🖤10🖤

99 3 0
                                    

Natalie Claire Rivera

"Be on guard Frankie" bungad ni Ace pagkabalik namin. Bakas ang pagtataka sa mga mukha nila kaya ako na ang magsasabi "May zombie kaming na-encounter sa loob ng kagubatan kanina" tumango naman siya. Ngayon ko lang napansin na si Frankie at Yesha lang ang nandito. Nasaan ang iba?

"Ace nasaan sila Franklin?" tinignan naman ako ni Ace saka bumuntong hininga. Alam siguro niya na magtatanong pa rin ako kahit hindi niya sabihin "They... hunt for food" tinaasan ko siya ng kilay "They were out to find food, Claire. We forgot the foods at the supermarket" sabay kamot nito sa ulo niya. Cute

"Wait. Kasalanan ko yun kung bakit tayo nawalan ng pagkain. Dapat ako nalang ang pumunta" umiling naman si Ace. Hindi ako makapakali dahil ako ang may kasalanan doon "It's not your fault, Claire. Si Paula ang ang may kasalanan kung bakit hindi natin nakuha yun" parang naawa naman ako sakanya

"Ace, can you tell me about your family?" bakas sa mukha niya ang pagkabigla sa tanong ko pero mabilis din itong napalitan ng galit "No" matigas niyang sabi. Siguro hahayaan ko nalang siya na magsabi sa akin kapag gusto na niya mag-open up sa akin. Hinawakan ko lang siya sa mukha at nginitian saka ko siya tinalikuran para tulungan si Frankie at Yesha

"Ate Nat, girlfriend ka po ba ng kuya ko?" namula naman ako sa sinabi ni Yesha. Ano nga ba kami? "Friends lang kami" banat ko agad. Narinig ko namang natawa si Frankie kaya tinignan ko siya ng masama kaya tumigil siya "Ate Nat, mabait si kuya. Sana hindi mo siya iiwan ha?" binigyan ko lang naman ng isang matamis na ngiti si Yesha

"Guys, were back!" masayang bungad ni Franklin kahit na ang daming bakas na ng dugo sa katawan niya. Kasunod noon ay si Bloomie at Paula na parehong hindi maipinta ang mukha "Anong nangyari sayo Bloomie?" nilapitan ko ito at inabutan ng wipes. Akala ko tatarayan niya ako pero kinuha niya pa rin ito at nginitian ako

"We... saw a child" nanlaki ang mata ko. Sa itsura na nila ngayon halatang hindi ito nakaligtas. "He asked us for help and we did pero..." bigla nalang siya naiyak kaya niyakap ko siya "Bago namin siya makuha ay inagaw siya sa amin ng isang survivor. I could have killed the man but its too late" hinagod ko ang likod niya kaya pala

"You tried your best." tinanguan niya lang ako. Si Paula na ang nagluto ng kakainin namin para sa gabi. Tumulong kami ni Bloomie at ang mga lalaki ay nagbantay ng lugar. Matapos namin gawin ang lahat ay sumakay na kami at nagbyahe nang muli

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa main headquarters ng Mafia Grimoire. Napansin kong maraming tao dito at survivors ang mga ito. Natuwa naman ako dahil tumutulong ang pamilya ni Ace sa mga nangangailangan ngayon "Daddy!" sinundan ko ng tingin si Yesha hanggang sa makapunta ito sa bisig ng ama

Kamukha ni Ace ang daddy nila. Lalapit na rin sana ako para makilala siya ng pigilan ako ni Ace at hinila niya ako kung saan man kami pupunta. Nahinto nalang kami ng bumukas ang pinto at kwarto na ito "You'll stay here with me" namula naman ako sa sinabi niya pero mabilis rin akong umayos. I'm having bad thoughts already

"This is your room?" tinanguan naman niya ako at nilibot ko naman ang paningin ko sa kwarto niya at nahagip ng tingin ko ang isang frame. Namula ako ng marealize ko kung sino ang nasa picture "Bakit may picture ka ng mukha ko?" ngumiti lang ito habang nakahiga na siya sa kama niya

"Talk please. I don't need your smile" nahihiya kong sabi papunta sa kanya at umupo sa tabi niya. Hinila niya pahiga sa tabi niya kaya nagulat ako at mabilis na nilayo ang sarili ko sakanya "Others might misunderstood us" napakamot nalang siya ng ulo niya saka tumayo at kinuha ang frame saka bumalik sa tabi ko at umupo

"I was raised here after I left you to train. I took this picture one time and I find it too cute that's why" nakangiting sabi niya sa akin. I can't help but to smile also pero nakakahiya pa rin. Nagkatinginan kaming dalawa at parang unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin. Sa hindi ko alam na dahilan ay napapikit ako at hinihintay nalang ang susunod na mangyayari

We kissed. Hindi ko alam pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko mas lalo itong bumilis ng biglang may bumukas ng pinto kaya mabilis ko siyang naitulak kaya siya nahulog "What are you guys doing? Nat, utos ni Madame Paula na idala kita sa sarili mong kwarto. Hindi ka raw pwede dito" tinaguan ko nalang si Franklin saka siya sinundan

"I won't tell anyone what I see. Don't worry" binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti kaya pakiramdam kong sobrang pula na ako dahil doon "May sakit ka? Gosh, don't tell me nakagat ka?" nainis ako sa sinabi ni Bloomie dahil pinagtitinginan kami ng tao kaya nilibot rin niya ang tingin niya

"What are you guys looking? Mind your fcking business" iba talaga ang tabas ng dila ng babaeng ito "I'll take it from here. Puntahan mo ang kambal mo nagta-tantrums nanaman" napakamot ng ulo si Franklin "I'm sorry Nat. Ikaw na din bahala ha?" kumaway nalang ako sakanya nang paalis na siya.

Nang marating namin ang isang kwarto ay binuksan na niya ito. Parang condo ang dating niya dahil may sarili na itong kitchen at banyo kagaya ng kay Ace "This is your room and this is mine" hinanap ko ang boses ni Bloomie at nakitang nasa second floor siya. Sinundan ko siya at binuksan niya ang pinto ng kwarto ko. Andito na rin ang mga gamit ko

"Call me if you need something" tinanguan ko nalang siya at isinara na ang pinto. Inayos ko naman ang gamit ko sa may aparador kaso pagbukas ko ay may damit na dito na dalawang pares. Parang uniform ba? Isang pares din ng boots ang meron

Hindi ko nalang ito pinansin at itinabi ko ang mga damit ko doon. Nag-shower muna ako bago ko inihiga ang sarili ko. Dito na ba kami magse-settle? Nakakapagod rin ang palipat-lipat ng lugar tapos kulang pa ang pahinga mo dahil walang katapusan ang zombie

"Rina? Andito na kami sa hq nila Ace. Sana kasama din kita ngayon..." napangiti nalang ako dahil nakikita ko ang magiging reaksyon niya pero dahil wala na siya dito ay nawala ang ngiti ko "Alam kong masaya ka na kung na saan ka ngayon. Mas safe ka. I miss you sister" pinikit ko nalang ang mga mata ko at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako

"Nat, maging malakas ka sa susunod na araw" nakita ko si Sharina sa harap ko ngayon at alam kong panaginip lang ang mga ito "May mga bagay ka na kakaharapin, Nat. Habang maaga pa sabihin mo na kay Dark ang plano mong isla" kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Bigla akong naguluhan sa mga sinasabi niya

"Hindi kita maintindihan Rina. Please be specific" umiling ito saka ako niyakap "Figure that out, Nat. Kaya mo yan. I believe in you" nasilaw ako sa ilaw na nilabas niya pero dahil doon ay nagising nalang ako at pawis na pawis

"Are you okay?"

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Love SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon