071

388 12 0
                                    


Taehyun's POV:


Napangiti naman ako sabay palo kay Yeonjun hyung na katabi ko ngayon, hahahaha nasa loob kasi kami ng gym nauna kasing natapos yung basketball boys, kaya pumunta muna si Ryujin sa mga kaibigan niya, babalik nalang daw siya mamaya bago magsimula yung laban nila, ginalingan talaga ni hyung yung laro, pabida masyado para kay Ryujin hahaha at ayun panalo team namin tapos si Yeonjun hyung pa yung mvp.


"Hyung ang corny mooooo!!!"


Mapang-asar na sabi ni Beomgyu kaya ayun naputakte nang pang-aasar si hyung, pero imbis na mapikon napangiti lang si hyung at mukhang kilig na kilig.


"Malala ka na hyung"


Dagdag pa ni maknae Kai, kaya natawa kami sakanila.


"Ayusin natin mamaya ah? Pag nabasted si hyung wala pa naman tayong pangbayad sa mental hospital"


Tiningnan lang ni Yeonjun hyung si Soobin hyung nang masama pero agad din naman siyang napangiti kaya tumingin ako sa direksiyon kung saan siya nakatingin. And hulaan niyo kung sino nakita niya?


Walang iba kundi ang lab of his life, opo si Ryujin, kakapasok palang sa gym kasama yung mga kaibigan niya...


"Noona andito kami!!"


Sigaw ni Kai, kaya nakita naman nila kami kaagad, sinenyasan namin sila na umupo dito sa malapit samin.


"Anong oras simula ng laban niyo?"


Tanong ko kay Ryujin pero napakibit-balikat lang siya, andito naman na kaming lahat kaya kahit anong oras man magsimula ayos lang.


"Galingan mo babi ichicheer kita!"


Napatingin naman kaming walo kay hyung na may mapang-asar na tingin, tiningnan niya naman kami ng masama isa-isa kaya natawa kami, habang si Ryujin mukhang walang kaalam alam sa mga nangyayari...


Ganyan ba talaga si kamanhid? Masyado ng pahalata si hyung eh.


"Ryujin noona ang manhid mwo pwo~"


Natawa naman kami ng malakas dahil hindi na natapos ni Kai ng maayos yung sasabihin niya dahil pinuno ni Yuna ng marshmallow yung bunganga ni maknae.


"Ha? Ako manhid? Bakit naman?"


Sunod sunod na tuloy na tanong ni Ryujin kaya halos napa facepalm kami dahil sakanya, tapos si Yeonjun hyung napailing nalang.


Bagay sila, isang manhid tapos isang torpe, boom perfect!!


"Dahil manhid ka, manhid ka walang pakiramdam🎵🎵"


At dahil nga ata sa sadyang baliw kami ayun napakanta pa kami, hayss bakit nga pala ako nakasama sa mga sira ulong to?


"PARTICIPANTS FOR BASKETBALL GIRLS PLEASE COME TO THE COURT!"


At kasabay nung announcement tumayo na si Ryujin.


"Goodluck babiiii !!!!!"


Pag cheer ni hyung kaya nag thumbs up sakanya si Ryujin hays, buti pa siya may love of his life na, love of his life tawag dun, wala pang sila kaya hindi pa yun love life.


Nadako naman ang tingin ko kay Lia, she was also cheering loudly for her bestfriend, and something feels odd...


Geesh ano ba tong iniisip ko?


---

a/n: hindi lang lablayp ni Yeonjun at Ryujin magsisimula eheee hahahaha!!! Btw ang goal ko dapat is 100 parts lang excluded yung prologue, intro at epilogue. Pero sa tingin ko mukhang mas mahaba pa to sa 100 kaya medyo marami pang updates coming soon! >_< another thing dalawang character lang naman idadagdag ko wala nang iba, si Yuqi yung una sino kaya yung sunod? Hahaha!

Warzone | RYUJUNWhere stories live. Discover now