🖤27🖤

78 2 0
                                    

Natalie Claire Rivera

Nasa training room kami ngayon kasama ko ang kambal, si Ace at si Luis. Nasa gilid naman si Bloomie kasama si Lippe. Nanonood lang sila ngayon kay Luis dahil tinutulungan siyang mas lumakas.

"Again!" sigaw ni Frankie. Tagaktak na ang pawis ni Luis pero hindi lang siya dahil hindi rin ako pinapatawad ni Ace sa training. Kaya ko na ang sarili ko pero para sakanya hindi pa dahil sa nangyari sa amin noon nila Leo. He is damn pissed before

"Is that all you can do Claire? Si Rei nga noon mas malakas pa sayo noong tinuruan ko." tinignan ko siya ng masama dahil pumasok ang pangalan ni Rei. Tumayo ako at tinulak ko siya pero hindi ko nagawa. "C'mon Claire think. How will you save me from her when you are this weak?" naiiyak na ako sa sinasabi niya pero mas umapaw ang galit ko

Puro masasakit ang sinasabi sa akin ni Ace na hanggang sa nagdilim ang paningin ko ay naitulak ko na siya at nasapak ko. Nagising nalang ako nang makita kong dumudugo na ang labi niya at hawak na ako ng kambal. "I'm okay." sabi ni Ace habang tinutulungan siya ng mga tao. Lumapit ito sa akin at binitiwan na rin nila ako

"Okay ka lang?" sabi ko habang hawak ang mukha niya. "It hurts damn much!" galit niyang sabi sa akin. Napanguso tuloy ako "You provoked me and that's what you get asshole." sabay irap ko sakanya. I heard him chuckle though.

"I'm sorry okay? Treat my wound then." tinignan ko naman siya. "Tara," kako pero pinigilan naman niya ako. "Where are we going?" tanong niya habang nakataas pa ang kilay. "Sa infirmary?" balik ko sakanya. Umiling naman ito "Just kiss me okay na 'to," sabay turo sa may labi niya.

Inaasar naman na kami ng mga tao kaya sinamaan ko ng tingin si Ace at pabirong sinuntok sa tyan. "Tara na sa infirmary okay?" wala na siyang nagawa kundi nagpatangay nalang sa akin. Instead of going to the infirmary ay pumunta nalang kami sa unit namin at doon ko ibinigay ang gusto niya.

Medyo gabi na ng magising kaming dalawa. Kumalam na din ang sikmura namin at wala na akong oras para magluto kaya nag-shower lang kami at dumeretsyo na ng cafeteria. Nadatnan pa nga namin doon ang mga kaibigan namin ni Ace.

"Hindi na kayo bumalik kanina ah?" pangbibiro ni Frankie sa amin. "Alam na natin ang nangyari dyan kambal. Nagjack-en-poy din sila." at nagtawanan sila sa lamesa "Diba po laro yun?" inosenteng sabi ni Lippe. Naalala nila bigla na may bata silang kasama kaya pareho silang namutla then the ending ay pinagbabatukan sila ni Bloomie

Nanahimik ang lahat ng biglang tumunog ang speakers sa loob ng cafeteria "Team leaders please proceed to the lab now. Thank you," napairap nalang ako nang marinig ko ang boses ni Dra. Love "Babalik din kami agad." hinalikan ako ni Ace sa noo bago siya umalis

"Nakakainis naman!" napatingin kami kay Bloomie. "Masyadong wrong timing ang pregnancy ko! I want to join the fight too!" natawa nalang ako sa sinabi niya. Akala ko naman na kung ano. "God has plans for you. Isa pa uuwi naman kami ng ligtas." napanguso naman ito na parang hindi nagustuhan ang sinabi ko

"I'll just miss him and he won't see this child be born." hinawakan ko ang kamay niya at nginitian siya "Atleast he would get to see him grow," sa sinabi kong yun natuwa si Bloomie. "Atleast you got a point. Thanks Nat," and this time nginitian na ako ni Bloomie

Nag-kwentuhan pa kami ng kaunti bago namin naisipang bumalik na sa mga unit namin. Una naming hinatid si Bloomie at nag-stay muna ako sa unit ni Luis at Lippe. "Ate Nat. Do you think I can do this?" napatingin ako kay Luis na ngayon ay nakahiga na sa bed niya. Katabi ko kasi ngayon si Lippe at pinapatulog na siya

"Ofcourse you can. Bakit?" umayos ito ng higa at ngayon ay kaharap ko na siya. "To tell you the truth I'm actually scared. Lahat nang nangyari sa atin noon felt unreal to me. Isa pa ang daming what if's ang bumabagabag sa akin." tumayo naman na ako sa kinahihigaan ko at tumabi sakanya

"Fear what makes you normal, Luis. Isa pa Kuya Ace will protect you for me." umiling din ito "That is one of my what if's ate. What if Kuya Ace regret choosing me. What if kuya blames himself for not protecting you? What if---" tinakpan ko ang bunganga ni Luis dahil puro negative nalang sinasabi niya

"Puro ako nalang ang what if mo!" nakanguso kong sabi. Tinanggal naman niya ang kamay ko sa mukha niya. "That's my point ate. You are so defenseless. Isa pa hindi lang ikaw ang what if's ko. Ang last na what if ko ay yung what if hindi na ako makabalik ng buhay." ginulo ko ang buhok ni Luis dahil sa sinabi niya

"I told you. Ace will protect you for me. He chose you for me." hinawakan ni Luis ang kamay "Ate Nat promise us na you will live okay? Ikaw ang best na regalong natanggap namin ni Lippe and we don't want to lose you like we did to our parents." malungkot niyang sabi. Niyakap ko naman si Luis "I promise. Sige na matulog ka na rin. I know you're tired too. I'll just lock the door."

Pagkatapos kong ayusin ang mga pwedeng maayos sa unit nila ay umalis na din ako at bumalik sa unit namin ni Ace. Pagbalik ko doon ay nandoon na rin siya. "Done checking your siblings?" tinanguan ko naman siya saka siya dinaluhan sa sala na nanonood sa tv ngayon

"Yeah. Luis is scared by the way," umayos si Ace at humiga siya sa mga hita ko. "Who won't be? Its his first mission without you." huminga ako ng malalim saka ako napatingin sa veranda namin. "It is," naramdaman ko namang nakatitig si Ace sa akin ngayon

"You're scared too," binalik ko ang tingin ko sakanya. "For him? No, kasi I know you'll be there for him." sabay ngiti ko pero umiling si Ace. "For yourself," doon ko na rin napansin na ang kabang tinatago ko. Dahan-dahan akong tumango sakanya. All this time hiram lang ang tapang ko. I just borrowed the confidence and braveness of Sharina

Niyakap ako ni Ace at doon na lumabas ang bigat ng nararamdaman ko. I'm just getting emotional. "You'll be fine, Claire. I promise you." tinanguan ko lang si Ace at pinunasan ang luha ko. "I may not be with you during that mission but please be brave and protect yourself. Promise me," tuloy pa rin ang pagbuhos ng luha ko

"I promise," hinalikan ni Ace ang singsing na bigay niya sa akin. "I promise to protect Luis in your place." napangiti nalang ako doon. "Thank you Ace. Ikaw ang best thing na dumating sa buhay ko." he just smiled at me "Inunahan mo ako. I was supposed to say that. Claire, you are the best thing happened to my life. I love you baby,"

"I love you too,"

~•~•~•~•~•~•~•~•~

Love SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon