Yeonjun's POV:
"Jinjin tama na yan"
Napatingin naman kami pareho sa nagsalita, sino siya? Nadako tingin ko kay Ryujin at napangiti siya ng todo, mukhang masaya siya bigla?
"Samsammmmm!!!"
Biglang napatakbo si Ryujin at niyakap niya ang lalaki na tinawag niyang Samsam, bwiset sino ka ba sa buhay ng babi ko? Bakit parang ganoon lang kadali sakanya ang yakapin ka? Niyakap niya din pabalik si Ryu at ngiting-ngiti din ang loko, upakan ko kaya to, shet nagseselos ako!
"Sino siya Ryu? Inaaway ka ba niyan?"
Tanong niya kay Ryujin, napairap naman si Ryujin sabay hiwalay sa yakap niya sa kakarating palang.
"Wag mo siyang pansinin, wala akong pakialam diyan"
Grabe ka Ryu, nakakasakit ka na, pero kasalanan ko naman eh, ako unang nanakit sayo kaya hindi kita kayang sisihin, I deserve all of this anyways.
"Basta pag ginulo ka niyan sabihan mo ko"
Yung gago ginulo pa buhok ng babi ko, kainis ginagawa ko din yan sakanya dati eh, sino ka ba ah? Bakit kung makaasta ka akala mo kung sino ka sa buhay niya, mas mahalaga ka ba sakanya kesa sakin? I doubt that though.
"Nga pala, ako si Kim Samuel, wag mo nang guluhin si Jinjin ko"
Napangisi naman ako sakanya, is he threatening me now? And seriously mas cute ang tawagan namin na babi kaysa sa Jinjin and Samsam, para silang mga bata.
"Halika na nga Samsam, kain muna tayo"
Hinatak ni Ryu yung kasama niya at naglakad na sila papalayo, I was left behind, and that's when I realized something.
Ang sakit palang makita na may kasamang iba ang taong mahal mo, pero mas masakit na makita na unti-unti na siyang lumalayo sayo.
Maya-maya pa ay naisipan kong pumunta na sa classroom, doon ko nalang hihintayin sila Soobin, sana nga pala sabay nalang kami na pumunta dito, bakit ko pa ba kasi naisipan na mauna?
"Hyung!! Bakit magkasama si Ryujin noona at si Samuel hyung?!!"
Talaga namang bata to, yan ba naman ang ibungad na tanong sakin ni maknae Kai, at teka lang, bakit nila kilala yung lalaking yun tapos ako walang kaalam-alam sa kung sino man siya?
"Sino ba yang Samuel na yan ah? Bakit kilala niyo siya?"
Napatingin sakin ang apat kong kaibigan na mukhang gulat na gulat sa tanong ko, ganoon ba talaga ka kilala si Samuel?
"He's one of the best students here, sabay silang dumating ni Ryujin dito sa Polaris, how on earth na hindi mo yan alam?"
Sarcastikong tanong ni Beomgyu habang napakibit-balikat nalang ako.
"Dumating sila when we were in grade school, they were really close, and during that time doon nakilala ni Ryujin sina Yeji, Lia, Chaeryeong at Yuna"
Grade school? I think alam ko na kung bakit hindi ko siya kilala.
"Pero after a year, Samuel went to the states kaya naiwan si Ryujin dito"
I guess that was the time na wala pa ako sa Polaris.
"At pag-alis ni Samuel kakarating ko lang noon at nakilala ko kayo"
And that is when I got enlightened, si Samuel ang tinutukoy ni Ryu na lalaking best friend niya, yung laging nandyan para sakanya, lalo na kapag malungkot siya.
"And the fight between TXT and ITZY started"
That was the moment where our school became our warzone, we were all competent, ayaw namin na nalalamangan, at ganoon din sila.
I never thought na ang dami ko pa palang hindi alam tungkol kay Ryu, nasaktan ko siya and now na may ibang tao na nagpapasaya sakanya I hate it, nagseselos ako, gusto ko akin lang siya, pero ayaw kong nakikita siyang nasasaktan.
"Hyung, are you alright?"
Taehyun asked habang ako napaisip nang malalim, ayos lang ba ako? Ayos lang ba sakin ang makita na masaya siya kasama ang iba? Pero kung ako naman ang kasama niya masasaktan lang siya lalo.
Naguguluhan ako, hindi ko alam gagawin ko.
"Pasensiya na kayo, sadyang isang malaking tanga lang talaga ang hyung niyo"
I stood up, lumabas na ako ng classroom at pumunta sa likod ng building kung saan walang pumupuntang mga studyante, I don't care if I skip classes, I don't feel well anyways.
"Yeonjun-shi? What are you doing here?"
Gusto kong mapag-isa kaya ako pumunta dito, and now may isang asungot na nakasunod nanaman sakin.
"Pwede ba Yuqi? You're the last person that I want to see"
I said quite annoyed, she's the reason kung bakit kailangan kong iwasan si Ryujin, if only she stops then I can be happy with Ryujin again.
"Why are you sulking here? When Ryujin is happy with Samuel?"
She asked sarcastically, while I didn't mind, kahit papaano alam kong hindi nagtagumpay ang plano niya, because the only thing that she wants is to make sure that Ryu is always in pain, I don't even understand why she holds a deep grudge on her.
"Then it is a good thing"
Yuqi raised a brow as she seemed pissed, I'm pissed myself, naiinis ako kay Samuel, naiinis ako kay Yuqi, pero higit sa lahat naiinis ako sa sarili ko, but I guess things aren't too late.
"Di baleng ako ang masaktan basta maging masaya lang siya"
I just have to make sure that Ryujin is happy even if it means that I'll hurt myself
![](https://img.wattpad.com/cover/182753314-288-k911577.jpg)
YOU ARE READING
Warzone | RYUJUN
FanfictionWe all have our own fights It's how we win them that matters~ . . TXT and ITZY epistolary (Yeonjun and Ryujin main ship)