Part 8

167 9 3
                                    

Donny

Kisses..I'm sorry..sinenyasan ko siyang patapusin muna ako magsalita ng akma sana nyang ibubuka ang bibig nya.

I'm sorry kasi alam ko na isa ako sa dahilan kung bakit gusto mo ng kumawala sa mundo ng showbiz. I disappoint you and for that, humihingi ako ng tawad.

Kisses

Natahimik ako ng bigla nyang itaas ang kamay nya senyales ng pagpapatahimik sa akin. Hinayaan ko cia magsalita. Habang nagsasalita siya hindi ko maiwasang pagmasdan ang kabuuan nya. Nakayuko siya habang paulit ulit na nagso sorry sa akin. Mixed emotions,yun yung nararamdaman ko ngayon. Sa totoo lang wala naman talaga syang dapat ihingi ng tawad. Alam ko naman na dito din ang ending namin. Kaya lang bakit ngayon pa?bakit ngayon pa kung kelan nakilala na yung love team namin? Oo!nanghihinayang ako sobra!kasi andun na eh,andun na kame sa point na nakikipagsabayan na kame sa ibang kilalang love teams tapos biglang ganito?natapos na..tinapos na nila. Feeling ko ako lang yung lumaban para sa amin eh. Iniiwasan ko siya ngayon,oo!nasaktan ako eh,umasa ako na kokontra siya sa kagustuhan ng management at ng managers nya. Kasi ako kaya ko yun gawin eh kung sinabayan nya lang sana akong lumaban baka walang nasasaktan sa amin ngayon. Walang supporters namin na sasama ang loob at sisisihin ako at siya nung bigla kaming nabuwag. Basta na lang siya di na sumusulpot sa mga events na pwede pa sana kame magkasama. Nung nanalo kame sa pa poll ng Inside Showbiz as best loveteam,akala ko sasamahan nya  ko tumanggap ng awards bilang ganti na din sana sa mga nagpakapuyat noon na supporters namin maipanalo lang kami. Kisses,sorry di ako makakadalo may prior commitment kasi ako yun ung sinabi nya sa kin sa text tapos eto malalaman mo sa igs nya nagbasketball lang? Sino di sasama loob pero di nya man sabihin ramdam ko na way nya na yun para umiwas. Para nga naman siguro in time na tulad nito ma gets na nung iba na di kame talaga official. And that hurts me the most,feeling ko wala talaga akong kwenta,d ako worth it na ipaglaban,na di ako maganda at magaling para lang makapareha ng isang Donny Pangilinan..

Ha?!bat mo naman naisip yan?sinarili ko na lang yung mga gusto ko sanang isumbat sa kanya. Alam ko naman kung ano talaga yung plano nila sayo una pa lang. Oo!alam ko yung mga plano ng management para sa kanya at di ako kasali don. Alam ko naman na di ako paborito pero dahil sa alam ko na ipinaglalaban ako ng mga supporters ko kaya lumalaban din ako para sa kanila at sa mga magulang ko na lagi nandyan para suportahan ako at nagtitiwala sa kakayanan ko. Kahit na madaming beses ko ng gustong sumuko. Umabot na nga ako sa puntong pati ako parang wala ng tiwala sa sarili kong galing. Sa dami ng hinaharap kong bash araw araw na pati magulang ko nadadamay. Mga akala kong kaibigan ko sa showbiz na nilamon na ng sistema,na nakalimutan na,na minsan nakilala nila ako at nakasama. May iilan pa din naman na naging tapat sa pagkakaibigan namin at yun na ang pinagpapasalamat ko kay Lord kasi alam ko na alam nya ang laman ng puso.

Separate Lives (a DONKISS story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon