Yeonjun's POV:
Samuel and Ryujin was spending their time sa likod ng building kung nasaan ang malawak na field, while ako naman nakaupo habang palihim silang pinagmamasdan, I made sure na hindi nila ako makikita.
Lunchbreak na at may dalang isang malaking lunchbox si Samuel, mukhang sinadya niyang magdala ng maraming pagkain para sakanilang dalawa ni Ryu, I guess sobrang close talaga sila, isipin mo yun alam niya na malakas kumain si Ryu.
"Oh? Iho anong ginagawa mo rito mag-isa?"
Napalingon naman ako nang may biglang nagsalita, jusko naman po manong guard akala ko may engkanto na kong kasama dito eh.
"Wala lang po kuya, gusto ko lang pong mapag-isa"
Sagot ko, si kuya guard naman ay naupo sa tabi ko.
"Alam mo iho, masama ang mag-isa, malulungkot ka niyan"
Napatango nalang ako sa sinabi ni kuya, he's right, nakakalungkot talaga ang mag-isa, but since my friends are busy kailangan ko munang mapag-isa, abala kasi mga kaibigan ko, sabi nila they'll ask for apology sa ITZY, I also can't stay with BTS hyungs kasi may practice pa sila ngayon, and yung isang tao na pwede ko sanang makasama sa ganitong sitwasyon ayun pinapanood ko na may kasamang iba.
"Kuya, kung may kasamang iba ang tao na gusto mo anong dapat mong gawin?"
I was hoping na sabihin ni kuya 'upakan mo' or 'ilayo mo yung tao na gusto mo', because if ever gagawin ko yun ngayon, definitely uupakan ko si Samuel and surely kakaladkarin ko siya papalayo kay babi, pero hindi yun ang sagot ni kuya.
"Depende, if yung kasama niya ay nasasaktan siya dahil dito, edi gawin mo ang lahat para mapasayo siya"
Sabi ni kuya sabay tingin sakin.
"Pero kung nakikita mo naman siyang masaya, bakit ka pa gagawa ng bagay na ikakasira ng kaligayahan niya?"
And that boom napabusangot naman pagmumukha ko, kasi alam na alam ko na masaya si Ryu, masaya si babi sa Samuel na yan, at alam ko na ako ang nakakasakit sakanya.
"Eh kuya tingnan mo sila"
Pasimple kong tinuro sila Samuel at Ryu, na kumakain ng lunch sa ilalim ng isang malaking puno, na nagtatawanan at mukhang napakasaya nila.
"Ano sa tingin mo sakanila?"
Napatingin naman si kuya sa tinuro ko at halatang natuwa siya sa nakita, napangiti pa nga siya ng todo eh.
"Napakasaya ng dalawang yon, ang swerte nila sa isa't-isa"
Ganoon? Sabagay sa unang tingin iisipin mo talaga na bagay sila sa isa't-isa, eh paano kaya nung kami yung ganyan? May mga tao rin kaya na naisip nila na bagay din kami? Na swerte kami sa isa't-isa?
"Pano po kung may isang lalaki na sinaktan siya noon? Ano po tingin niyo sa isang tao na nakasakit sakanya?"
Napakunot noo naman si kuya halatang pinag-iisipan ang isasagot.
"Isang malaking tanga, bobo, inutil, utak ipis, walang pinag-aralan ang sinumang manakit sakanya, diba iho?"
Lalo naman akong napabusangot dahil sa sagot ni kuya guard.
Oo na po kuya, isang malaking tanga, bobo, inutil, utak ipis at walang pinag-aralan, ang isang katulad ko.

YOU ARE READING
Warzone | RYUJUN
FanfictionWe all have our own fights It's how we win them that matters~ . . TXT and ITZY epistolary (Yeonjun and Ryujin main ship)