Beomgyu's POV:
Napasimangot naman ako dahil kay aga aga at kailangan na naming pumasok pero heto si Yeonjun hyung pinapapili pa kami kung alin ang isusuot para sa utility work niya.
"Hyung utility work ang gagawin niyo, hindi kayo magdedate ni noona"
Paalala nang bunso namin habang nakaupo kaming apat sa sofa sa sala sa dorm habang si hyung naman pabalik pabalik sa kwarto niya at kumukuha nang damit.
"Pero syempre naman maknae kasama ko si Ryu kaya dapat gwapo ko para mainlab na siya sakin"
Seryosong sabi ni hyung habang pinapakita niya samin mga damit niya, ano ba ang gagawin namin sa lalaking to?
"Pero hyung ako lab na ko ni noona kahit hindi ako mag-ayos"
Tiningnan naman siya nang masama ni Yeonjun hyung habang nag peace sign si Kai, agad din namang nagbago ang tingin ni hyung and he even patted our maknae's head, sabagay cute naman talaga si Kai at hindi talaga namin siya kayang tiisin.
"Eto pwede na ba to?"
Halos matawa kaming apat nung maglabas si hyung nang isang coat at may kasama pang neck tie, kaya sumimangot ang loko.
"Nagpapatawa ka ba hyung? Magmumukha kang baliw sa unang araw nang panliligaw mo kay Ryu" -Taehyun
"Hyung magpipintura kayo nung dingding na may vandal mo, hindi pa po prom" -Soobin
"Baka bastedin ka ni noona on the spot na makita ka" -Kai
Sunod sunod na pangbabash namin kay hyung kaya napakamot naman siya sa ulo niya sabay baba nang hawak hawak niyang coat and tie.
"Teka hyung ako pipili nang isusuot mo"
Presinta ko tsaka ako tumayo at pumunta sa kwarto ni hyung, hinalungkat ko naman ang drawer niya at nung makapili na ako nang isusuot nang napakaarte kong hyung tsaka ako lumabas.
"Yan ang isuot mo hyung"
Sabi ko sabay abot sakanya nang damit at sumang-ayon naman yung tatlo sa napili ko.
"Jogging pants at hoodie?"
Natatawa kaming apat sa itsura ni hyung na parang bata na humihingi nang laruan pero pagkain ang binigay.
"Kaya hindi mo kami pinapaalis ay dahil sabi mo pumili kami ngayon at nakapili na kami punta na kami sa room hyung, bye enjoy your DATE"
May pang-aasar na sabi ni Soobin hyung, we took our bags at lumabas na kami ng dorm habang si hyung naman nakasimangot habang dala dala ang damit niya at mukhang magbibihis na.
![](https://img.wattpad.com/cover/182753314-288-k911577.jpg)
YOU ARE READING
Warzone | RYUJUN
FanfictionWe all have our own fights It's how we win them that matters~ . . TXT and ITZY epistolary (Yeonjun and Ryujin main ship)