!" tinakpan ko ang dalawang tainga ko at napaupo ako. "This can't be happening!"
"Claire!" napamulat ako ng mata at nasa corridor ako ng bahay. Nasa harap ko si Ace at ang dalawang bata. Nilibot kong muli ang paningin ko at wala na ang mga dugo. Buhay si Ace at ang mga anak ko. Sa takot ko ay niyakap ko ang mag-ama ko
"I know where to find them Ace. Lets end this," naramdaman kong tumango si Ace sa pagkakayakap ko. Kinabukasan ay pina-evacuate namin ang mga tao. Binuksan namin ang daan papunta sa ilalim ng lupa. Nakita naming madami sila at hindi nga biro na nagtatago sila.
"Last Mission: Project Zombie Extermination,"
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
BINABASA MO ANG
Love Survival
HorrorZombie Apocalypse. Natalie Claire Rivera is a young maiden with a miserable life saved by him. Dark Ace Grimoire a mafia with a kind heart and saved Natalie. Can they save each other during the river of blood thirsty zombies?