🖤16🖤

76 2 0
                                        

Natalie Claire Rivera

"Claire wake up!" napamulat ako at nakita ko si Ace sa tabi ko. Nilibot ko ang paningin ko at napansin kong andito kami sa lugar kung saan ko siya huling nakita noong bata kami "Okay ka lang?" umiling naman ako "Hindi safe dito! Diba may zombies?" nagulat naman ako ng bigla itong tumawa

Nainis naman ako saka siya pinalo "Anong nakakatawa?" umiiling ito habang tumatawa "Zombies don't exist, Claire. Nasa movies lang sila. What are you talking about?" kumunot bigla ang noo ko "Stop thinking about zombies baby. Look at me. Aren't you happy na kasama mo na ako ulit?"

"Masaya ako. In fact I missed you so much." sabay niyakap ko siya ng mahigpit "I love you Claire," sabi nito sabay hiwalay niya sa yakap namin saka ako binigyan ng isang matamis na halik. I wish time would stop at makasama ko si Ace ng ganito.

"Nat!" napalingon naman ako agad dahil namiss ko ang boses na yun. Napangiti ako ng makita ko siya "Sharina!" mabilis akong tumayo at niyakap siya "I miss you so much," hinigpit ko pa ang yakap ko pero tinulak niya ako

"Wake up Nat! This is not your place. Leave!" pagkasabi niyang yun ay biglang nag-iba ang lugar. Nakatayo ako ngayon sa harap ng bahay namin nila Ekay at nakangiti silang mag-ina sa akin which they don't normally do kaya napakunot ang noo ko

"Halika na Nat pasok na tayo. May mga chika ako sayo," hindi na ako nakasagot dahil bigla akong hinila ni Ekay papunta sa kwarto niya pero mabilis akong huminto "Bakit?" tinignan ko lang siya ng may pagtataka sa mukha "Hindi mo ako pinapapasok sa kwarto mo." nagulat pa ako ng bigla itong natawa

"Kwarto mo ito, Nat. Halika na nga!" sabay hila sa akin pero may humila sa kabilang kamay ko at ang sama ng tingin na tinatapon ni Ekay sakanya kaya tinignan ko ito at nagulat akong andito din si Rina. "Nat you need to wake up! Luis and Lippe needs you!" kumunot ang noo ko. Sino ang mga batang yun?

Wait. Patay na si Ekay dahil binaril siya ni Ace! Patay na rin si Rina dahil ako ang pumatay sa kanya! Nasa apocalypse kami! "Ate Nat!" mabilis kong naimulat ang mga mata ko at na-realize na pawis na pawis na si Luis "Ate Nat! Napapaligiran na tayo ng zombies!"

Agad akong napatayo at sumilip sa may bintana at hindi nga siya nagbibiro. "I'm sorry." napatingin naman ako sa batang humihila ng laylayan ng damit ko. "Why?" mahinang tanong ko "I played." naiiyak niyang sabi. Niyakap ko nalang siya

"Pack up, Luis. We need to go." sinilip ko ang likod ng bahay at iilan lang ang zombies doon kaya isa-isa kong pinatay ang mga ito saka kami patakbong lakad para makaalis sa bahay na yun kaso bago kami makalayo ay may natanaw kaming grupo ng zombies.

"Ate Nat. What should we do?" ano nga ba?! Nat mag-isip ka! Habang ako ay nag-iisip ng paraan ay may isang sasakyan na huminto sa harap namin. "Get in! Quick!" Agad namang pumasok si Luis sa front seat habang kami naman ay sa likod. Mabilis pinaharurot ng lalaki ang sasakyan

"I'm Nathan by the way." sabi niya habang nakatingin sa rearview mirror niya "Luis po then the two ladies are my sisters. Nat and Lippe." sagot ni Luis habang nakatingin sa harap "So saan ang punta niyo?" sunod niyang tanong

"Sa Hq ng mga Grimoire." seryosong sabi ko na ikinabago ng kanyang aura "They won't let people in." ramdam sa boses niya ang galit habang sinasabi ang mga iyon "No. In fact we are rescuing people." tinaasan naman niya ako ng kilay

"Rescuing? Tapos ngayon mo lang sasagipin ang dalawa mong kapatid?" parang nasampal ako sa sinabi niya "Nahiwalay ako sa kanila. That's the reason! Isa pa I'm thankful na buhay sila!" he just gave me a grin that sends chills in my spine "Don't be rude." naiinis na sabi ni Luis

"I'm not. Dadalhin ko muna kayo sa safe place ng ibang survivors." hindi na kami umimik pa at hinayaan nalang namin siya na idala kami sa lugar na sinasabi niya. The road is not familiar to me though pero unti-unti din. Gabi na ng marating namin ang lugar na sinasabi niya sa amin.

"Welcome to our safe place." bumaba naman na kaming apat sa sasakyan. Halos lahat ng tao ay nakatingin sa amin. "Guys! Listen up! This one is Nat, this one is Luis and Lippe. They are siblings. Give them a warmest welcome. Thank you!" ngumiti naman ako sakanila pero walang ngiti sakanila

"Hi ako si Gabby. Hali kayo." sumunod naman kami sakanya. Pumasok kami sa isang tent at itinuro ang upuan sa tabi. Umupo naman kami pero alerto pa rin ako sa mga bagay na pwedeng mangyari sa amin. "Wala akong masamang gagawin sa inyo. Halina't kumain kayo," lumapit naman kami at napansing halos kakaunti nalang ang pagkain

"Ubusan na kasi ng makakain dito sa amin. Hindi ko alam kung paano kami mamumuhay sa susunod pa na mga araw." malungkot niyang sabi. Nagkatinginan naman kami ni Luis at sabay kaming tumango. Nilabas naman ni Luis ang isang balot ng tinapay sa bag niya "Ito po pangdagdag ng makakain." sabay abot niya sa babae

"Salamat." napangiti naman siya at halos naiiyak na rin. Matapos naming kumain ay lumabas muna ako ng tent ni Gabby para magpalamig. "Want to see something?" sa gulat ko ay hindi ko sadyang naitumba si Nathan sa buhangin "Chill! Ako lang to!" mabilis akong tumayo at nagpagpag

"That hurts you know!" tayo din niya at pagpag sa sarili. "So as I was saying. Do you want to see something?" napatango nalang ako saka siya sinundan. Naglakad lang kami ng kaunti saka siya may binuksan na pinto. Mabilis akong napatakip ng ilong dahil ang baho sa loob.

"Anong meron dito, Nathan?" hindi siya umimik instead he opened some more lights. Nagulat ako sa nakita ko. It was a living zombie! "Bakit may tinatago kayong zombie dito?" aaminin kong medyo nakaramdam ako ng sobrang kaba at takot! "She's my girlfriend." malungkot niyang sabi. Umiling naman ako

"Was your girlfriend, Nathan. She's already dead." umiling ito sa akin. "Go back." dinala mo ako dito tapos magagalit ka. Tsk. Tinalikuran ko na siya pero tinignan ko ang siya muli at nagulat ako ng halikan niya ito. Nagulat ako kaya mabilis akong umalis dahil hindi ko masikmura ang nakikita ko

"Saan ka galing ate?" nilingon ko si Luis at nakitang kong humihingal siya. "Anong nangyari?" bigla akong kinabahan dahil sa itsura niya "Nilalagnat si Lippe." mabilis kaming bumalik sa tent ni Gabby at nakitang binabantayan niya ang bata.

Mabilis kong nilapitan si Lippe at hinawakan ang kamay niya "Ate?" nginitian ko naman siya at tumango "Yes. Ate is here," naiiyak ako dahil hindi ko alam ano ang gagawin. Ngayon ko lang muling naramdaman ito simula ng iwan ako ni Sharina.

"Kailangan niya ng gamot." nilingon ko naman si Luis. "I'll go find one." seryoso kong sabi. "May botika malapit sa safe zone. Kaya mo ba?" tumango naman ako. Tatayo na sana ako ng pigilan naman ako ni Lippe "Ate here ka lang." lumapit na si Luis sa amin

Tinignan ko si Luis at tumango naman ako. "Ate needs to get you meds, Lippe. Kuya is here for now." tumango naman ang bata. Binitbit ko na ang katana ko at kinuha ang arrows ko. Paglabas ko ng tent ay nagulat akong makita si Nathan sa gilid "Lets go." sinundan ko nalang siya at sumakay ng sasakyan

Pinalabas naman na kami ng gate keeper. Tahimik lang kami sa byahe. Hindi ko alam kung paano kakausapin si Nathan. Ang akward kasi. "Hey mag-salita ka naman." natatawa niyang sabi. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Ano naman ang sasabihin ko?" nakangiti itong umiiling

"May boyfriend ka na?" bigla ko tuloy naalala si Ace. Kamusta na kaya siya? I miss him already "I'm assuming na meron nga." tinignan ko lang siya saka binalik ang tingin sa bintana.

Hindi na kami nag-usap pa. Napansin siguro niyang ayaw ko. Ace do you still believe that I'm alive?

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Love SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon