038

381 15 20
                                    


Beomgyu's POV:


Bakit ganoon? Bakit ako nakokonsensya? Umpisa palang ito naman na talaga ang balak namin, ang sirain ang reputasyon ng ITZY, and now na unti-unti na naming magagawa yun bakit ngayon pa ko nakonsensya?


Magkasabay kaming sampu and first time namin na pumasok na magkasabay, siguro kung nasa Polaris kami ay magiging isyu to, pero since na nasa Night university kami and late naman na kaya wala nang mga tao sa corridor ay tahimik lang kaming naglalakad.


"Ano sasabihin natin sa teacher?"


Taehyun asked, ano nga ba ang pwede naming gawing palusot para hindi kami mapagalitan?


"Ma'am hindi po gumana yung alarm"


Suggestion naman ni Yuna kaya napatingin kami sakanya, kung yun ang sasabihin namin parang masyadong hindi kapanipaniwala since lahat kami...


"natraffic tayo?"


This time si Yeonjun hyung nag suggest kaya lahat kami napatingin sakanya ng masama...


"Yeonjun malapit lang yung dorm natin, nasa loob lang ng campus"


Napakamot naman si hyung dahil sa sinabi ni Ryujin kaya napatawa nalang kami, bakit kaya lagi nalang nag aasaran tong dalawang to?


Nag-uusap pa kami ng bigla nalang bumukas yung pinto na nasa harap namin and nakita namin si Eunbi noona, siya yung president ng section na to, though may mga hindi maayos ang turing samin dito ng iba, karamihan sakanila ay gay ani Eunbi noona na mabait at Mabuti ang turing samin.


"Oh? Andito na pala kayo"


Nginitian niya kami kaya nginitian din namin sya, at napatingin na yung teacher namin na nasa loob.


She signaled us to come inside and so we did, napatingin samin ang mga kaklase namin habang si ma'am ayun nginitian lang kami.


"I'll let this one pass, pero sa sunod wag na kayong magpapalate ah?"


We nodded as we proceeded to our seats, ang bait naman ni ma'am, maybe if this was Polaris and ang nakakita samin ay si ma'am Marpuri sigurado patay kaming mga bata.


The discussion continued at napapansin ko na si Chaeryeong ay pasimpleng nagbabasa ng isa nanamang libro, wala ba siyang balak na making kay ma'am?


Snack time arrived and we decided to go to the cafeteria and kasama namin yung ITZY yes, they're with us and panay ang tawanan nila, ganyan ba talaga sila kasayahin? Why didn't I saw this side of them before? Ganito ba talaga kalala yung away namin noon?


"Ang iingay niyo oh, pinagtitinginan na tayo"


Chaeryeong said kaya napalingon na ko sa paligid at napansin ko nga na nakatingin talaga samin yung mga tao na nadadaanan natin.


"Hayaan niyo nagwagwapuhan lang yan sakin"


Pabiro kong sabi kaya napatingin naman sila sakin, so I gave a sheepish smile while they burst to laughter.


"I never thought na mahangin din pala to"


Lia said sabay iling but she was also laughing, napasulyap naman ako kanila Yeonjun at Soobin hyung, they we're also laughing but I tried the read their expressions, if that was a genuine laugh or a cover up.


"ok na mamaya na yan gutom na ko"


This time Ryujin was the one who spoke sabay hila sa mga unnie niya papuntang cafeteria at kasunod naman nila kami.


"takaw mo kaya naman tumataba!"


Sigaw ni Yeonjun hyung kaya napairap naman si Ryujin at tawa ng tawa si hyung, if maybe it wasn't for our plan iisipin ko talaga na baka may gusto si Yeonjun hyung kay Ryujin, pero sakanya na mismo nanggaling ang salitang, he hates her.


And walang sinumang lalaki ang magbabalak na gumawa ng masama lalo na sa babaeng gusto niya.


When we reached the cafeteria bumili kami ng pagkain and sa isang table nalang kami umupo, and ayun tahimik lang yung lima at silang apat naman yung nag-iingay...


Meanwhile ako naman napatingin nalang sakanila, I can't do this, mabait sila, habang tumatagal na nakakasama ko silang lima unti-unti na kong naniniwala na mabait talaga sila, that I want to stop this plan...


I don't want to hurt them...

Warzone | RYUJUNWhere stories live. Discover now