Natalie Claire Rivera
Nagising ako sa sikat ng araw na dumampi sa pisngi ko. Tinignan ko ang katabi ko at mahimbing itong natutulog. Bumango naman na ako at isa-isa kong pinulot ang mga damit kong nakakalat sa floor at pumunta na ako ng banyo para gawin ang morning routines ko. Pagkatapos kong gawin ito ay nagluto naman na ako ng breakfast namin
"Good morning." sabi ni Ace sabay yakap sa akin patalikod. Amoy bagong ligo din ito kaya napangiti ako "Good morning. Lets eat na?" bumitiw naman na ito sa akin at umupo na sa usual chair niya habang ako ay nilalagyan na siya ng pagkain niya. "Are you free today?" panimula niya
Ano bang gagawin ko ngayon? Nah! Wala naman na akong pinagkaka-abalahan this days "I have plenty of free time," sabay ngiti ko sakanya. Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa "Lets have a date then." natuwa ako dahil ito ang unang date naming dalawa
Sa loob kasi ng dalawang taon hindi kami nagkaroon ng quality time. Naging busy kami sa maraming missions such as saving survivors, finding resources, quarantine people na exposed sa air ng apocalypse and many more. Ngayon nga lang na taon medyo nag-settle down ang missions namin
"I'd love that idea." kumain muna kami ni Ace ng breakfast bago kami nagbihis ng panglabas namin. Hawak kamay kaming lumabas ng unit namin at hindi na namin pinansin ang mga taong nakakakita sa amin na magkahawak kami ng kamay. "Saan ba tayo una?" tanong ko sakanya.
"Kahit saan as long as I'm with you," kinilig naman ako sa sinabi niya kahit medyo luma na ang banat na yun. Iba pa rin ang pasok nun kapag mahal mo ang nagsabi. "Sige. Doon muna tayo sa ibang stalls sa market." dinala ko siya sa lugar kung saan madalas kami ni Lippe
Wala naman halos makita dito dahil wala pa namang entertainment areas. Ang buildings dito ay prioritize palang at syempre yung mga needs ng mga tao muna. "This look good on you," sabay pakita niya sa akin ng dress. Umiling naman ako dahil hindi ko hilig ang mag-suot nito pero natawa nalang kami pareho
Nag-ikot pa kami ng kaunti hanggang sa nagutom kami at kumain sa maliit na tindahan. "Where do you want to go next?" sinubo ko na ang huling biscuit ko nang mapatingin ako sakanya. "Sa kwarto? Movie marathon nalang tayo pwede?" ngumiti naman ito sa akin.
Tumayo naman na kami at bumalik na sa hq. Habang papunta kami sa unit namin ay nadaanan namin ang lab ni Dra. Love "Ace anong ginagawa nila sa tao?" sabi ko nang makita ko silang may itinutusok dito. "That's not human." sabi niya kaya pinanood ko lang sila sa ginagawa nila.
"They are experimenting for an antidote para sa mga taong pwede pang maagapan," hindi na ako nag-abala pang tignan si Ace sa sinabi niya bagkus naka-focus ako sa pinapanood ko. Napansin kong umiling silang lahat "Failed." on that cue napatingin na ako sakanya at malamig ang tingin niya dito
"Lets go back, Claire." hinawakan niya ang kamay ko kaya wala na akong nagawa kundi magpatangay sakanya pabalik sa unit namin. "So what are going to watch?" tanong niya habang hawak ang remote. Umupo naman ako sa tabi niya "Walking dead," napangiwi siya bigla sa sinabi ko
"Can't you suggest more nice movies?" umiling naman ako sa sinabi niya "We are surrounded by zombies and yet zombie movie? Seriously?" natawa nalang ako sa naging reaksyon niya kaya nanood nalang kami ng iba. I don't want so much romance in my movies kaya yung Rambo nalang ang pinanood namin.
Nasa kalagitnaan na kami ng movie nang biglang may kumatok sa may pinto. Tumayo naman si Ace para pagbuksan ang tao pero nagtaka ako dahil ang tagal na niya doon kaya sumunod na rin ako sakanya at laking gulat ko ng makita ko si Ace kasama si Leo! Anong ginagawa niya dito?
"I thought this was your room?" tinaasan ko naman siya ng kilay. "Indeed this is her room and my room as well," malamig niyang sabi. Hindi naman na siya natakot tulad noong nakaraang gabi. "Anong kailangan mo?" deretsyo kong sabi. Ayaw ko na rin patagalin pa ito
"Luis was injured. Pinapatawag ang ate niya," naalarma ako sa sinabi niya. "Ace," wala pa akong sinasabing katuloy ay pinayagan na niya akong umalis. Paglabas ko ng pinto ay siyang sunod na rin ni Leo sa akin. Susunod din si Ace sa akin mamaya
Habang naglalakad kami ay bigla akong hinila ni Leo sa isang gilid "Nat. Mahal mo ba talaga si Primo? Baka naman may kailangan lang siya sayo?" nagulat ako sa mga sinasabi niya tungkol kay Ace kaya naitulak ko siya palayo sa akin. "Oo. Mahal ko si Ace." tinalikuran ko naman na siya agad pero hinila niya ako pabalik
"Hindi pa ako tapos kausapin ka!" napahiga ako sa sahig dahil sa lakas ng paghila at pagtulak niya sa akin "Shit! Sorry Nat. Okay ka lang?" pinigilan ko siya na lumapit sa akin at itinayo ang sarili. "Nasa hospital ba talaga si Luis o kakausapin mo ako patungkol sa relasyon naming dalawa?"
Ngumiti ito ng nakakaloko. Sa hindi alam na kadahilanan ay nakaramdam ako ng kaunting lamig. "Nakita ko kayong dalawa kaya I made things up or so," natakot ako para sa kapatid ko. "May mangyari lang sa kapatid ko Leo. Hindi kita mapapatawad!" sigaw ko.
Lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa braso pero lumaban ako kaso sinapak niya ako kaya nawalan ako ng malay. Nagising ako sa isa isang hindi pamilyar na kwarto. "Good you're awake," hinanap ko ang boses na yun kung saan nanggaling kahit na alam ko na kung sino yun. "Rei." pagkabanggit ko ng pangalan niya ay tumawa ito
"Anong kailangan mo sa akin?" tanong ko. Hindi niya ako sinagot basta nalang siya tumawa. "I want you to die." lumabas si Leo at may dala itong zombie. "What the hell?" sinubukan kong tumayo pero doon ko nalang napansin na nakatali pala ako sa higaan. "Shit!"
"Pakawalan mo na ako dito Leo!" tinali ni Leo ang zombie sa isang gilid saka lumapit sa akin. "Not until I taste you. Hindi naman pwededng natikman ka na ng iba tapos ako hindi pa." bigla akong hinalikan ni Leo pinipilit kong lumaban pero hirap sa kadahilanang nakatali ako.
"Live adult video must be nice." sabi ni Rei. Tumutulo na ang luha ko dahil sa ginagawa ni Leo sa akin. Kinagat ko ang labi ni Leo kaya napahiwalay ito sa akin. Tinignan naman niya ako ng masama at pinunasan ang labing dumudugo. "That hurts!" sabi naman ni Rei
"And it will hurt more," pagkasabing iyon ay natumba ang katawan ni Leo sa akin at lumitaw ang pigura ng taong mahal ko. "I'm sorry I was late." kinalagan ako ni Ace at niyakap niya ako ng mahigpit. Bumukas ang pinto at hawak na ng kambal si Rei.
"This will be your punishment. Die." iniwan namin si Rei sa loob ng kwarto kasama ng zombie pero bago lumabas si Frankie ay tinanggal niya sa pagkakatali ang zombie kaya ang ending kinain si Rei habang sumisigaw ito ng tulong. Bago namin nilisan ang kwarto ay pinatay na din ni Franklin ang zombie
"Let her die slowly," binuhat naman na ako ni Ace pabalik sa unit namin at imbes na sa kwarto ay dinala niya ako sa banyo. "Wash yourself." bago niya ako iniwan ay hinalikan niya ako sa noo.
Hinugasan ko ng mabuti ang sarili ko hanggang sa namula na ito. Pagkatapos ay lumabas na ako at nadatnan si Ace na may iniinom na alak. "Thank you for saving me." umupo ako sa may hita niya at niyakap siya. Niyakap din niya ako pabalik
"I told you. I will do everything for you, Claire. I love you,"
~•~•~•~•~•~•~•~•~

BINABASA MO ANG
Love Survival
HorrorZombie Apocalypse. Natalie Claire Rivera is a young maiden with a miserable life saved by him. Dark Ace Grimoire a mafia with a kind heart and saved Natalie. Can they save each other during the river of blood thirsty zombies?