Natalie Claire Rivera
Dalawang araw na ang nakalipas simula ng magising ako at sa dalawang araw na rin na yun ay hindi pa ako pinupuntahan ni Ace. Seriously? Pagkatapos ng araw na yun ay hindi na siya nagpakita pa. I know he is a busy man pero kahit saglit man lang sana
"Ate Nat. Lets go," tawag sa akin ni Luis. Sinundan ko naman na siya kasama namin si Lippe. Wala naman kasing mag-aalaga sakanya kundi kami lang dalawa. "Ate. Carry." binuhat ko naman siya papunta sa training room. Nadatnan namin doon ang kambal kasama si Bloomie, si Ace at Rei?!
"So Primo. Kailan pa naging si Ms. Rei ang kasama mo?" nakakalokong ngiti ang binigay ni Franklin kay Ace. Ano itong nararamdaman ko? Ang sikip sa dibdib "Nako kambal. Matagal na! Simula ng mawala si Nat." sinamaan lang siya ng tingin ni Ace
"Ikaw Primo ha! Pinagpapalit mo na si Nat kay Rei," napansin ko naman ang pamumula ni Rei. "Rei mauna ka na sa office ko. Susunod ako," sagot ni Ace. Naglakad na nga si Rei pero hindi niya ako napansin.
"Luis sparr tayo." inabutan ko siya ng mga pana. Unang tumira si Luis tapos sumunod ako kung saan hindi pa rin nila napansin. Tumirang muli si Luis pero walang epekto sa grupo ni Ace. I got a brilliant idea. "Whatever you're thinking don't do it." nginitian ko lang si Luis saka tumirang muli papunta kay Ace kung saan nailagan niya
"Practice more Claire." nanlaki ang mga mata ko nang malaman niyang ako yun kaya napatingin na sila Bloomie at ang kambal sa amin. "Nat?!" sabay na sabi ng kambal na parang nakakita sila ng multo. I just smiled at them
"Luis aalis na muna ako." umalis ako ng training room. Hindi ko alam saan ako pupunta pero naisip ko na sa library nalang tutal madalas walang tao doon.
Pagkarating ko sa library ay humanap ako ng libro at nag-pwesto sa pinakadulo. Hindi ko rin natagalan ang libro dahil iniisip ko si Ace at Rei. Niloloko lang ba ako ni Ace? "I should have died." pagkasabi kong yun ay sinubsob ko ang mukha ko mga braso ko
"Then I would have died also." mabilis kong inangat ang ulo ko saka ko nakita si Ace. "Anong ginagawa mo dito?" naiinis kong sabi. "Sinundan ka." tinaasan ko naman siya ng kilay then I scoffed. "Umalis ka na nga dito Ace! Hinihintay ka ng date mo." kinuha ko ang libro at kunwaring binabasa ito
"Okay." naramdaman ko namang tumayo ito. Binaba ko ang libro at nakita ang likod niya papalabas na ng library. "Pakyu!" pabulong kong sabi. Talagang iniwan ako at hindi dineny na hinihintay siya ng babae niya!
Tumayo ako sa kinaka-upuan ko at binalik ang libro. Lumabas ako ng library at nagulat akong nakasandal siya doon sa gilid ng pinto. Lalagpasan ko na sana siya ng hilain niya ako at niyakap ng mahigpit. "Stop struggling, Claire." naiiyak na ako sa ginagawa niya
"I hate you. Ngayon ko lang naramdaman ito at hindi ko alam. Why do you have to cheat on me?" napaka-emotional ko naman at bigla akong umiyak. "I did not cheat on you okay?" pumipiglas akong muli sa pagkakayakap niya sa akin. "Liar. Maghiwalay na tayo!" umiiyak kong sabi
"I'm not cheating on you okay? Don't you trust me?" tinignan ko lang siya then looked away. "You are the only Claire I have. Meet me in my room tonight when your thoughts are cleared." hinalikan niya ako sa noo bago niya ako iwan. Pinunasan ko naman na ang luha ko. Damn it!
Napag-isipan kong pumunta nalang ng cafeteria at kumain. Pagdating ko doon ay nagkaroon ng bulung-bulungan pero hindi ko nalang yun pinansin at kumuha nalang ng makakain. "I'm glad you're alive." napatingin naman ako at nakitang si Rei ito.
Hindi ko siya pinansin hanggang sa makakuha ako ng food at makahanap ng table pero hindi ako tinantanan. Sumunod pa talaga sa akin with her tray pa! "It feels good to be in the group of Primo. Thank you for giving me the spot." inirapan ko nalang siya.
"Also, I think Primo likes me. Maybe I should also call him Ace since you and him will break-up soon," napatingin naman ako sakanya at may ngiting aso itong pinapakita sa akin. Sarap niyang ipalapa sa mga zombies eh! "Look Nat. He is calling me na oh? Bye. I'll kiss him for you." hindi ko na kinaya ang attitude niya.
Nagdilim ang paningin ko then the next thing happened was I was on top of her and she's already bleeding in her nose. Someone picked me up at nilayo sa kanya "Nat! Tama na. Wake up!" doon ko na-realize na si Bloomie na ang kaharap ko. "Tulog na si Rei. Paniguradong magtatanong nanaman si Primo."
"Pre. Diba ang sabi ni Primo noong nakaraan na wag lalapitan si Rei?"
"Oo. Kawawa naman si Natalie. Mapaparusahan siya."
"Tanga. Girlfriend ni Primo yan!"
"Pero dude ang sabi niya noon no exceptions!"Napatingin ako sa mga nag-bubulungan. Lumapit ako sakanila kaya mabilis silang yumuko "Anong ibig mong sabihin doon?" tumingin ang isa sa akin at medyo namutla pa siya "Ang sabi noon ni Primo pagkatapos mo pong mawala na walang pwedeng gumalaw kay Rei. Ang sino mang gumalaw sakanya ay may punishment. No exceptions daw po."
Napatingin ako kay Bloomie at umiiling lamang ito. What happened when I was gone and asleep? Tumakbo ako palabas ng cafeteria. Bumalik ako sa kwarto namin at nadatnan ko doon sina Luis at Lippe "Ate okay ka lang?" tanong ni Luis. Pilit akong ngumiti pero ang luha ko hindi ko na napigilan pa
Lumapit ang dalawa sa akin at niyakap nila ako ng mahigpit. "Ate we may not be related by blood pero love ka namin okay?" nginitian ko naman si Luis "Okay?" ulit ni Lippe kaya ginulo ko ang buhok niya "Okay po." niyakap naman ako ni Lippe kaya nag-group hug nalang kami. The ones I can trust now is us
Tumayo ako sa pagkaka-upo nang marinig kong may kumakatok sa pinto. Bubuksan ko na sana ito nang marinig kong banggitin niya ang pangalan ko "Claire?" alam ko na agad kung sino ang tao sa labas "Claire. Lets talk please?" tinignan ko ang dalawa. Binuhat ni Luis si Lippe at dinala sa sarili nilang kwarto. Binuksan ko naman ang pinto
"Are you here to give me my punishment?" tinaasan niya ako ng kilay. "I gave your girlfriend a punch." pinaningkitan pa niya ako. "Just give me my punishment, Ace. Then get out." he grinned at me "Are you sure?" this time siya naman ang tinaasan ko ng kilay dahil hindi ko siya maintindihan
"Okay." nagulat ako ng bigla siyang lumapit at hinapit ang baywang ko papunta sakanya. Siniil niya ako ng halik na parang nahihipnotismo ako sa bawat galaw nito hanggang sa bumitaw siya "That's your punishment and for your information Ms. Natalie Claire. Rei is not my girlfriend. She is a subordinate." umiling ako saka umupo sa sofa. Sumunod naman siya at tumabi
"If she really is your subordinate. Why the punishment?" sabay tinaasan ko siya ng kilay "That's the rule I gave when I went to rescue you. She was the one who told me about your so called death. Syempre maraming tsismoso ang magtatanong sakanya what happened. This case must be confidential and private." tinanguan ki nalang siya
"Bakit hindi mo pala ako pinuntahan this past two days?" nakanguso kong sabi. I'm acting like a spoiled child. Ako ba talaga ito? "I was busy doing my works. Natambakan ako because I was taking care of you when you were unconscious." I sighed. "I'm sorry Ace." ngumiti lang ito at niyakap ako
"I'm sorry too. Ikaw lang ang babaeng iibigin ko hanggang sa huli, Claire. I love you." hinalikan niya akong muli sa labi pero naitulak ko siya nang mapansin kong nasa likod niya si Lippe. "Ate and Kuya? Why are you kissing?" nag-iinit ang pisngi ko dahil nahuli kami ni Lippe
"Lippe that's what couples do when they grow up. Now lets go. We are disturbing them." sabay kindat sa akin ni Luis. Pambihirang bata! "Lets continue?" nakangisi naman na ngayon si Ace "Tumigil ka nga! Nakakahiya!" natawa nalang kami pareho dahil dito
I hope this happiness will last forever
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
This chapter is dedicated to KanaNaomi . Belated Happy Birthday bebe 🎉😘
BINABASA MO ANG
Love Survival
HorrorZombie Apocalypse. Natalie Claire Rivera is a young maiden with a miserable life saved by him. Dark Ace Grimoire a mafia with a kind heart and saved Natalie. Can they save each other during the river of blood thirsty zombies?