Natalie Claire Rivera
After two weeks of preparation ay ito na ang araw na magaganap ang big project ng government at mafia Grimoire. Risky pero para sa sambayanan. "Ang init naman nito," reklamo ni Frankie. Natawa nalang ako dahil kahit ako na naka-sando nalang ay naiinitan ako sa suit na pinasuot nila
"Ate Nat help me fix it," tinulungan ko naman si Luis sa suit niya. Busy kasi si Ace nagbri-briefing sa team niya. "Nat, tignan mo yung kambal ko. Napaka-mature na niya ngayon." napatingin ako sa lugar kung saan nakatingin si Frankie ngayon. "You loved her first." pagkasabi kong yun ay lumingon si Frankie sa akin
"But he loved her more." I saw pain in his eyes after that ay iniwan na niya ako. "You shouldn't have said that ate." sinilip ko si Luis sa loob ng suit niya at iniwas niya ang tingin niya sa akin "May alam ka tungkol sa kanila ah?" nang sabihin ko yun ay nagbuntong hininga si Luis before nodding
"I just found out you know. Anyway thanks ate. Balik na ako doon." hindi na ako nakasagot pa dahil umalis agad si Luis. Nakapag-paalam na rin lang kami kay Lippe kaya wala nang problema. Paalis na rin ang team ko kaya sumakay na rin lang ako ng truck namin. Bago ako makaupo ay may humila sa akin kaya nakalabas akong muli ng truck
"Aalis ka ng hindi nagpa-paalam?" sabay tinaasan pa ako ng kilay. Napangiwi nalang ako dahil ang lamig nang boses niya "Busy ka," sabi ko pero tanging tingin lang ang ibinibigay niya sa akin. "Fine. I'm sorry. Aalis na kami Ace. Bye?" he just sighed to me before giving me a hug
"I can't kiss you because of this damn suit so I'll just give you a hug. Don't forget your promise okay?" niyakap ko din siya pabalik "Yes. I love you," this time nakasakay na ako peacefully sa truck namin. I just waved to him before going. I'll be missing this man.
Mabuti nalang at ang ride namin ay sa dating hq. We didn't have to cross the body of waters. Ang first task namin ay to clear the Islands of Luzon. Visayas ang place ng kambal at sa Mindanao sila Ace. This project is very big and it amounts of plenty man power. Kaya susubukan naming matapos itong project sa makakaya namin.
"Team. Be alert and on-guard." sabi ng team captain namin. I was once like that pero hindi na ako pinayagan ni Ace. This will be a long journey and the next time we meet malamang matanda na kami ni Ace.
5 years passed...
"Malapit na tayong matapos Ms. Nat," nakangiting sabi ng kasama ko. Masasabi ko na ding malapit na kami matapos. Tumulong na kasi ang ibang team sa amin na galing sa Visayas. Mission complete na sila within three years.
"Asan na si baby Lyra?" tanong nila sa akin. Hinanap ko naman agad ang anak ko pero agad ko din itong nakita sa bisig ni Frankie. "Mommy!" mabilis kong nilapitan si Frankie at Lyra. Binaba naman ni Frankie ang bata at ako naman ay hinanda na buhatin siya kapag nakarating na sa akin
"Mommy, bad papa." napatingin naman ako kay Frankie. Lagi kasi niyang binibiro si Lyra tungkol sa daddy niya. "I'm sorry okay? Isa pa this time you'll see daddy soon." nakatingin naman sa akin ang anak ko saka ko naman siya tinanguan
Dinala ko na si Lyra sa tent namin at inihiga ko siya doon. Sa loob ng limang taon hindi ko inexpect na mabubuntis ako during the mission. Napansin nalang ng team captain namin nang medyo lumalaki na ang tyan ko. "Mommy is papa telling truth?" tinitigan ko si Lyra hanggang sa tumango ako sakanya.
Pinatulog ko muna si Lyra bago lumabas ng tent. Sa una nahirapan akong alagaan si Lyra with our surroundings. Wala siyang proper na damit at ofcourse siya ang dahilan kung bakit parati kami napapalaban sa zombies. I was relieved from work for a year at hindi naman ako makabalik sa hq since napaka-risky na rin
Ngayon si Frankie ang bantay ni Lyra or sometimes si Frankie ang kukuha ng shift ko. Wala rin akong balita kay Ace at wala kaming communications. Hindi ko na nga din alam kung kamusta na sila ni Luis doon.
"Tulog na?" napalingon naman ako kay Frankie. "Oo." nakangiti kong sabi. Tumabi naman ako sakanya at inabutan naman niya ako ng kinakain nito "Malaki na din siguro ang anak ni Bloomie." sa tagal naming magkasama ay hindi pa niya in-open ang topic na yan. Siguro ngayon lang
"Oo naman. Malaki na rin ang anak nila." narinig ko naman siyang bumuntong hininga. "I loved her first pero mahal nila ang isa't-isa kaya pinaubaya ko na sakanya," tinapik ko naman ang balikat niya. "Makakahanap ka pa ng mas mamahal sayo." ngumiti naman ito ng malungkot sa akin
"Nat! Alert the people! May big group of zombies ang parating. Hindi namin alam kung saan sila galing!" natakot ako bigla sa balitang dala ng team captain namin. Agad akong naghanap ng mga taong masasabihan para masabihan din ang iba. Sobrang kaba ang nararamdaman ko dahil sa loob ng limang taon ngayon lang ito nangyari
Matapos kong ipagsabi ang balita ay pinuntahan ko agad si Lyra. Nadatnan ko pa doon si Frankie na tinatali si Lyra sa likod niya. "Kaya mo bang lumaban na meron siya likod?" ngumiti naman ito at tumango sa akin "Magaan pa naman si Lyra. Kaya ko pa." nag-ayos na ako ng sarili ko at nauna na kaming lumabas. Kami ang frontliners
"Ang dami nila," sabi ng isang kasama namin. Mas dumoble ang kaba ko doon at hindi na ako makapakali sa kinauupuan ko. "Get ready." sa sinabing iyon ay hinanda ko na rin ang baril ko. Sana kayanin din namin ang apocalypse na ito. This would be the last wave
Tuloy-tuloy ang tunog ng putok ng baril. Halos isa-isa ding natutumba ang mga ito. Akala namin tapos na pero laking gulat namin nang bigla silang dumami at hindi namin sila halos mapatumba pa. Nauna nang tumakbo ang iba kahit na sumisigaw ang team captain namin. Tuloy pa rin ang putukan pero hindi ko na rin kinaya pa
"I'm sorry," isa-isa nang kinain ang mga kasama namin. Tumakbo na ako pabalik at nadatnan ko si Frankie na nakikipaglaban na rin at nakatakip ang mata ni Lyra. "Frankie. They are all dead." hinawakan naman ako ni Frankie at sabay na kaming tumakbo.
Nagtago kami sa isang building at umakyat sa tuktok nito. Hinarangan namin ang pinto para hindi makapasok ang mga zombies. Tinignan namin ang ibaba at puro patay na kasamahan na namin ang naiwan. "This mission is failed," sabi ko sa kawalan. Niyakap naman ako ni Frankie paside.
"Mommy are we going to die?" tinanggal ko ang piring ni Lyra at ibinaba ko siya sa likod ni Frankie "No, baby. We will live. I promise." sabay tingin ko kay Frankie na umiiling na ngayon. "I hate to say this but I do not know." mas marami kasi ang zombies. We were outnumbered.
"Is daddy going to save us?" naibalik ko ang tingin ko kay Lyra at hindi ko alam ano ang isasagot ko sakanya. "To tell you truth baby. I don't know if your daddy is still alive." napansin ko naman na lumuluha na ang bata. Hindi ko na rin naiwasan ang maluha.
"We will survive. Think positive." nag-group hug naman kami at agad ding napahiwalay nang marinig namin ang tunog ng helicopter. Napa-angat kami ni Frankie ng tingin at iyak na may tawa ang nagawa ko "Speak of the devil!"
"Are we late?"
~•~•~•~•~•~•~•~•~
BINABASA MO ANG
Love Survival
HorrorZombie Apocalypse. Natalie Claire Rivera is a young maiden with a miserable life saved by him. Dark Ace Grimoire a mafia with a kind heart and saved Natalie. Can they save each other during the river of blood thirsty zombies?