🖤15🖤

79 2 0
                                    

Natalie Claire Rivera

Nagising akong madilim na at mabilis akong napahawak sa mukha ko. Masakit pa ito. Curse that Rei! Inupo ko ang sarili ko sa isang couch at inisip ang mga nangyari kanina.

Fudge! Si Ace! Magagalit yun! Nah. Rei is there anyway. She was Claire all along and not me. Baka fake nga lang ang memories ko and probably just my imagination pero may picture ako sa kwarto ni Ace. Imposible namang gawa-gawa ko lang ang mga yun!

I need to find my way out. Tumayo ako at sumilip sa bintana. I saw zombies swarming up at my front door. Curse that Rei! "How should I get out from this damn place?" umakyat ako sa second floor ng bahay then I heard whispers

Hinanap ko ito at may ilaw na nang-gagaling sa isang kwarto. I tried to open it pero naka-lock. Sinubukan kong kumatok "Hey, I'm Natalie. Andito ako para iligtas kayo. Come out please?" hindi sila agad siguro maniniwala na may tao since si Mrs. Cruz noon na zombie ay nagsasalita pa

Umupo ako sa gilid ng pinto but then unti-unti itong bumukas. Napangiti naman ako pero mabilis ito nawala at umilag sa pana na ibinato niya sa akin. "Chill!" tinignan ko naman ang pana niya at ito yung normal arrows for safety "Tao ako. Ilan kayong nandyan?"

"Its just me and my little sister." sabi ng batang lalaki na nasa fifteen ang edad. "Kailan pa kayo nandito?" I asked. "Eversince day one of this hell." sumama ako sakanya papasok ng kwarto nila. "I'm here to save you," umiling naman ito sa akin kaya medyo naguluhan ako

"You cannot save yourself with that person yet here you are saying you're saving us." bigla akong tinamaan sa sinabi niya "That was, wait nakita mo yun? Bakit hindi kayo nagsalita kanina?" he sighed "Why risk our lives with people like you," napapikit ako sa sinabi niya. Huminga ako ng malalim saka siya tinignang muli

"That was really my fault. Iba kasi ang nasa isip ko noong oras na yun. I'm sorry. Let me protect you guys this time." sincere kong sabi. He smiled "I'm Luis and this is Lippe," I looked at them and I felt happy

"Magpahinga na kayo dahil bukas na bukas ay aalis na tayo. We need to be quiet okay?" tumango naman silang dalawa sa akin at natulog na nga kaming tatlo.

Naalimpungatan ako sa kalampag sa may first floor kaya bumangon ako at inihanda ang katana ko. Dahan-dahan akong bumaba at napansin kong malapit nang masira ang pinto. Nagmadali akong bumaba at iniharang ang mga kaya kong ilagay. Sinilip ko ang bintana at halos dumadami na sila

Agad akong umakyat at ginising si Luis "We need to go," tumango siya at ginising na rin ang kapatid. Inikot ko ang second floor kung saan kami pwedeng lumabas pero wala kahit isa "Do you drive?" tanong ni Luis sa akin. Umiling naman ako. Wala kaming sasakyan kaya hindi ko alam

"I'll drive then. Lets go!" mabilis namin siyang sinundan ni Lippe. Pagdating namin ng kusina nila ay may ingay na sa garahe. "No matter what happens. Don't make a noise." pag-papaalala ko sakanila. Tumango silang dalawa sa akin. Dahan-dahan naman kaming lumabas

Maraming zombie ang nakapalibot sa sasakyan kaya mahihirapan kami kapag ganito. "I'll finish them off while you start the car." pabulong kong sabi. Tinaguan ako ni Luis saka hinila ang kapatid. Isa-isa kong tinapos ang buhay ng zombies pero nakatunog sila ng nag-ingay ang isa kaya dumadami sila

Sinundan ko na ang dalawa at sumakay na. Napansin ko ring balisa si Luis "Bakit?" tumingin ito sa akin sabay turo sa starter ng sasakyan "The keys are not here." nagulat kami bigla ng may kumalampag sa pinto. "Dang it! Think Luis!" lalabas na sana ako para subukang hanapin ang susi ng pigilan ako ni Luis

"Don't please." ramdam ko ang pag-nginig niya. Kasalanan ko ito. Kung hindi ako nag-padala sa emosyon kanina ay ligtas silang dalawa sa kapahamakan. "I got it!" pumunta siya sa ilalim ng manubela at may kinalikot na wires hanggang sa umandar na ang sasakyan. "Lets go!"

Binangga na namin lahat ng zombies para kami ay makalabas. Hindi namin kung saan kami makakarating dahil halos lahat ng daan ay sarado na. Naabutan pa naming maubusan ng gasolina dahil sa kaiikot namin. "We need to walk." yun nalang ang tanging paraan para makaalis kami sa lugar

"First. Kailangan nating makahanap ng bahay na walang laman okay? We should rest there for the day." tinanguan naman ako ni Luis habang buhat ang kanyang kapatid "We could change," sabay kuha ko sa kapatid niya sakanya "Thanks," nakangiting sabi niya

Naglakad kami ng naglakad hanggang sa abutan kami ng tanghali sa daan. "Kuya I'm hungry." nilibot ko ang paningin namin at may nakita kaming bahay na bukas "Wait here. Susubukan kong maghanap doon ha?" aalis na sana ako ng hilain ni Luis ang damit ko "We need to stick together." I sighed

Tinanguan ko siya pero sa huli naghintay sila sa labas ng pinto para i-check ko ang bahay kung may bakas ba ng zombie. Nang maikot ko na ang loob ay mabilis ko silang pinapasok sa loob. "Dito muna kayo sa loob okay? I'll just put some locks sa bintana at other doors."

"I'll help." tumango nalang ako. Kinausap naman niya ang kapatid. Isa-isa naming ni-lock ang iba. "Magluluto muna ako." hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Luis. Nagtungo ako sa kusina at tinignan ang ref. Gumagana pa ang kuryente nila at may laman pa ito which is good pero sira na ang mga gulay

Sinimulan ko na ang magluto para may makain kami. Pagkatapos nito ay binalikan ko sa sala ang dalawang bata. "Lippe gusto mong maligo?" tanong ko sa bata habang kinakamot ang katawan. Ngumiti ito sa akin saka tumango. Binuhat ko naman siya saka pumunta sa isang kwarto at mabuti nalang may batang babaeng nakatira noon dito

Pinaliguan ko naman siya at ganoon din ang ginawa ko kaya feeling fresh kami. Ngayon ay bumalik na kami sa sala at nakaligo na rin si Luis. Tumungo na kami sa kusina at nag-umpisa nang kumain "Where to go next?" tanong ni Luis sa akin

Tinignan ko lang siya saka ako bumuntong hininga "I don't know pero mag-iisip ako. For now we will stay here," tumango naman ito sa akin.

Pagkatapos naming kumain ay hinugasan ko ang pinggan at naglatag naman si Luis ng mahihigaan namin sa sala. Ano na kaya ang ginagawa ni Ace ngayon? Does he think na patay na ako? Gosh I miss him "Penny for your thought?" napatingin ako kay Luis na kasalukuyang pinapatulog si Lippe

"Sino nagturo sayo ng archery?" napansin ko ang gulat sa mata niya pero mabilis itong napalitan ng lungkot. "Si Dad. He is the one one who taught me archery." tinanguan ko naman siya "And I was the one who killed him when he turned into one." napatingin naman ako sakanya. I hugged him

"You just put him to rest. It's not your fault, Luis." tahimik itong umiyak sa balikat ko. Nang medyo okay na siya ay humiwalay na ito "How about you? Sino nagturo sayo ng archery?" napakunot naman ako sa sinabi niya "How did?" napatingin naman ako sa tinuro niya.

"Ah that bow. Well, I learned it sa school pero nung nalaman ng tita ko na sumasali ako sa mga activity na yun ay pinatigil niya ako." tinanguan naman niya ako "Do you still have some arrows?" tanong ko. Sinilip naman niya ang lagayan niya pero tatlo na lamang ito

Inabot ko ang bag ko at inabutan siya ng ilan. "How about you?" I smiled then showed him my katana. "I see. Self-learned din ba yan?" umiling naman ako "A friend taught me. Magpahinga ka na muna," tumango naman ito sa akin saka dinaluhan ang kapatid.

Humikab naman ako at ramdam ko rin ang pagod ko ngayong araw. Hindi ko napansin ay nakatulog na rin ako.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Love SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon