A/n: Goal is 125-150 chapters lol ang dami hahaha kakayananin ko to!
===
Yeonjun's POV:
Si babi ko, masaya siya, I can't help but to smile bitterly, kailan lang ako pa ang rason ng mga ngiti niya, mga kalokohan ko nagpapasaya sakanya pero ngayon iba na, napakalaki mong tanga, mas Malala pa sinundan mo pa talaga sila sa clinic, ano ka ba Yeonjun? Ganyan ka na ba kamasokista?
I slowly walked away, gusto kong ipaglaban si Ryu pero kung ipipilit ko baka lalo pa siyang masaktan, at ayaw ko din na mangyari ulit sakanya yung dinanas niya noon.
My thoughts were drifting habang naglalakad ako sa may hallway, napatingin na nga din sakin ang ibang mga estudyante dahil na din siguro sa puro ako pasa.
Pilit ata talagang nilalayo ni Samuel si Ryu sakin eh, pag sumama si Ryu sakanya sa Amerika pano na kami? Wala na ba talagang pag-asa na baguhin namin ang mga bagay na nangyari?
I just found myself in front of the comfort room, mukhang walang tao sa loob, so I decided na pumasok muna sa isang cubicle, pagkatapos ko itong i-lock sinara ko ang takip ng toilet bowl at umupo muna, I don't know gusto ko lang mapag-isa, hindi ko mapigilan ang umiyak.
Siguro ilang oras din akong nagmuni muni sa loob ng cubicle, can you believe it? Ako na galing sa top section nag cutting classes? Wala I'll just be physically present and mentally absent dun kaya siguro mas Mabuti na to.
"HYUNG?! YEONJUN HYUNG NASAN KA NA?!"
I heard Taehyun's voice, he was shouting, and it seems like na hinahanap na nila ko, but I didn't answer sa halip ay mas pinili kong magtago.
"HOY CHOI YEONJUN PAG DI KA PA LUMABAS HAHAMPASIN TALAGA KITA NG GITARA NI JIHOON OPPA!!"
Narinig ko ding sigaw ni Anna, hays mukhang magagamit nanaman niya gitara ni Jihoon hyung.
Narinig ko nalang na may pumasok sa loob ng CR, I was hoping na sana hindi nila ako nahanap, I look so wasted now.
"Yeonjun, I know nandito ka lang kaya lumabas ka diyan"
Wait? That was Yoongi hyung's voice, but why?
"Ayokong lumabas hyung"
I can't help but to answer, kahit gaano pa ka lakas ng sira ng ulo ni Anna kinayanan niya, but when it comes to other people napakababa ng tolerance level niya kaya ayokong inisin si Yoongi hyung.
"Kilala mo si Kang Minhee at si Ahn Yujin sa ibang section? They said na may gumagalang multo sa mga cubicle ng CR so iwan na kita diyan, kwento ka nalang pag nakita mo"
Dali dali ko namang binuksan ang pinto ng cubicle at bumungad sakin ang mukha ni Yoongi hyung na natatawa.
YOU ARE READING
Warzone | RYUJUN
ФанфикWe all have our own fights It's how we win them that matters~ . . TXT and ITZY epistolary (Yeonjun and Ryujin main ship)