🖤9🖤

105 4 1
                                    

Natalie Claire Rivera

~8 years ago~

"Ace maglaro muna tayo ng matagal please?" kasama ko ngayon si crush. Ace lang ang alam kong name niya dahil ayaw niyang sabihin sa akin ang buo "Claire, let's stop. Magagalit nanaman ang tita mo" sabi niya habang nakahiga sa ilalim ng puno

"Kasi naman Ace mamaya puro trabaho nalang ang gagawin ko. Hindi naman ako pinagbibigyan ng tita ko na maglaro lalo na din yang si Ekay! Lagi niya akong inaaway. Ikaw nga lang kaibigan ko" nakasimangot kong sabi. "We will play then pero saglit lang ha? I still need to go home. Tumakas lang din ako" masaya naman akong tumango

Naglaro pa kami ng ilang oras ni Ace at hindi namin namalayan ang oras kaya sinamahan niya akong umuwi sa bahay "Don't worry Claire. I will protect you no matter what okay?" tinanguan ko naman si Ace sa sinabi niya kaya pagbukas ko ng pinto ay isang malutong na sampal ang dumampi kay Ace. Hinarang niya ang sarili niya sa akin

"Sino ka? Bakit mo pinagtatakpan ang pamangkin ko? Umalis ka nga dyan" tinulak ni Aunty si Ace kaya bigla siya nagkaroon ng sugat sa siko. Mabilis ko naman siyang nilapitan "Okay ka lang Ace? Hindi ka nalang pala sana sumama" naiiyak kong sabi. "I told you. I'll protect you no matter what happens"

"Sorry po kung ngayon lang nakauwi si Claire. Sinama ko po siya sa mga laro ko. Hindi na po mauulit" yumuko si Ace at ganoon na rin ang ginawa ko "Sorry po Aunty. Hindi na po mauulit" pinikit ko ang mata ko nung mapansin kong lumalapit siya sa amin pero napatingin ako sa sasakyan na kadarating lang

Sinundan ko sila ng tingin at itinapon sa mukha ni Aunty ang pera "This is a compensation for hurting the young master" kinuha nila si Ace pero nahawakan ko ang kamay niya "I'll be back, Claire and I will always protect you" yun ang huling mga salita ang narinig ko mula kay Ace

Tatlong taon na ang nakalipas simula nang magkahiwalay kami ni Ace. Hindi na nga kami nagkikita pa. Namimiss ko na siyang kausapin. Aaminin kong bata palang ako pero may gusto na ako sakanya. "Natalie! Dalian mo. Ang gwapo ng bagong lipat na lalaki sa tapat ng bahay natin" sinilip ko naman ang tinutukoy niya

Nanlaki ang mata ko ng mapansing halos kahawig ni Ace yung lalaki pero ang cold ng aura niya kaya imposibleng siya yun. "Hi! My name is Ekay. You are?" inabot ni Ekay ang kamay niya pero tinignan niya lang yun saka tumingin naman sa akin. Kinilabutan ako dahil sa tingin niya "Dark Ace Grimoire" pagkasabi niyang yun ay tinalikuran na kami

"Crush ko siya kahit na ang cold" sabay balik niya sa bahay. Nakatingin lang ako sa bahay ni Dark Ace. Kapangalan lang niya yun, Nat. Imposible talagang si Ace yun. Seryoso man siya pero mabait siyang tao hindi snob tulad niya

~Present Time~

Nagising akong nakahinto na ang sasakyan at wala sila sa loob. Iniwan na kaya nila ako? Lumabas ako ng van at nakita ko si Dark na nakahiga sa may ilalim ng puno. Naalala ko bigla si Ace, nilapitan ko naman siya. Hindi ko alam anong gagawin ko pero isang try lang naman diba? "Laro tayo, Ace?" hindi siya umimik

Umupo nalang ako sa tabi niya "We can play now. Since wala ng magagalit sayo right?" nanlaki bigla ang mata ko dahil akala ko tulog siya "Ikaw ba si Ace?" nahihiyang tanong ko. Umupo na siya at ngayon ay nakaharap na sa akin "What's my name?" nagtataka akong tinignan siya pero ngumiti lang ako

"Dark Ace Grimoire" biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung ngumiti siya "Then I'm Ace. It's nice to see you again, Claire" parang gusto kong maiyak. Limang taon ng nasa harap ko si Ace! Yung taong hinahanap-hanap ko "Bakit hindi mo ako sinabihang ikaw yan? Bakit bigla kang umalis?"

Hinawakan niya ang kamay ko "I told you I'll protect you always no matter what happened but how can I do that if I'm too weak? That's why I needed to leave you for 3 years" naluluha na ako "Pero bakit hindi mo ako nilapitan nung bumalik ka?" bumuntong hininga siya "I thought you were fine without me that's why I never approached you"

"Still you should. Hindi porque dumating si Sharina sa buhay ko ay wala ka na doon. You always have a place in my heart" hinawakan niya ang mukha ko "I'm sorry" hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na yakapin pa si Ace "I missed you" then suddenly I realized my words

"I'm sorry hindi ko pala dapat ginawa yun" nahihiya na ako. Tumayo na ako para bumalik ng van pero bigla niya akong pinigilan at hinila pabalik sakanya at niyakap niya ako "If its you okay lang" pulang-pula na ako dahil sa posisyon naming dalawa

"Lovebirds next time na yan" sabi ni Franklin habang hawak si Yesha kaya naitulak ko si Ace "Hi" nilapitan ko si Yesha pero bigla itong nagtago sa likod ni Franklin "Hello" I just smiled

"Yesha this is Natalie. Claire this is my half sister Yesha" tinignan ko lang si Ace pero wala halong galit sa kanya. Alam siguro niya itabi ang galit niya sa mama ni Yesha "Ate Natalie. Sorry po sa ginawa namin ni mommy" namumula ang tenga niya habang sinasabi yun sa akin

"Claire come" inabot ko ang kamay ni Ace dahil nakalahad ito. Pumasok kami sa loob ng kakahuyan. Gusto ko man magtanong pero hindi ko na ginawa pa dahil panatag ang loob ko sakanya "Wow" ang ganda ng lake. "Bakit mo ako dinala dito?" nilingon ko siya at namula ako dahil nakatingin ito sa akin

"I just want to" nakangiting sabi niya. "Claire, I don't want to let go of you. Narinig ko lahat ng sinabi ni Paula. Stay and don't leave my side so I can always protect you" nagulat ako kasi narinig niya pala lahat ng pinag-usapan namin ng mommy niya. Akala ko tulog siya ng mga oras na yun

"Claire?" I just gave him a smile "Hindi ako aalis sa tabi mo dahil alam ko namang hindi mo ako hahayaang umalis hindi ba?" natawa nalang siya sa sagot ko saka ginulo ang buhok ko "I wonder kung yan ang sasabihin mo sa akin if only you don't know who I am" natawa nalang din ako dahil for sure hindi rin yan ang sasabihin ko

"Let's go back, Ace" tumango naman siya at hinawakan ang kamay ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Siguro mahal ko na si Ace. Mabilis naman siguro pero siya lang din ang naiisip ko simula nang makilala ko siya "What are you thinking, Claire?" tinignan ko naman siya

"Thinking how I've fallen for you all these years" bigla akong namula nang marealize ko ang sinabi ko "I mean--- nevermind please forget what I said" bumitaw na ako sakanya at akmang tatakbo na ng bigla niya ang hawakan at may binaril siya sa likod ko. Mabilis akong napalingon doon at nakitang may zombie na nakahiga na sa lupa

"What were you saying again?" napakurap ako ng ilang beses at parang nakahinga ako ng mabuti dahil hindi niya narinig ang sinabi ko "Tayo na?" kumunot ang noo niya "Wala pang tayo Claire, I still want to court you properly" nagulat ako sa sinabi niya kaya natawa ako

"Na-misinterpret mo ako, Ace. Ang ibig kong sabihin bumalik na tayo dahil baka meron nang zombies ulit doon" this time ako na ang humawak ng kamay niya at hinila siya pabalik. "Let's go!"

~•~•~•~•~•~•~•~•~

This one is dedicated to a good friend of mine AkuJanice . Arigatou!

Love SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon