🖤29🖤

79 3 0
                                    

Natalie Claire Rivera

Bumaba na sa chopper si Ace at dali-dali siyang lumapit sa akin at binigyan ako ng yakap. Humaba ng kaunti ang buhok niya. Hinawakan ko ang mukha niya at ngumiti ito sa akin. "I'm sorry I was five years late," nginitian ko lang siya at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi.

"Kambal!" napatingin naman ako sa magkapatid na limang taon ding hindi nagkita. Nagyakapan sila ng mabuti then doon ko na napansin na may humawak sa akin. "Mommy?" binuhat ko si Lyra at nakita ko ang gulat sa mata ni Ace

"Is this?" tinanguan ko si Ace at kinuha naman niya sa akin si Lyra. Noong una ayaw niya pero nagpabuhat din lang siya kay Ace "Are you my daddy?" dahan-dahan namang tumango si Ace at niyakap niya ito. Napansin ko naman ang luha na kumawala sa mga mata ni Ace

Hinawakan niya ang kamay ko at napapunas na rin ng luha. Ibinaba niya si Lyra at lumapit sa akin. "We'll finish this real quick." sumakay ulit sila ng chopper at iniwan kami ni Lyra. Sumama kasi si Frankie sakanila. "Mommy is daddy leaving us again?" umiling naman ako at ginulo ang buhok ni Lyra

"No baby. May tatapusin lang si daddy." tumango naman ang bata at niyakap ako. Umupo kami sa isang gilid ni Lyra at hinintay silang matapos pero inabot na kami ng umaga bago sila bumalik sa tabi namin. "Lets go home baby." binuhat naman na ni Ace ang anak niya bago kami sumakay ng chopper

Ilang oras lang ang naging byahe namin pabalik ng hq. Sa pagbabalik na yun ay marami na ring nagbago. "Ate Nat!" sinalubong ako ng isang dalagang babae "Lippe?" nakangiting tumango ito sa akin at niyakap naman niya ako ng mahigpit. Lumaki na rin pala ang kapatid ko. Speaking of kapatid "Si Luis?" tanong ko.

Tumingin ito kay Ace bago nito binalik ang tingin sa akin "He... is in his room." kagat labing sabi ni Lippe. Tinignan ko naman si Ace at umiwas ito ng tingin. "Sino tong baby girl?" tanong niya pag-iiba ng subject "Tell her your name baby." tinignan lang ni Lyra si Lippe

"My name is Lyra Jae Grimoire," sabay tago sa likod ko. Nanlaki bigla ang mata ni Lippe sa sinabi ni Lyra "Anak mo? Omg I'm your Tita Lippe." tuwang-tuwa naman si Lippe sa anak ko kaya mabilis na lumapit si Lyra sa kanya. Maya't-maya may dumating naman na batang lalaki

"Nat!" natuwa ako bigla nang makita ko si Bloomie kaya nagyakapan kaming dalawa "Shocks namiss kitang bruha ka!" humiwalay naman ito sa akin at pinakita ang anak niya "Ito na siya?" tanong ko naman. Tumango siya sa akin "Hi! My name is Alex." kinurot ko naman ang pisngi niya "Ang cute mo Alex." napanguso naman ito at hinawakan ang pisngi niya

"I'm not cute. Gwapo po ako," sabay walkout niya. Nagulat naman ako sa inasta niya. Parang Bloomie ang ugali "I know what you are thinking, Nat. Please attitude ng tatay niya yan. Not mine," natawa nalang ako dahil alam na niya ang iniisip ko "Ipapakilala mo na ba sa akin ang anak mo na lihim mong hindi sinabi sa akin?"

Napatingin nalang ako sakanya at walang nagawa kundi ikwento sakanya. Kasama ni Ace ngayon ang anak niya at alam kong tatanungin din niya ako mamaya kung anong nangyari at paano kami nagkaroon ng anak. "Pagod kayo sa byahe. You guys should go take a rest na." nginitian ko naman si Bloomie at pinuntahan ang mag-ama ko

"Tara?" hinawakan naman ni Ace ang kamay ko habang ang isa ay occupied sa pagbuhat niya sa anak namin. Habang naglalakad kami papunta sa unit namin ay may mga nagbubulungan. Hindi na ito maiiwasan lalo na't may hawak si Ace na bata. Tiyak makakarating ito agad sa ama niya

"Lyra let's take you a bath na," tinanguan naman ako ni Lyra at pumunta naman na kami ng banyo. Naligo naman na kami pareho. "Mommy are we safe here?" tinignan ko naman ang anak ko dahil palipat-lipat kami noon ng campsite dala ng danger sa lugar

"Yes baby. Daddy is here na kaya we are safe," hindi na nagtanong pa ang anak ko kaya madali kaming natapos "May dinalang damit si Lippe dyan para kay Lyra." sabi ni Ace bago kami iwan sa kwarto. Siya ang pumalit sa amin sa banyo. "Mommy this dress is pretty," sabi niya sa akin habang sinusuklayan ko ang mahabang buhok niya

"Don't forget to thank Tita Lippe later okay?" tinanguan lang naman ako ni Lyra at hindi na sinagot. Lumabas na rin si Ace pagkatapos namin ni Lyra mag-suklay. "Lets eat? Dinner is ready." sabay kaming tatlo na pumunta sa kusina. "You cook?" tanong ko. Ngumiti naman si Ace sa akin

"Ofcourse I cook." hindi na ako nagtanong pa. Tahimik lang kaming tatlo kumain hanggang sa pinatulog na namin si Lyra. Nang makabalik na kami sa sarili naming kwarto ni Ace ay bigla niya akong niyakap. "Tell me. Are you pregnant before the mission started?" hindi ako sigurado pero posibleng buntis na nga ako noon kaya tinanguan ko siya

"We shouldn't have let you then." umiling naman ako sa sinabi niya. "I had no idea that I was pregnant that time. Isa pa nalaman ko nalang nang bigla nang lumobo ang tyan ko. Ang team captain pa namin ang nagsabi na buntis ako ng mga oras na yun." umupo naman ako sa gilid ng kama namin at nakatingin sa labas ng bintana

"Hindi rin biro ang pinagdaanan namin ni Lyra. Madalas kaming naging target ng mga zombies dahil hindi ko alam paano patahanin si Lyra tuwing umiiyak siya," naiiyak kong sabi. Madami kaming pinaghirapan at hindi ko yun pinagsisihan. "I'm sorry," yan lang ang tanging nasabi ni Ace sa akin

"What happened to Luis?" tanong ko. Umiwas siya ng tingin "He... got his arms off." nanlaki ang mga mata ko. "How?" tumayo ito at lumapit sa akin. Hinawakan ako sa kamay at pinaupo ako sa gilid ng kama. Lumuhod naman ito sa akin "He was bitten by a zombie. It was unexpected. Yung kasama namin ay infected and never told to anyone. Si Luis ang una niyang victim."

Tumayo ito at lumayo sa akin. Kumuha ito ng baso at nagsalin ng alak saka ininom. "He told me to cut his arms where he was bitten. Even it cost him to loose his dream. Gusto pa niya kayo makasama. That's why." napayuko nalang ako. He loved archery because it was his father who taught him

"I can't see him?" tumango naman siya. "Akala ko ba gusto niya kaming makita then why I can't see him?" tumayo si Ace bitbit ang baso niya "Because he doesn't want to for now. Hindi pa din siya nakikita ni Lippe. Give him some time Claire." I sighed in defeat. Humiga ako sa kama at nakatingin lang ako sa kisame

"No. I will see him tomorrow morning." hiniga ko na ng mabuti ang sarili ko. Naramdaman ko namang lumubog ang kabilang side ng kama. "Do what you want then," he turned off the lights then hugged me. "Good night Claire,"

Nang maramdaman ko nang medyo nakatulog na si Ace ay tumayo ako at dahan-dahang lumabas ng unit namin. Sinubukan kong hanapin si Luis at hindi na ako nahirapan pa. Nakita ko siya sa training room at wala na ang isang kamay. "Luis?"

"Go away!"

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Love SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon