🖤21🖤

76 2 0
                                    

Natalie Claire Rivera

Mahigit limang oras ang naging byahe namin papunta sa laboratory ni Dra. Love at medyo malayo-layo pa ito sa bayan. Katabi ko ngayon ang mag-asawa habang si Ace ay nasa front seat kasama ang bruha

"Ms. Nat!" napatingin ako sa lalaki na tumawag sa akin. May itinuturo ito ngayon at nanlaki ang mga mata ko. "Shit!" tanging nasabi ko. Ang daming zombies ang sumusunod sa amin "Ace! May mga zombies na nakasunod. Maiiwan na kami dito at kunin niyo ang dokumento!"

Tumingin ito sa akin. "No. Let the men do this." umiling ako. "No one will lead them. Trust me." tinititigan lang ako ni Ace and I can see disapproving look in him. "Please." he sighed then kissed me in the forehead. "Stay safe." nginitian ko lang siya at hinawakan ang kanyang mukha.

Huminto ang sasakyan at bumaba naman na kami ng ibang kasama ko. Naiwan ang mag-asawa doon dahil priority namin sila. "Be ready to shoot. 3, 2, 1. Now!" nakakabinging putok ng baril ang tanging naririnig namin. Ang iba sa amin ay nag-rereload. Shifting ang pagbabaril

"Ms. Nat hindi sila nauubos!" napansin ko ring paubos na ang mga bala namin. "Bombs!" isa-isa kaming nagbabato ng bomba pero hindi talaga sila nauubos. "Reload as fast as you can. I'll go and distract them." sumugod ako sa mga zombies habang sila ay nag-rereload

May tatlo akong kasama na sumunod sa akin. Naliligo na ako ng dugo ng mga patay na tao at medyo napapansin ko ring nababawasan na sila "Aah!" napatingin ako sa kasama ko at kinakain na siya kaya dalawa nalang kami. "No!" dinig ko sa kabila. Isa-isa ko sila pinagbabaril

"Ms. Nat dapa!" ano ako tanga? Hindi ako dumapa gaya ng sinigaw nila instead ay tumakbo ako pakaliwa para makaiwas sa kanila. Tumulong pa rin ako sa pagpatay ng zombies hanggang sa naubos na rin sila. Kakaunti nalang ang bala namin at medyo malayo na rin ang sasakyan sa amin

"Kaya niyo pa?" tumango naman ang iba habang ang iba ay pagod na. "We need to move or else we all die here," walang nagawa ang iba kundi tulungan ang mga kasamahan na tumayo. Tumulong din ako syempre at sinundan namin ang tire tracks para makapunta sa lugar.

"Ms. Nat, mabubuhay ba tayo pagkatapos nito?" tinignan ko lang ang taong akay ko ngayon. "Oo naman. Tiwala lang tayo sa mga sarili natin na malalagpasan natin ito." sabi ko at nginitian ko siya. Ngumiti din naman ito sa akin.

Mga isang oras na rin kaming naglalakad ng matanaw na namin ang mga truck. Nagliwanag ang mga mukha nila. Binilisan naman na namin ang paglalakad pero nahinto ako nang may marinig akong mga ingay na nanggagaling sa loob ng gusali. "Bilisan natin,"

Ace sana ligtas ka dyan sa loob.

Nang makalapit na kami sa truck ay isa-isa kaming kumuha ng maiinom na tubig. Nadatnan pa nga namin ang mag-asawa doon na may hawak pang mga baril. "Kanina pa sila sa loob. Tanging putok na nga ng baril ang naririnig namin." kwento ni Mark

"Sige po kuya. Susundan ko po sila," tinanguan naman niya ako. "Yung mga kaya pang lumaban sumama sa akin. Ang mga hindi na samahan silang magbantay." pagkasabi kong iyon ay lima lang kami na pumasok sa loob ng gusali. Umaalingasaw ang baho ng mga bangkay sa loob gusali kahit naka-mask na kami

"Bata, matanda, babae o lalaki. Ine-experiment nila? Tao pa ba sila?" tinignan ko lang ang kasama naming nagsabi noon. Nakakaawa sila kung tutuusin dahil may mga future pa sana sila o kami kung hindi nila ginawa ito "Ms. Nat!" sinundan ko ang kasamahan namin na katabi ngayon ang isa sa mga kasama ni Ace

"Patayin mo na ako Clarisse. Hindi ko na kaya at magiging katulad na nila ako," naiiyak ako sa eksenang ito dahil ganitong-ganito kami ni Sharina noon. "Ms. Nat, maraming zombies po ngayon sa loob." nang sabihin niya yun ay umubo siya ng dugo. "Tul...lung...an mo po si...la." nang sabihin niya yun ay nag-iiba na ang kulay niya

Walang choice ang kaibigan nito kaya binaril na niya ang ito habang umiiyak. Pinunasan ko ang luha ko at nag-umpisa nang maglakad. Kailangan kami ni Ace at ng scientist. Sa bawat sulok ng aming dinadaanan ay may mga zombies. Hindi sila nauubos dahil nga dito nagsimula ang lahat

Nagkaroon ng static ang earpiece namin at ibig sabihin noon ay malapit na kami sa kanila. "Ace?" alam kong dinig ng mga kasamahan ko ang pagtawag ko sakanya pero hindi na nila ako tinanong pa. "Claire? Can you hear me?" natuwa ako dahil nadinig nga niya ako

"You need to leave us." parang nadurog ako sa sinabi niya "No. Na saan ba kayo?" naiiyak na ako dahil sa sinabi niya. "Napapaligiran na kami ng zombies and half of my men are dead. We ran out of ammo. We can't afford to loose more." umiling ako. May nadidinig akong mga ingay ng zombies kaya alam ko na kung nasaan sila

"I will save you." sumugod naman na ako kung nasaan sila. Alam kong paubos na rin ang mga bala namin dahil marami rin kaming nakaharap kanina but this won't change na may mailigtas kami. "Damn it Claire!" napangiti nalang ako nang marinig ko siyang murahin ako

"Sinong may mga extrang bala dyan?" tatlo sa kasama ko ang nagtaas ng kamay "Give it to them later," nang makalapit na kami kung nasaan sila Ace ay nakita ko rin ang iba naming kasamahan na isa-isa na ring kinakain at dinig na dinig pa namin ang mga sigaw nila

Mga laman loob, dugo, buto at parte-parte ng katawan ng tao ang nakikita namin sa paligid. Hindi rin nagbibiro si Ace ng sabihin niyang napakarami nila. Halos kasing dami ng unang mga nakasagupa namin. "Remember this. Kapag alam niyong dehado na tumakbo na kaagad. Itali niyo ang mga knife sa may nguso ng baril para habang nagpapalit may panangga."

Lahat sila tumango at ginawa namin ang mga ito. Nauna akong sumugod at sunod sila. Nakita ni Ace ang ginawa namin at may sinabi siya sa mga kasamahan nito. Binigyan namin ng daan ang isa sa mga kasamahan namin upang maiabot ang magazine. Nakuha naman nila ito at tumulong na rin sila

"Very stubborn." malamig na sabi ni Ace pero tumulong na din itong makipaglaban. Isa-isa man kaming nauubos ay lahat ito ay sakripisyo ng ilan. "Start the engine," dinig kong sabi ni Ace. "Copy Primo," naintindihan ko naman ang sinabi niya. Ready to flee na ang peg namin.

"Run as fast as you could!" sigaw ni Ace. Pinauna na niya ang mga kasamahan namin "I can't run faster!" I heard Ace cursed. "Remove your damn heels then run!" nainis ang doktora kaya tinanggal na niya ito at nakatakbo ng mabilis. "Lets barricade this!" sigaw niya. Tumulong naman ang iba sa amin at ito na nga ang nagpabagal sa mga ito

Mabilis kaming tumakbo at nakasakay ng sasakyan. Wala na kaming paligoy-ligoy pa at pinaandar na ang truck. Ang mga naiwan kanina ang bumabaril sa mga zombies ngayon habang paalis kami. Nang medyo nakalayo na kami ay nahinto na rin ang bakbakan

"I thought I was going to die," maarteng sabi ni Dra. Love habang hawak ang dibdib niya. "Ikaw nga ang dahilan kung bakit namatay ang mga kasamahan namin." bulong na sabi ng isang tauhan. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito "Bakit? Ano bang nangyari,"

"Sinigawan ba naman niya si Primo pagkatapos siyang itulak dahil ang landi niya. Muntikan na nga niya halikan si Primo eh," kumulo lalo ang dugo ko sakanya "Do it later. I'm tired," pinatong ni Ace ang ulo niya sa balikat ko

"Damn it!"

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Love SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon