050

386 13 6
                                    


Yeonjun's POV:


Tinapon ko nalang yung cellphone ko sa gilid ng kama bago ko humiga at nagtalukbong ng kumot, bwiset talaga!! Bakit ba ko masyadong affected dahil sa bwiset na babaeng yun?!


Narinig ko nalang na may kumatok, sino nanaman kaya toh? Wag niyong sabihin na ako ang maghuhugas ng plato ngayon kundi arggg!!


Narinig ko nalang na bumukas yung pinto at maya maya may umupo sa kama ko at nambwibwiset pa...


"Umalis ka nga dyan bwiset ang bigat bigat mo!!"


Alma ko kasi bigla ba naman akong daganan?! Narinig ko yung tawa niya at alam ko na si Beomgyu yan hays!


"Ikaw ba kasi hyung anong problema mo?"


Tanong niya sabay alis at umupo naman ako, oo nga noh? Ano ba talaga yung problema ko?


"Wala akong problema, gusto kong matulog"


Yun nalang sabi ko at hihiga na sana ko ulit kaso pinigilan ako ni Beomgyu.


"Hyung, may gusto ka na ba sakanya?"


Sino naman tinutukoy neto??


"Kay Ryujin"


At mukhang nabasa niya pa ata yung nasa isip ko, and the answer is no, ulol di ako magkakagusto dun -_-


"NEVER yaks"


Sagot ko kaya naman natawa sakin si Beomgyu, at napansin ko din na napangiti siya ng konti, kaya nagtaka nalang ako.


"Ngiti-ngiti mo dyan?"


Tanong ko kaya tumingin siya sakin...


"Kasi alam ko na wala kang gusto kay Ryujin"


Nagulat naman ako sa sagot niya kaya bigla ko siyang pinandilatan, lalo lang siyang napangiti sabay iling, at mukhang kinikilig pa siya, sapakin kita eh kahit kaibigan kita...


"Ikaw ba may gusto ka sakanya?"


Tanong ko sakanya, hindi ko alam pero medyo naiinis talaga ko ngayon, nadagdagan niya lang yung inis ko bwiset talaga.


"Wala hyung"


May halong ang-aasar sa boses niya sabay taas baba pa ng kilay.


"Dahil ikaw ang may gusto sakanya"


His words got me quite shocked, ako? May gusto? Kay Ryujin? But that's impossible.


"You we're annoyed nung nalaman mo na anniversary nila"


He stated kaya naman napairap ako habang siya naman napatawa nanaman.


"And just right now, nainis ka sakin dahil akala mo may gusto ko sakanya"


And because of his words napaisip na din tuloy ako, can I really like her? Can my feelings grow? Can I really like the girl that I used to hate the most?


"Your reaction says everything hyung"


Dagdag pa niya kaya hindi na ko nakaalma, pero kung sakaling magkagusto nga ako sa babaeng yun wala naman na taken na siya, and mukhang stay strong sila ng kung sino mang hinayupak yun, like magtatagal ba sila ng anniversary kung hindi?


"Hyung, just make sure you won't regret anything later on"


I just nodded and lumabas na si Beomgyu ng kwarto ko, at eto ko nag-iisip ng malalim.


What's happening? I hated her so much, pero pwede ba talaga? Naiinis ako pag naiisip ko na may iba na siya, gusto ko siyang damayan pag ramdam ko na malungkot siya, and hindi ako mapakali kapag hindi ko siya kasama...


"Aish bwiset talaga"


Mahina kong minura sarili ko kasi napagtanto ko na wala na... Nahulog na talaga ko sakanya.

Warzone | RYUJUNWhere stories live. Discover now